Napansin ni Rebecca ang gwapong neurologist na tumingin sa kanyang asawa at nagmamadaling pumasok sa ICU kasama ang nurse na kanina lang ay nakausap nila. Napakagat-labi si Rebecca, she was so worried. Sana okay lang si Zards. Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Lawrence, tila hinaplos ang kanyang puso ng makita itong nakatulog sa kandungan ng ina ni Zards. Her innocent little Lawrence, her little brave man. Damn it! Wala siyang ibang magawa kundi ang lumuha. Naibsan kasi niyon ang bigat sa kanyang dibdib. Nagpapasalamat pa rin siya ng lubos sa Dios dahil sa andyan ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Zards na handang umalalay sa kanila ng kanyang anak. Napalingon siya sa may pintuan ng waiting area ng mula roon pumasok sina Dahlia at Shanice. Lihim siyang nag-ngitngit ng makita ang

