7

1976 Words
KABANATA VII Umuulan nang makauwi ako ng bahay. Hindi na ako pumasok sa ibang subject ko. Tinext ko na lamang si Liz na kunin ang bag ko at ilagay sa locker niya. Sira kasi ang locker ko, matagal na kaya't nagagawang pakialaman iyon ng maraming tao. Agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. Gigisingin din naman nila ako kapag hapunan na. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang matanggap ko ang isang message galing kay Aaron. From Aaron: : Talk to me : Where are you? : Damn! Erika, where the f are you? : Nasa labas ako ng bahay niyo. : I won't leave here. : Hihintayin kita. Napakunot ang noo ko. Pinagloloko lang ba niya ako? Dahil kung oo ay hindi tumatalab sa akin ang mga ganitong uri ng prank. Muli kong ibinaba ang phone ko saka bumalik sa kanina ko pang plano, ang matulog. Lumipas ang isang oras at tatlumpung minuto ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok ko. Ginugulo pa rin ako ng mga sinabi ni Aaron. Was he serious? Kung ganu'n nga ay baka namatay na siya sa lamig sa labas. Hindi pa naman siya nababaliw para gawin iyon hindi ba? Nakita ko na lamang ang sarili ko na tinatahak ang labas ng bahay. Napayakap pa ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Nababasa na ang binti ko dahil sa lakas ng ulan. Tinignan ko ang buong paligid. Umaasang makita si Aaron ngunit ni anino niya ay wala akong nakita. Pinagloloko lang ata niya ako. Hindi daw siya aalis hangga't hindi ko siya pinupuntahan amp. 'Asan na siya ngayon? Bumalik ako sa loob ng bahay. Bwiset na lalaking iyon. Sinasayang lang ang oras ko. Sa sumunod na araw ay naging usap-usapan ang nangyari kahapon sa comfort room. Pinatawag pa ako sa OSA para paaminin kung sino iyon ngunit sinabi ko lang na katuwaan lang ang nangyari. Hindi naman talaga nangyari ang kung ano man ang iniisip nilang nangyari. Pasalamat sina Aaron at mabait pa ako sa lagay na ito. Kinailangan ko pang magsinungaling para pagtakpan sila. Pabalik na sana ako ng klase galing OSA nang makita si Aaron sa may pinto. Nakasandal ito roon na para bang may hinihintay. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko nang makuha ko ang atensyon niya. Para siyang hindi siya ngayon. I mean, ang maangas na siya. Para bang napakaamo niya ngayon, napakatamlay ng mukha niya. Namumutla rin siya at tila kulang sa tulog. Napakurap pa ako nang mapagtantong tinititigan ko na siya. Nag-iwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad papasok sa klase. Natigilan na lang ako nang magsalita siya. "Bakit ka nagsinungaling?" tanong niya sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya. "What do you mean?" taas-kilay kong tanong. "You know what I have mean. Bakit ka nagsinungaling?" muling tanong niya. Sa tingin ko ay ang pagsisinungaling ko sa OSA ang tinutukoy niya. Teka? Iniisip ba niya na siya ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling? Kaya ko sila pinagtakpan? I grinned. "Teka? Sa tingin mo ba ay nagsinungaling ako para sa iyo?" "Hindi ba?" maang niya. "Nagpapatawa ka ba? I would not waste my time to save you," giit ko. "I did lie because I don't want to involve myself with you again," pagdadahilan ko pa. Akmang igagalaw ko ulit ang mga paa ko para umalis nang muli siyang magsalita. "Do you hate me that much?" tanong nito. Napamaang naman ako. Bumuntong hininga bago lumingon sa kaniya. "Why? Gusto mo bang malaman ang sagot ko?" "Oo," seryoso niyang tugon. Bumuntong hininga naman ako. "I hate you," walang alinlangan kong saad. It was lie. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nitong nakaraang araw. Hindi ko siya magawang kamuhian sa hindi ko malamang dahilan. "Ayokong nakikita ka. Nasusuka lang ako tuwing nasisilayan ka man lang ng mga mata ko. Naririndi ako sa boses mo. I hate everything about you---" "Stop." "Gusto mo pa bang malaman kung gaano ko kaayaw sa iyo?" matapang kong tanong. Napansin ko ang pagkuyom ng panga niya. "I get it," tila naiinis niyang tugon. Tumalikod siya saka nagsimulang maglakad palayo. Napasinghap ako naman ako matapos niyang umalis. Nauubusan na ako ng hangin. Sumobra ba ako? Nagtungo ako sa dance studio matapos kong hindi mahagilap si Liz. Gaya nang inaasahan ko ay makikita ko siya roon kasama si R. "Baby Jay-jay, sige na, please? Isang kiss lang." "Mandiri ka nga, babaeta! Hindi tayo talo!" tila namumutla si R. Nagtatago sa likod ng mga ka-members namin habang sinusubukan naman ni Liz na habulin siya. Isang buwan na rin simula nang guluhin ni Liz ang nanahimik na si R. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at si R pa ang nagawang pag-tripan. "Hey." Nakuha ko naman ang atensyon nila nang magsalita ako. Mangiyak-iyak namang lumapit si R sa akin. Nagtago sa likod ko. "Babe, help me!" "Erika! Pakihawak nga 'yan para sa akin!" bulalas ni Liz. "Liz, tigil na. Harassment iyang ginagawa mo," sita ko kay Liz. Napasimangot naman siya't tumigil sa harap ko. "Wala! Sabihin mo, pinagdadamot mo si R," tila nagtatampong turan niya. "Sira." Matapos ang buong araw ng klase ay heto ako ngayon sa labas ng campus, hinihintay ang pagdating ng driver namin. "E-Erika, pwedeng pa-picture?" "Ms. Erika, pa-autograph po." "I-I'm a big fan po." "Lagi ko pong pinapanood ang mga Vlogs niyo." "Cheer up! We will support you always." Ilan lamang iyan sa mga salitang natanggap ko ngayong araw. Tanging ngiti naman ang ibinigay ko sa kanila kahit na naiirita na ako sa sobrang ka-clingy-han nila. I'm being humble here, b***h. Kung titipon lang ang mga plastik sa pilipinas ay baka ako ang nangunguna doon. Habang nakikipag-usap ako sa ilang estranghero ay bigla na lang kaming nagulantang sa isang pangyayari. Bigla kasing may naaksidenteng nakasakay sa motor na lalaki. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Sabay-sabay kaming naki-usyoso roon. Ganu'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang si Aaron iyon. "A-Aaron?!" Kinakabahan akong nagpabalik-balik ng lakad sa waiting area. Nasa hospital kami ngayon matapos naming isugod si Aaron dito. Hindi naman malala ang natamo niya. Mga gasgas lang ngunit hindi ko alam kung may injury siya. "Umupo ka nga, Erika. Kung maka-react ka, akala mo girlfriend. Girlfriend ka ba, hah?" sita sa akin ni Liz. Wala naman akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi niya. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din sa silid ang doctor na tumingin sa kaniya. Pareho kaming napatayo ni Liz. "Kumusta po siya?" "Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor. Nagpalitan kami ng tingin ni Liz bago sagutin ang doctor. "Ako po, pinsan niya. Tinawagan ko na si Tito. He will come here any minutes from now." Tumango naman ang doctor sa sagot ni Liz. "Hindi naman malala ang natamo ng pasyente. Pero dahil sa taas ng lagnat niya, mas mabuting manatili muna siya dito sa ospital pansamantala." "Sige ho." Matapos naming makipag-usap sa doctor ay nagpaalam muna si Liz para bumili ng makakakain. Gabi na kasi. Mahigit isang oras na kaming nandito. Pumasok naman ako sa loob ng silid para tignan ang kalagayan ni Aaron. Ano ba ang ginawa niya at nilagnat siya ng ganu'ng kataas? Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ngayon ko lang napagtantong mas gwapo siya kapag natutulog. Napaka-inosente mukha niya, ibang-iba sa tuwing nagigising siya. Meron mga gasgas sa mukha niya ngunit hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang kagwapuhan nito. "Ano bang ginawa mo at nagkaganiyan ka?" wala sa sariling tanong ko. "I waited for you." Nanlaki na lamang ang mata ko saka napaatras nang idilat niya ang mga mata niya. Kanina pa ba siya gising? "W-What?" utal na untag ko. Nanghihina siyang bumangon. "I wanted to talk to you. Hinintay kita sa labas ng bahay niyo pero hindi ka lumabas---" "Tanga ka ba?! Bakit mo naman gagawin iyon?!" bunto ko. Matamlay siyang nagkibit-balikat. "I-I don't know. I just... wanna talk to you." Napaismid ako. Kung ganu'n ay totoo ang sinabi niya kahapon sa chat? Hinintay niya ako roon ng mahigit isang oras? Nababaliw na ata siya. "Bakit?" puno ng kuriosidad kong tanong. "It's not like you are going to explain to me kung ano ang nangyari ng araw na iyon---" "But I do. I want to explain." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Seriously?" Hindi siya sumagot. Ilang minuto bago pumasok ng tuluyan sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa. "At bakit mo naman gagawin iyon? Hindi mo naman ako girlfriend. Isa pa, ano ang sasabihin mo? Kung paano kayo napunta doon at muntik ma-r**e ang isa't isa? That's crazy!" Siguro ay kailangan ata niyang magpatingin sa psychiatrist. Napatingin kaming pareho sa pintuan nang may kumatok rito. Nanlaki naman ang mata ko nang makilala kung sino. Iyon ang lalaking dalawang beses ko nang nakitang kasama ni Mom. Anong ginagawa niya rito? "Dad." Nagulat ako sa pagtawag ni Aaron sa kaniya ng Dad. A-Anak niya si Aaron? --- Saturday morning, nagising na lamang ako na ang lagkit ng pakiramdam ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at tila mababaliktad ang sikmura ko. May meeting pa ako ngayong araw kasama ang manager ko para pag-usapan ang isang project. Kukunin kasi ako ng isang production para maging extra sa isang pelikula. Napakunot ang noo ko nang mapansing pawis na pawis ako. Basang-basa na nga sa pawis ang higaan ko. Mabigat man ang pakiramdam ko ay nagtungo ako sa salamin para tignan ang sarili ko. Kinukusot ko pa ang mga mata ko dahil sa antok. Nang mawala na ang antok ko ay saka ako tumingin sa repliksyon ko. "A-Ano ito?" Natataranta kong tanong. Napahawak ako sa dibdib ko ngunit napakagat na lamang ako ng labi dahil sa pagkirot nito, para bang ang sensitive nito ngayon. H-Hindi rin normal ang laki nito! Huli nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari. "Aaaah!" Bakit... Bakit ang hindi normal ang laki ng dibdib ko ngayon?! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakikita. Hindi na ako flat! Pero bakit naman ganito? Masakit! Para siyang naging sensitive. Gusto ko ulit maging flat kung ganito rin naman! "M-Ma'am? May problema po ba?" Muntik na akong mapatalon ng biglang pumasok si Yaya sa kwarto ko. Napayakap na lamang ako sa sarili nang mapansing pati siya ay napanganga sa nakita. "Ano ba? Hindi mo ba alam kung paano kumatok?!" iritable kong sabi. Napamaang naman siya at bahagyang napayuko. "S-Sorry po ma'am, bigla po kasi kayong sumigaw kaya't nag-aalala ako na baka may nangyaring hindi maganda," paumanhin niya. "Get out!" "P-Po?" Rumehistro ang pamumutla sa mukha niya. "I said get out!" sigaw ko sa kaniya na para bang maiiyak na. Hindi ko alam kung bakit moody na naman ako ngayon. Nanlulumo akong napaupo sa kama matapos umalis ni yaya. Ano ba ang nangyayari sa katawan ko? Matapos ang dalawang oras na pag-aayos ko ng sarili ay naisipan ko ring lumabas sa kwarto. Nagtungo ako sa dining. Inaasahang makikita doon sina Mom at Dad. Hindi nga ako nagkama pagdating ko doon. Bukod sa kanila ay nandito rin sina Lolo't Lola. Bakas ang saya sa mga mukha nila. A-Anong meron? "Anong okasyon at ang saya niyo ata?" Pilit akong natawa. Nakuha ko naman ang atensyon nila. Lahat naman ay napatingin sa akin kasama ang kakaiba nilang ngiti. Isang bagay na nagdulot sa akin ng kaba. "Erika, honey!" Masayang lumapit sa akin si Mom. Niyakap ako ng mahigpit. Ilang saglit pa ay kumalas siya sa yakap. Lumapit sa amin si Dad at inakbayan si Mommy. I confusedly looked at them. "Anong okasyon?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ko nang hindi pa rin nawawala ang abot langit niyang ngiti sa labi. "Finally, Erika! After so many years--" Tumigil siya. Kunwari naman akong natatawa sa mga nangyayari kahit hindi ko alam kung bakit sila nagsasaya. "Pfft Mom, sabihin niyo na kasi," pangungulit kong sabi. "Honey, we have a good news for you." Kinakabahan ako sa good news na iyan. "A-Ano?" "Erika, I'm pregnant! Sa wakas may kapatid ka na!" Tila tumigil ang mundo ko sa narinig. A-Ano? Tama ba ang narinig ko? Buntis si Mom?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD