CHAPTER 9: The past; Suspended

1146 Words
Agatha IT WAS raining outside. Masyadong malakas ang ulan. May halo pa itong kulog at kidlat. Natatakot ako lalo na at mag-isa ako sa kuwarto. Naging daan tuloy ito para maalala ko na naman ang nakaraan. *** (Two years ago) DAHIL hindi na ako pinayagan na manatili sa library, nanghiram na lang ako ng libro na pwede kong iuwi sa bahay. Habang papauwi, hindi ko mapigilan na tumingin sa aking cell phone. Nagbabakasakali na sumagot ang aking ama sa huli kogn mensahe sa kanya. Nag-aalala na ako dahil normal na tumatawag siya sa akin dalawang beses sa loob ng isang linggo. It’s been almost two months, and there was no news of him. Gustong-gusto ko nang pumunta ng Maynila. Ngunit paano ko gagawin ‘yon kung hindi ko alam kung saan siya nakatira? I felt stupid for knowing nothing about my dad. All I knew was his job and where he was working. However, ULab is a big company. How would I find him there? Napakislot na lang ako nang may umakbay sa akin habang papalabas ako ng eskuwelahan—si Marcus—ang nobyo ni Janice. “A-anong—” Agad niyang pinutol ang sinabi ko at nagdahilan. “I’m sorry, Agatha. I have to do this. Nasasakal na ako kay Janice. She was everywhere. Kailangan kong gawin ito para layuan niya na ako.” Tuluyang nablangko ang isipan ko at napalunok dahil alam ko na hindi ito magandang ideya. Lahat ng makakita sa amin ay posibleng iniisip na may relasyon kami. I want to push his arms away from my shoulder. But many burdens filled my head, which made me nervous and stiff. My dad, my family, Janice… Masyado rin siyang malakas kaya hindi ko magawa ang dapat kong gawin. “Marcus!” Iyon na nga. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo na natuod ako sa akbay ni Marcus ay nagpupuyos sa galit si Janice na lumapit sa amin. Malalaki ang kanyang hakbang. “You, b***h!” Tila naging abo na ang lahat sa aking pag-aalala nang maramdaman ko na tila mapupunit na ang aking anit sa kanyang pagkakasabunot. Nabitiwan ko ang mga libro na yakap ko na hiniram ko pa sa silid-aklatan para iuwi. “Stop!” The stupid me, all I could say was one word, while humiliated by this ex-friend of mine. “Ngayon mo sabihin sa akin na wala kayong relasyon, huh? Buwisit ka! Mang-aagaw! Walang hiya kang babae ka!” Ramdam ko ang galit ni Janice. Sinong hindi? Habang pinagsasabihan niya ako ng masasakit na salita at pinagbibintangan ay iwinasiwas niya ang mahaba kong buhok. Napaigik na lang ako sa sakit. Hawak ko ang kanyang kamay para pigilin siya at alisin na niya ang pagkakahawak sa akin. “Janice, stop!” Marcus said. Iyon lang ang tangi niyang nasabi matapos niya akong isama rito sa kanyang gulo. “Bitiwan mo ako…” Naiiyak na ako. Hindi ko nga alam kung narinig nila ang mga salitang iyon mula sa akin. “Ang babaeng ito! Dati kong kaibigan pero inahas ang nobyo ko! Ang galing mo pang magsinungaling!” galit na sabi ni Janice sa iba pang nasa paligid. Nasa tono niya ang kasiguruhan na ipahiya ako. “Sige, saktan mo ‘yan!” ani Marissa. Nagawa niya pa akong sampalin. “Walang hiya ka talagang babae ka!” “Janice, stop! I said, stop it!” pigil muli ni Marcus. Nakarinig na lang kami ng pito mula sa guwardiya. Tumatakbo ito papalapit sa amin. “Miss Singson! Miss Serrano!” Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng dean sa compound na tila nagpatigil sa oras ng lahat. “Ahh!” Napahiyaw na lang si Janice sa galit matapos ilayo ni Marcus sa akin. Para akong lantang-gulay na napaupo sa sahig habang umiiyak. Ang nakakatawa ay hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba iyon sa pananakit sa akin ni Janice? O dahil wala akong maintindihan sa nangyayari? My cheek burned from her slap. I couldn’t feel my scalp either, because it was too uncomfortable. Ramdam ko ang iba’t ibang klase ng tingin ng mga estudyante sa akin. Naroon pa kasi kami sa compound ng university. Mayroong naaawa sa akin, mayroong curious lang, at posible na mas maraming galit. Sa mata kasi nila ay isa akong babaeng ahas na nang-agaw ng nobyo ng dating kaibigan niya. “Kayong dalawa na naman? Go to my office. Now!” sigaw ng dean. Isa-isa kong pinulot ang mga libro na hiniram ko nang makabalik ako sa huwisyo, gayunman ay para pa rin akong tanga na wala pa ring naiintindihan sa naganap. Umiyak lang habang gulo-gulo ang buhok, wala sa ayos ang kasuotan at may namamaga pa yatang pisngi. Nang makarating kami sa opisina ng dean, naniningkit pa rin ang mata ni Janice sa akin, nakaismid naman si Marissa, habang si Marcus ay nasa tabi ko. Ako ay umiiyak sa silya. “I’m sorry, dean, pero personal ang bagay na ito. Masama ba kung pumili ako ng babaeng mahal ko?” nabigla ako sa winikang iyon ni Marcus. Umiyak si Janice dahil sa narinig. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang relasyon niya kay Marcus para umakto ng ganoon. “See, Ms. Dean? Ang lakas ni Agatha na mag-deny sa relasyon niya kay Marcus kanina! Ngayon po ba kayo naniniwala na inahas niya ang nobyo ko? Marcus, bakit mo napili si Agatha? May naganap na sa atin at pinangakuan mo na ako na pakakasalan mo ako, ‘di ba?” Agad itong niyakap ni Marissa na kaibigan nito habang tila patalim ang tingin sa aming dalawa ni Marcus. “Janice, I’m sorry. Hindi ka naman birhen nang may maganap sa atin ‘di ba? It was typical for a guy like me to throw those words out while making out with you. We broke up, I found the girl I liked, and that was Agatha. Sinunod ko lang ang damdamin ko kaya ako nakipagrelasyon sa kanya matapos kong makipaghiwalay sa ‘yo. We broke up and that was it!” I wish I were not been here to hear those lies from Marcus. He was just an acquaintance. We don’t have a relationship. I looked at him, but he averted his gaze. Janice burst her tears out. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kanya o sa sarili ko. She gave herself to this angel-like, good-looking man. “B-but…” I stuttered and wasn’t able to let out any more words. Muli akong inakbayan ni Marcus at humigpit ang hawak niya sa balikat ko na para bang nais niya akong pigilan na magsalita. “I know that this is personal to all of you, but I am doing my best for the sake of this school. Gumawa kayo ng gulo sa loob nitong eskuwelahan at hindi ko ‘yon maaaring palampasin. All of you are suspended in two weeks, except for Miss Lopez!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD