Tibor
KINABUKASAN, tulad ng nasa plano namin, nagpunta kami sa Mansion ni Madam Estella, ang bahay ng mga Agassi.
Tumatakbo sa gilid ng pool si Garet na hinahabol ng isang kasambahay. Sigurado na natatakot ito na baka madulas o mahulog ang batang lalaki sa tubig. Sadyang malikot lang talaga ito at sutil.
I found Angela holding her daughter in her arms, sitting on a reclining chair beside the pool. Kung gaano kasutil si Garet, ganoon naman katahimik si Greta na sapat nang hawak ang tila voodoo doll. It is creepy, but she loves it, which I don’t understand.
“Garet, Uncle Tibor is here!” anunsiyo ni Torin na bagong labas mula sa loob.
Napangisi ako.
“Fvck!” Garet cursed nang maabutan ito ng kasambahay at bitbitin. “Ahh! Fvck!”
Naaasar na tumingin sa akin si Angela nang masama at naiiling. Hanggang ngayon ay hindi siya natutuwa sa akin dahil bukod sa mommy, daddy at iilang pang mga salita ay natutunan ni Garet ang fvck, c*ck at d**k na iilan sa mga kaya niyang sabihin.
Kinumusta nila kami at saka pinakain.
After that, Agatha enjoyed holding Greta. Naroon sila sa kabilang panig ng pool na sampung metro ang layo sa akin. Pinagkatiwalaan siya ng anak na babae ng mag-asawa na hindi nito nagawa sa akin sa iilang beses na nagpunta ako roon. I smiled watching her.
“I hate the look on your face,” Torin said. Inabutan niya ako ng beer bago umupo sa silya.
“What?”
Nilingon niya si Agatha bago muling tumingin sa akin. “You like her?”
“Fvck that! Of course not!”
Hindi siya ngumiti o sumimangot. Mas nanaig ang pagkabahala sa kanyang mukha at hindi ko iyon nagugustuhan.
“Come on, Torin. Alam mong hindi pwede. Malaking pagtataksil iyon sa grupo. Baka patayin ako ni Greg,” mariin kong sabi kahit pa nga halos magbulungan kami.
“Iyan nga ang kinatatakot ko. Tibor, apat na taon kang nagtrabaho dito. Halos ibinigay mo ang lahat ng oras at determinasyon mo. Kahit ang pumasok sa grupo ni Adrian masugpo lang ang grupo niya ay ginawa mo. Huwag mong hayaan na isang babae ang sisira sa ‘yo.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso at saka siya inilapit. “I won’t be like you, Torin! Forgetting your ‘mission’ for the sake of Silence! Mark my fvcking words!”
“Ano na naman ang pinag-aawayan n’yo?” anang kanyang asawa na bagong lapit at naroon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mata na tumingin sa akin.
Malaki ang pasasalamat ko na dumating siya dahil baka mamula ang pool mula sa dugo namin. Torin was ready to get his knife and kill me.
“Nothing, love,” sagot ni Torin. Angela sat on his lap.
Binuksan ko ang lata ng beer at nilagok ang halos lahat ng laman niyon dahil hindi ko pa rin masikmura ang dalawang ito.
“I have news,” ani Angela. Parehas kaming tumingin sa kanya. “Nagdeklara ng war si Kobi kay Hiro. I think puputulin niya ang ugnayan kay Mr. Z. Nalaman ko ang mga iyon kay Kweku.”
“Bakit?” naguguluhan kong tanong.
“Kobi’s right-hand man touched Hiro’s woman when she visited New York. You can touch anyone, but not their women.”
“So, eventually, Hiro killed the fvcker, and Kobi was offended?” tanong ko, nilukot ang lata.
“Yeah. Kobi must’ve protected his group as the leader in the US. Killing one of his men would surely put them in war.”
“Angela, I don’t fvcking care about their stories or their women! Ano ang maitutulong niyan sa ‘kin?” naiinis kong tanong.
Nagkikiskis ang ngipin niya sa pagkaasar sa akin. “Malaki, Tibor! Ngayon na nagkakawatak-watak sila, sa palagay mo ba ay uunahin ni Mr. Z ang anak niya?”
“So, you're saying?”
“Mananatili si Agatha sa poder mo,” si Torin ang sumagot na nakangisi.
“Fvck!” I looked at the woman who was happily playing with Greta across the pool. Hindi ko alam kung gaano katibay na pader ang dapat na iharang ko sa pagitan namin.
Because Torin was right—my sexu*l tension with her presence was too strong, and I fvcking hated it!
***
SA PALAGAY ko, may isang buwan na rin si Agatha na nasa poder ko. Isa akong spy kaya matalas ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay. Ramdam ko ang tingin niya at hindi ako mapalagay sa pagtatrabaho.
I closed my laptop in a harsh way. Napakislot siya pagkatapos ay hayon na naman siya sa kanyang gawain na inilipat ang pahina ng librong binabasa niya.
“You kept looking at me,” nang-aakusa kong sabi. I can’t fvcking focus on my report because I feel her gaze.
Agatha’s eyes meet mine. I want a moment of silence and admire those orbs. My eyes roamed at her delicate skin. Those pink lips… her slender neck… her collarbone…. and her chest that I really want to ravish. Fvck! I felt my pants slightly tighten.
“I’m not!” Para akong nagising dahil galit ang tono ni Agatha.
Fvck it! Pinindot ko ang buton ng wheelchair para umandar at magtungo sa kanyang direksiyon. She gulped as I shortened our distance as if I would do something to her.
“I don’t want you to look at me while I am away. Look at me now. Sabihin mo sa ‘kin kung ano ang impresyon mo habang narito ako sa malapit.” Tibor, you are so fvcking screwed.
Ibinaba niya ang libro na binabasa niya at saka siya tumingin sa akin. It’s a medicine book from Angela. Clever! Hindi ko maitatanong sa kanya ang binabasa niya tulad noong nakaraan na alam ko ang sagot.
“Aakyat na lang ako kung hindi ka komportable sa presensiya ko,” aniya.
“That’s better.” Nakita ko na nalungkot siya matapos kong sabihin iyon. Dinampot niyang muli ang mga libro at saka umakyat sa kanyang silid.
Sinubukan kong bumalik sa trabaho, ngunit hinahanap ko naman ang presensiya niya. Parang kulang ang oras na iyon nang hindi ko nararamdaman ang kanyang mga tingin. Fvck!
May lumitaw na bagong email sa akin sa screen. Pangalan ni Rosanna ang nakalagay. I met her in Paris. Isa siyang socialite na walang alam kung hindi materyal na bagay at s*x. Nakilala ko siya sa isang bar tatlong taon ang nakaraan. Siya ang kusang lumapit sa akin. We flirted and fvcked. Before I realized, we have been doing it for three fvcking years. Kapag naroon kami sa parehas na siyudad, imposibleng hindi namin magawa ang ganoon.
Narito ako sa Maynila? Want to see me and play?
Just what I need. I need to release my tension.