"Mama," mahinang tawag ni Rebecca sa ina. Umirap lang si Levi habang karga si baby Zoe, ni hindi niya pinapansin ang nagmamakaawang si Rebecca. "Mama, I'm so sorry," sumamo ni Rebecca sa ina. "Sorry, ba't sakin ka nag-sorry? Sa akin ka ba may kasalanan? Ako na ba ngayon si Shanice at hindi si Levi?" pilosopo na tugon ni Levi sa anak na ngayo'y napanguso. Ngumuso si Rebecca, hayan na naman ang bibig ng kanyang ina. 'Pag ganitong kausap niya ito ay talagang wala siyang laban dito. "Please..., Mama. I just want to say sorry," muli ay hirit ni Rebecca sa ina. "Get out of this room, mag-sorry ka sa taong sinaktan mo, 'wag sa'kin." Maririnig ang matigas na tono na iyon mula kay Levi. Humalukipkip na lamang si Rebecca. She's wondering kung saan niya hahanapin si Shanice. Tahimik na nilisa

