KABANATA XX Namumutla akong tumingin sa kanila. Tila nabingi ako sa huling sinabi ni Mommy. "You have to abort the child for the sake of this family as soon as possible!" A-Abort? They're going to kill my child. Natawa na lang ako sa kabila nang patuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko. Kung may makakaintindi dapat sa akin ngayon, it should be her. Isa rin siyang ina. Dapat ay naiintindihan niya ang nararamdaman ko. "Did I hear it right? You want to abort my child?" I cried. She disgustedly looked down to me. "Erika, you have to understand. Hindi pa 'yan bata. Kailangang mawala ang batang iyan kung ayaw mong masira pati ang kinabukasan mo!" I could not stay sane right now. How could she say that? Yumuko ako at humikbi ng tahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Na

