6

2145 Words
KABANATA VI I looked at my tummy through my reflection on the mirror. I turned seventeen yesterday. My mom prepared a small celebration with my relatives. I didn't invite my friends since I knew they would not like if I bring Liz with me. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila sa kaniya. Halos dalawang buwan na rin ang pagbubuntis ko. Hindi pa halata ang tiyan ko kaya magagawa ko pang itago sa pamilya ko. Halos isang buwan na rin nang mangyari ang pagtatalo namin ni Aaron sa mall. Simula rin nang araw na iyon ay muli kaming bumalik sa dati na nagpapansinan. We became strangers again like we used to. Sa loob ng isang buwan na ring iyon ay malaki ang nagbago hindi lang sa mga nakapaligid sa akin kung hindi pati na rin sa akin, sa katawan ko. Nawala na ang pagiging sensitive ng ilong ko ngunit lagi naman akong naghahanap ng pagkaing imposibleng mahanap. Ang sabi ni google ay normal lang ito sa unang dalawang buwan ng pagbubuntis ngunit tila hindi ako masanay-sanay. Minsan ay tinatawagan ko pa si Trigger para dalhan lang ako ng mga pagkaing gusto ko. Wala naman siyang angal. Siya lang kasi ang natatawagan since sila lang ni Liz ang may alam ng sitwasyon ko. Kahit gabing-gabi na ay pumupunta sa bahay sa tuwing tinatawagan ko siya. Natigil lamang iyon nang magsimula ang exam nila. Ayoko siyang abalahin. Hindi naman niya ako priority para kunin ko lahat ng oras niya. Kailangan din niya ang oras niya. Tapos na ang first sem pati ang intramural. Naging maayos naman ang pagtatapos ng buwan. Nang dumating ang sem break ay may isang pinto ang bumukas sa akin. May isang babae na lumapit sa akin at nagpakilalang si Miss Jean Lee, isang manager ng isang entertainment industry. Nais niya akong maging parte ng isang reality show. Hindi ako pumayag sa una ngunit kinalaunan ay napapayag na rin ako nang sabihing malaki ang halaga ng perang ibabayad sa akin kapag tinanggap ko ang alok niya. Naisip ko lang kasi na baka makatulong iyon sa pagdadalang tao ko. In case, hindi tanggapin ni Mom ang bata ay pwede naman akong magpakalayo at buhayin ang sarili ko kasama ng baby. Sa kasamaang palad, hindi ko inaasahan na sa paglabas ko sa telebisyon ay bigla-bigla na lamang sumabog ang pangalan ko sa buong bansa. Ang bilis ng pagsikat nito, lalo na't matagal na akong kilala ng ilan. I have thousands of followers on YouTube before but now, I have 1.2M followers. Sunod-sunod ang project na dumating sa akin ngunit iilan lang ang tinanggap ko. I just can't take it all. Kailangan ko ring pangalagaan ang pangalan ko. First day of December, muli kaming bumalik sa pag-aaral ngunit hindi na gaya nang dati ang buhay ko. Kung noon ay tahimik lang akong nakakapasok sa campus, ngayon ay may mga nag-aabang na sa campus namin para lang makita ako. Mas lalong dumami ang mga taong lumalapit sa akin para lang magpakuha ng litrato. Instant celebrity ika nga. Bumalik ako sa realidad nang may kumatok sa silid ko. Si Yaya lang pala. "Ma'am, papasok po ba kayo? Hinihintay po kayo ni Mang Tino," anito mula sa labas ng silid ko. "Sabihin mo sa kaniya, papunta na." "Sige po." ---- "Ngayon ay pinapayagan na sa ibang bansa ang abortion para sa birth control. Lalo na't mapupusok ang mga kabataan ngayon. Dito sa pinas ay pinagbabawal pa rin dahil sa labag ito sa karapatang pantao." Nakasubsob lang ang mukha ko sa arm chair. Matapos kong makarating ng campus ay ang bigat ng pakiramdam ko. Siguro dahil sa sunod-sunod na pictorial. "Kung magiging Legal man ang abortion sa bansa natin, papayag ba kayo? Anyone, sinong gustong maglabas ng opinion?" Itinaas ko ang tingin ko nang marinig ang discussion ni Miss Pi. Nag-aaral kami ngayon tungkol sa literatura. Nagkataon lang na ang topic ng akdang tinatalakay namin ay tungkol sa abortion. Isa-isang nagsipagtaasan ang mga kaklase namin. Marami pa rin ang nagsasabing tutol sila sa abortion pero may ilang nagsabing pumapayag sila. Bumalik ang suhestiyon ni Aaron noong unang beses kong aaminin sa kaniya ang tungkol sa baby. 'Then you have to abort it!' Madali lang sa kaniyang sabihin iyon dahil hindi siya ang nagdadala sa bata. Mas lalo ang pangit na doctor na unang tumingin sa akin. Hanggang ngayon ay sa tuwing naiisip ko siya ay kinikilabutan pa rin ako. Minsan na niya akong binangungot. Tinubuan daw ng kabute ang mukha niya. "Anyone?" tanong ni Miss Pi dahilan para bumalik ako sa realidad. "Selvestre, baka may opinion ka?" Napatingin naman ang lahat sa akin. Halatang naghihintay din sa sagot ko. Tumayo naman ako. Napabuntong hininga pa bago tumugon. "Ah hindi po ako papayag na isabatas ang abortion," tugon ko. "Ah. Yes, pero hindi iyan ang tanong. Ang tanong ay kung ikaw ay nabuntis ng maaga ay ano ang gagawin mo? Will you keep the baby or abort it?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. T-Teka, hindi iyon ang tanong niya kanina! "I guess, you will not choose to keep--" "I'll keep the child! Of course!" Lahat sila ay natahimik dahil sa pagtaas ng boses ko. Napataas ang kilay ni Miss Pi. Halatang hindi inaasahan ang sagot ko ngunit kinalaunan ay matamis siyang ngumiti. "Are you sure, Selvestre? Hindi ka ba mapapatay ng mga magulang mo kung sakaling ganyan ang desisyon mo?" untag nito. Somehow nakaramdam ako ng pagkairita sa paraan ng pagtatanong niya. Para ba kasing pinapalabas niya na kung mabuntis nga ako ay hindi tatanggapin ng mga magulang ko ang bata which is half truth. Nanggaling ako sa pamilyang kilala sa politika. Isang buhay na lantad sa lahat kaya't iniingatan ang reputasyon. Isang kahihiyan sa pangalan namin kung ang kaisa-isa nilang anak ay siya ring sisira ng pangalan nila. Tinamaan man sa sinabi niya ay pinili kong umasal ng normal. Matamis akong ngumiti sa guro. "Of course, they will accept me. Hindi ba't ganu'n dapat ang magulang? They should love their child even on his/her mistake?" Kahit alam ko sa sarili kong hindi imposibeng mangyari ang pahayag niya. Napaisip naman siya sa sagot ko. Kinalaunan ay gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Very well answered. Hindi ko inaasahan ang sagot mo, Erika. You always amazed me." "Ganu'n naman po dapat, hindi ba?" "Tama ka." Tumingin siya sa mga kaklase ko. "Anyone who wants to give their opinion?" Napatingin ang lahat kay Aaron nang magtaas ito ng kamay. Napamaang ako nang makitang sa akin siya nakatingin. "Yes, Mr. Dela Cruz?" "Will you still keep the child if you know that will ruin your own life?" Napakunot ako. Is that an opinion or he is asking me? "There's still a chance that your parents will not accept the child. Lalo na't sa politiko ang pamilya mo. Plus the fact that you are celebrity now, right?" Ngayon ay sigurado na ako na ako nga ang tinatanong niya. Tumingin ako kay Miss Pi. Tila kinukuha ang permiso niya na sagutin ko ang tanong ni Aaron. Tumango lang ito kaya't tumayo na ako. Napabuntong hinhinga na lang ako bago siya tignan ng walang gana. "Yes, kahit ikakasira pa 'yun ng reputasyon ko. I'm not a coward like someone who can't even take their resposibilities. Tinatakasan ang mga resposibilidad 'pag nalamang nagbunga na," matapang kong sagot. Sigawan ang mga kaklase ko dahil sa animo'y nagaganap na sagutan. Ramdam ko ang paghawak ni Liz sa kamay ko na nasa tabi ko lang ng upuan. Umiling siya sa akin na tila pinipigilan ako sa ano mang binabalak ko. "Excuse me?" kunot noo niyang tanong. Ngumisi ako kay Aaron, hindi binigyan-pansin si Liz sa tabi ko. "Yes, especially on someone like you, Mr. Dela Cruz. Balita ko marami ka ng napasok na pinto?" may pagkasarkasmo kong tanong. Rinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase namin. May mga nang-asar pa dahil sa sagot ko. May ilan naman pumalakpak na tila ba hangang-hanga sa sagot ko. "Wala ka pala eh!" "Wooooah! Idol na kita Erika!" "Wetwew! One point for Erika!" "Okay, Class, tama na yan! Baka may mangyari pang debate dito. Miss Selvestre and you, Mr. Dela Cruz, you can take your seat now," bawa ni Miss Pi. "Thank you, Ma'am." Habang nasa cafeteria kami ni Liz ay nagpaalam ako sa kaniya na pupunta muna ako sa rest room. --- Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa repliksyon ko. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa akin ang naging sagutan namin ni Aaron kanina. Ang lakas ng loob niyang sabihin ang mga iyon. Wala naman ito sa sarili kong posisyon. Inis kong binuksan ang gripo para hugasan ang mga kamay ko. Natigilan na lamang ako nang marinig ang mga ungol sa loob. "Ahh..." Bigla tuloy akong kinilabutan. Oh god! There's someone here aside from me. And to think na may nagmi-make out nga sa loob ng isa sa mga cubicle, mas lalo akong kinilabutan. Alam kung mali ang ginagawa niya. Isa sa mga rules ng paaralan na bawal ang PDA sa pangpublikong lugar. Sa bagay, nasa comfort room sila at kakaunti lang ang makakakita. Napangisi na lamang ako nang maglaro ang isang ideya sa isipan ko. How about vlogging it? Kung mapa-OSA man sila, hindi ko na kasalanan iyon. I'm sure magiging viral ito kung sakali man. Nilabas ko ang cellphone ko, sinimulang i-video ang sarili, live video to be exact. "You won't believe what I have witness," halos pabulong na ako kung magsalita. Baka marinig nila ako. "Can you hear them?" ngising tanong ko. "Umm..." Sunod-sunod ang comments sa comment box. Damn! They're enjoying the show. "Yes! Tama kayo. May nagmi-make out dito. This is unusual though. Ngayon lang and since I am a good student, hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na makasita ako ng bad students, right?" I'm acting bitchy right now. It's not like they were on my business. Ngunit dahil na rin sa kuriosidad ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Siguro naman ay hindi naman ganu'n gaya ng iniisip ko, hindi ba? Dahan-dahan akong lumapit sa cubicle kung saan nanggagaling ang ingay. Sunod-sunod naman ang comments na nakikita ko sa screen ng phone ko. Malapit na sana ako nang bigla itong bumukas at lumabas ang dalawang tao galing sa cubicle. Dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang phone ko. Agad ko namang nakuha ang atensyon nila. Tila gusto ko namang pagsisihan ang ginawa ko nang makilala silang dalawa. Unti-unting nanikip ang dibdib ko sa nakikita. It was Aaron.. with Kylei. They were about to r**e each other, I just interupted them. "S-Sorry." Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa sahig at dali-daling lumabas. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang nakita ko. "Erika!" Kumaripas ako mg takbo nang tawagin ni Aaron ang pangalan ko. Damn! Not now, please. Parang dinudurog ang puso ko. Naiinis sa sarili dahil sa kagagahang ginawa. I shouldn't have done that. Ngayon ay tila hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Pumasok ako sa isang bakanteng klase para itago ang sarili ko. Halos kainin na ako ng kaba matapos kong magtago. Labis-labis ang kaba ko nang marinig ang malulutong niyang mura sa tapat ng pintuan kung saan ko itinago ang sarili ko. "Aaron, Ano ba ang problema?! Why are you even looking for her?!" Rinig kong bulalas ni Kylei. "Shut up!" "Aaron--" "Just shut up! Shut the f**k up!" Tila nabunutan ako ng tinik nang marinig ang papalayo nilang yabag. Agad kong denelete ang vlog ko kanina bago pa man sumabog ang notification ko. Wala sa sarili akong bumalik sa cafeteria. Natigilan pa ako sa paglalakad nang makita si Liz na pinapalibutan ng mga kaibigan ni Aaron, including Gino. Si Gino lang naman ang kilala ko sa kanila dahil kaklase ko siya at co-member s dance club. Minsan na niyang sinubukang manligaw sa akin but I dumped him. Now, I think he hates me. Tahimik lang si Liz, tila ba hindi mapakali sa kinauupuan niya habang kinakausap ng volleyball captain nila. May mali dito. Bakit lagi na lang ganito si Liz sa tuwing napapaligiran siya ng mga ito. Lalo na sa tuwing nandiyan si Kirt? Kumunot naman ang noo ko. Are they bullying my bestfriend? Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan sila. "Liz." Lahat sila ay napatingin sa akin. Saktong nagsipag-alisan sa table namin. Bago sila umalis ay nagtapat ang mga tingin namin ni Kirt. Ngumisi siya sa akin bago tuluyang lisanin ang lugar kasama ng mga kaibigan niya. "Liz, anong ginawa nila sa iyo?" nag-aalalang tanong ko. Nag-iwas naman siya ng tingin. "W-Wala no! Tara na nga!" Sumunod ako sa kaniya palabas ng cafeteria. Napakunot ang noo ko habang pinapanood siya mula sa likod. Kahit anong pilit ko sa sarili kong walang mali ay bumabalik pa rin sa ang palaisipang may mali kay Liz at sa mga kaibigan ni Aaron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD