KABANATA XXIX Hindi mo masasabing okay ka na pagkalipas ng mahabang panahon. Hindi dahil nawala na sa paningin mo ay mawawala na lang ang sakit na idinulot niya. Lagi pa rin itong nandito, binabalikan ka para ipaalala sa iyo ang masamang alaala. Sa paglipas ng panahon, hinanda ko ang sarili ko sa pagkakataon na ito. Pagkakataon na harapin ang taong nanakit sa akin nang walang takot. Gusto kong ipakita sa kanila ang taong sinubukan nilang wasakin ay nakatayo pa rin at kaya silang harapin na parang wala lang. Puot at galit akong nakatingin kay Aaron. Unti-unti namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Umamo ito habang nakatingin sa mga mata ko. Nagkahalong pag-aalala at awa ang nakikita ko sa mga mata niya. "E-Erika, I'm not Mark Aaron," mahinang sambit niya. Napamaang ako, tumingi

