"How's my wife, doc?" tanong ni Zards sa doktora. Abot-abot ang kabang nadarama ni Zards. Tila ba pinipigilan niya ang sariling paghinga. "She's fine and there's nothing to worry, stomach pains or cramps are common in pregnancy and usually nothing to worry about, pwede ka ng pumasok sa private room kung nasaan ang asawa mo, Mr. Razon, and anytime pwede na rin kayong makauwi," nakangiting tugon ng doktor. "Thanks, God. Glad to hear that, doc," ani Zards, saka niya tinungo ang kwartong inukupa ni Rebecca. Tulog pa ang kanyang asawa ng pumasok siya sa kwarto nito. Naupo siya sa tabi ng asawa. Hinagkan niya ito sa noo ng may buong pagmamahal at pagsuyo. "I love you, sweetie," bulong ni Zards sa punong-tenga ng asawa. Hindi siya magsasawang titigan ang maamong mukha ng asawa, kahit wala iton

