KABANATA XXVI Akala ko ay hindi magtatapos ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pero ika nga nila, hindi permanente ang lahat sa mundo. Ang lahat ay nagtatapos sa wala maliban sa maiiwang sakit na idudulot nito. Nasa bay kami ng araw na 'yun, hawak-hawak ang kamay ng isa't isa na animo'y walang gustong bumitaw habang pinapanood ang paglubog ng araw nang biglang may tumawag kay Aaron. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkakunot habang nasa tainga niya ang phone. Matapos ang tawag ay niyaya na niya akong umuwi. Hindi ko man maintindihan kung bakit parang wala siyang gana ngunit sumunod na lamang ako. Pag-uwi namin ay hindi niya na ako pinansin. Mukhang wala nga siya sa mood. I didn't talk to him. Maybe he needs time right now to think. Makalipas ang ilang linggo

