KABANATA XXI "Erika..." Naalimpungatan ako nang maramdaman ang kamay na gumigising sa akin. Agad akong napabangon nang makita si Aaron. Napatingin ako sa oras. Alas otso na ng gabi. "M-May problema ba?" tanong ko nang mapansin ang nag-aalala niyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko. "Maghanda ka na ng gamit. Kailangan na nating umalis." "B-Bakit?" Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "You're not safe here. Nasa lobby ang mga magulang mo. They're talking to my Dad right now. Papunta sila dito. I think they're planning to get you." Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Natatakot akong tumingin sa kaniya. "A-Aaron, hindi ko kaya," naiiyak kong tugon. Niyakap naman niya ako. "Shh. It's okay. Magiging okay ka." "How?" nag-aalalang tanong ko. Humugot siya n

