KABANATA XXX "Bukas na ang pasok mo. Handa ka na ba talagang harapin sila?" tanong ni Trigger sa akin matapos niyang ilapag sa harap ko ang ginawa niya espresso. "Yeah," walang ganang tugon ko. "Anyway, kamusta ang manager ko s***h waiter s***h baker s***h adviser s***h butler s***h dishwasher?" tanong ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko. "s***h your boyfriend," dagdag niya. "Huwag mo iyan ipaparinig kay Roro kung ayaw mong mawala na sa mundo," natatawa kong turan. Itinaas naman niya ang kamay niya. "Boy best friend, Erika. Isa pa, hindi mangyayari 'yang sinasabi mo," mayabang niyang sabi. "How can you be sure?" taas kilay kong tanong. "She's into me," pagyayabang pa niya. Tumaas naman ang kilay ko. "Yeah, yeah. Say that after she broke

