"Mom, dad will gonna be okay," alo ni Lawrence sa ina. Kasalukuyang nasa kotse sila. Si Mang Dani ang kanilang driver. Patungo sila ngayon sa hospital. Kapwa kinakabahan ang mag-ina. Niyakap ni Lawrence ang ina. Si Mang Dani naman ay tila pinipiga ang puso sa nasaksihan. Hindi niya kayang pagmasdan ang nakikitang lungkot at lumbay sa mag-ina. Kumusta na kaya ang amo niyang lalaki? Ang alam niya, may pagtatalo na nangyari sa mag-asawa. Iniliko niya ang kotse at makalipas ang ilang saglit, narating na rin nila ang kanilang destinasyon. Na unang bumaba si Rebecca pero agad din siyang sinita ng anak para suotin ang mask at face shield. "Here," ani Lawrence sa ina. "Thank you, Lawrence." Hinila ni Rebecca ang anak patungo sa loob ng ospital. Sinalubong agad sila ng mga magulang ni Za

