CHAPTER 6: Mr. Z

1221 Words
Tibor I MAY sound like a total arse, but my warnings for Agatha are basically for herself—against me. It’s better to warn her because I didn’t trust myself. Mas mabuti pa na siya ang lumayo sa akin. Si Agatha at ako ay parang tubig at langis—hindi maaaring pagsamahin. She’s my mission and an enemy. But damn it! Her mouth or her delicate hands, it was as if they were sending waves to my length. As she parted those pink lips, fvck! I wanted to put and bury myself inside her. Napagalitan ko na siya roon noong unang araw na dumating siya. Hindi naman siya nakahalata kung bakit ayokong nakabukas nang madalas ang bibig niya. Hinahalina ako niyon sa erotikang dahilan. Ang mga daliri niya na maingat na naglalagay ng gamot sa binti ko o kaya naman ay ang mga palad niya na naglalandas sa aking balikat at braso kapag tutulungan niya akong maglinis. May kakaibang pagnanasa na namumuo sa akin sa tuwing maiisip ko siya at hindi iyon maganda. “Tomorrow, let’s go to Angela and Torin’s home. They invited us for a meal. Hindi rin makakapunta rito si Angela para suriin ang binti ko. You can rest now.” Namumula pa rin ang kanyang pisngi, ngunit tumango siya. Maingat niyang inayos ang mga gamot para ibalik sa refrigerator. Nagpalipas ako ng ilang minuto, pinakiramdaman ang buong tirahan na binabalot na ng katahimikan. Dadalawa lang kami ni Agatha ang nakatira roon at may palagay ako na hindi siya lalabas ng kanyang silid hanggang bukas. Inabot ko ang laptop ko na naroon sa gilid at saka binuksan muli ang site ng opisina. Isang mensahe mula kay Greg ang lumitaw. He’s my general. Siya ang boss namin ni Torin. Sa ngayon ay ako na lang dahil umalis si Torin sa grupo para pamunuan ang ULab. Gayunman, tinutulungan pa rin niya ako sa misyon dahil malaking grupo ang Black Knight na ilang taon na naming hawak. Ginagawa niya iyon para protektahan ang kanyang asawa na mahigpit naming usapan. Greg: Is there any news about Mr. Z? Me: None. Greg: Are you sure he cared about Miss Serrano? Why didn't he do anything to get her? Me: He should be. He didn’t keep her against us if he didn't care. Greg: Keep me posted. Me: Noted, sir! Binuksan ko ang files ng lahat ng report ko tungkol kay Mr. Z. Ang malinaw na ebidensiya na kailangan akong layuan ni Agatha. Ayokong magkaroon ng malalim na samahan sa pagitan namin. Hindi ako sigurado kung gaano siya kalakas para harapin ang katotohanan na hindi siya pinabayaan ng kanyang ama kung hindi ginawa nito iyon para itago siya sa grupo—grupo ng Black Knight at ng MI. Posibleng masaya pa nga ang gago nang makulong ang kanyang anak dahil mas ligtas doon si Agatha. Mr. fvcking Z has been living for years. Ipinapasa ang pangalan na iyon sa kung sino ang tagapagmana. Apat na taon ang nakaraan, himalang nakapasok ako sa grupo ni Adrian Falcone na nakabase sa Europe. Isa sa mga underboss ni Mr. Z. I got his trust after I saved him from an attack. I needed him that time, that's why I didn’t kill him. He was my mission. Isang taon pa akong nanatili sa grupo niya bago ang atake sa laboratoryo. I got everyone’s faces and names behind the group. Doon ko nakuha ang pangalan ng bagong Mr. Z—si Dr. Macasaeg—which is basically non-existent! Daig pa niya ang fictional character na hindi totoong nabubuhay. Tang ina! Inabot ako muli ng ilan pang taon bago ko makuha ang tunay niyang pangalan—Antonio Serrano—ang tatay ni Agatha. Ganoon kadulas ang gago! Malalaman ko na sana ang katotohanan, ngunit hayon nga at nakaamoy si Adrian Falcone. Paunahan kaming dalawa kung sino ang makakaabante para patayin ang isa’t isa. Adrian is a fvcking rich man based in Europe. Mayroon siyang real estate business sa iba’t ibang parte ng Europe. But that isn't the reason why he is rich. He manages a drug laboratory, which Angela had been part of. Pero under ni Hiro si Angela na isa pa sa tatlong underbosses. Hawak nito ang Asia. Nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Torin. Eksakto! Gusto kong makausap ang asawa niya. “Hello!” “Kumusta kayo ni Agatha?” aniya sa kabilang linya. “Ayos lang kami. Pwede ko bang makausap si Angela?” “And may I know why?” Nahihimigan ko ang pagdududa sa kanyang boses. “Fvck you, Torin! Wala akong gagawin sa asawa mo, alright? Kausap ko si Greg at may mga gusto lang akong malaman sa grupo ng asawa mo dati.” “Fvck you too, Tibor! I already told you to stay Angela away from your mission!” he growled, and I do understand him. “Torin, you know how we fvcking trust each other! I let your wife away for three fvcking years! Hindi pa ba sapat ‘yon? If I’m not that trustworthy, I already informed Greg or MI that Silence is your fvckin’ wife!” Napagtaasan ko na siya ng boses dahil sa inis. Naiintindihan ko ang pagpoprotekta niya kay Angela, but I am his fvcking best friend! Wala akong gagawin na ikapapahamak ng pamilya niya. Gayunman, malinaw din sa akin na kaya niya akong patayin maprotektahan lang ang kanyang asawa. “Hello!” Nabigla ako nang marinig ang tinig ng huli. Napapikit ako nang mariin dahil binigla na naman ako ng mag-asawa sa paraan na hindi ko inaasahan. Hindi ko tuloy alam kung saan magsisimula. Tumikhim ako. “Gusto kitang makausap hindi lang bilang miyembro ng Black Knight dati kung hindi bilang magulang. Gusto ko rin makasiguro kung may patutunguhan itong pagkupkop natin kay Agatha. Paano kung hindi kunin ni Mr. Z si Agatha? Hindi nga niya nagawang tulungan ang anak niya sa kulungan, ngayon pa kaya?” “Tibor, I’m not sure. Mr. Z has no heart and I am sure about that! Pero sigurado ako na malaki ang pagmamahal niya kay Agatha para itago niya ang anak niya sa Bayan ng Del Rosario nang walang nakaaalam kahit ang grupo ng Black Knight. Well, hindi ako sigurado kung alam iyon ni Adrian, Hiro at Kobi na pinagkakatiwalaan ni Mr. Z. “Or at least, isa sa kanila at iyon nga ay si Adrian. Ang pagkakakulong ni Agatha, naganap iyon habang mainit ang kaso niya sa grupo mo at sa ULab. Ang lumayo sa kanyang anak ang pinakamagandang plano niya noon. Agatha is safer inside the jail rather than running together with his father away from your group. May ginawa ba si Agatha kaya hindi ka mapakali?” “None,” mabilis kong sagot. “But you care about her and you are afraid this would hurt her?” Fvck! This woman! Mas mabilis gumana ang kanyang isip at ikonektado ang lahat sa simpleng pag-uusap lang. I should have listened to Torin and stayed away from his wife! “Ang totoo, hindi ako sigurado kung may plano si Mr. Z na kunin si Agatha sa atin,” pag-aamin ni Angela sa kabilang linya. “Ang nasisiguro ko ay malaki ang tulong niya para gumaling ka. Masyado nang gabi. See you tomorrow, Tibor.” Napabuntonghininga na lang ako. “All right. See you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD