KABANATA XXVII "Sweety, what happened between you and Aaron was planned. At hindi mo gustong malaman kung ano ang naging parte ni Leizel doon." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Naguguluhang tumingin kay Liz na ayaw tumigil sa kakatulo ang luha. "L-Leizel?" I want her confirmation. Gusto kong malaman ang katotohanan. Kung ano ba ang ginawa ni Liz? Kung bakit sila nandito? Naaalala ko pa noong mga panahong nagkakasalubong si Liz at ang grupo nila Gino. Kitang-kita sa mga mata niya ang takot na hindi maipaliwanag. Ito ba ang dahilan? Yumuko siya saka umiling-iling. Hikbi siya nang hikbi. "I-I'm sorry..." By that words, she just confirmed that she did something. "B-Bakit ka nagso-sorry?" nanlalamig kong tanong. Nagsisimula na ring manlabo ang mata ko dahil sa luh

