"Wala ka bang plano na kontakin si Zards at ipaalam sa kanya ang lahat ng 'to?" Mababakas pa rin sa boses ni Levi ang pagka-irita kay Rebecca, hindi iyon maipagkakaila sa bawat galaw at kilos niya, she was so mad. Dahil para kay Levi, kailangan. "Sasabihin ko sa kanya 'pag uwi n'ya, Mama. And regarding nga po pala sa status namin ngayon ni Shanice, hindi ko pa kayang mag-sorry sa kanya, maybe some other time. Hindi po madaling makipag-ayos lalo na't puro kami nasa bad mood. Ayoko lang maging plastik sa kanya, Mama. Sana naman po maintindihan ninyo," saad ni Rebecca sa ina. "At sa tingin mo ba tama na patagalin pa ninyo ang ganyang pag-uugali, Rebecca?" taas-noo na tanong ni Levi sa anak habang sumimsim ng tsaa. "Pero, Mama-" "Stop, that stupid excuse, Rebecca!" medyo tumaas ang tono s

