KABANATA XXV "Thank you, Tita." Namamasa na ang mata ko dahil sa saya. "I am happy for you. We maybe shared a same story but it doesn't mean magiging pareho din ang kahahantungan natin. You love each other and I am really proud of you two. Nagawa niyong ipaglaban ang isa't isa kahit marami nang humadlang." "Tita naman eh!" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagbabadyang lumabas. Natawa naman siya. "Huwag kang umiyak. Wedding mo ito. Gusto mo bang maging pangit?" biro niya. Sunod-sunod akong umiling sa kaniya. Hinaplos naman niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "At tawagin mo akong Mama from now on." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Sige po... Ma." Niyakap namin ang isa't isa. "It's time to face your groom," she whispers. Tumango ako sa kaniya bago kuma

