5

1973 Words
KABANATA V Days passed. Naging normal naman ang bawat araw ko. Ang hindi lang normal ay ang pakikitungo sa akin ni Aaron. Masyado na niyang nilalapit ang sarili sa akin. As far as I know, we're not even that close. Napabuntong hininga na lang ako nang matanaw ang traffic sa daan. Mukhang male-late pa ako dahil sa traffic. Napatingin ako sa gilid ko nang may kumuha ng atensyon ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. I was mom with a man around my dad's age. He was wearing a formal attire. Agad kong tinawagan si Mom to confirm it was her. Just like what I've expected, she answered my call gaya nang nakikita ko ngayon. "Yes, honey?" "Where are you?" I interrogated. "At my office, bakit ka napatawag?" She's lying. Why would she even lie? Pwede naman niyang sabihing may importante siyang meeting with a client or something like that. "Nothing, I just want to hear your voice somehow." "Mamaya ka na tumawag. I am busy, honey." Ibinaba niya ang tawag matapos niyang magpaalam. Walang imik naman hanggang makarating kami sa campus. Iniisip pa rin kung bakit nandoon si Mom. Sa pag-aakala ko ay nasa kabilang bayan siya para magtrabaho ngunit bakit nandito siya ngayon? Sino iyong katagpuan niya? --- Matapos ang buong klase ay nagpasama ako kay Liz sa hospital para magpatingin sa doctor. Gusto kong malaman kung okay lang ba ang batang nasa sinapupunan ko. "Erika, tapos na daw." Bumalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Liz. Wala sa sarili naman akong tumango. Naglabas pa ako ng malaking pera para maitago ang nakatatago kong sekreto. Tapos na ang ultrasound. Kailangan lang namin ay ang resulta. "Umupo ka, Selvestre." Gaya nang sabi ng doctor ay umupo ako sa tapat niya. Nakatingin siya sa resulta ng check up ko. Kunot ang noo nito na tila ba siya ang nagdadala. Hindi ko alam kung maiinis ako o tatawa sa pagmumukha niya ngunit kung tatanungin niyo ako kung ano ang mas matimbang sa dalawa ay iyon ang pagkainis. Ilang beses na siyang napabuntong hininga na tila ba pasan-pasan ang buong mundo dahil sa nakikitang resulta. "Kamusta po ang baby?" untag ko. I tried not to be rude. After all, marunong pa rin akong rumespeto. "You're one month pregnant, Selvestre." Napakunot ako. Hindi dahil sa balita niya kung hindi dahil sa pagkakasabi niya. Para siyang namatayan sa pagkakasabi nito roon. Tinatanong ko siya kung ano ang kalagayan ng bata ngunit iyon ang isinagot sa akin? Just think of it. September nu'ng may nangyari sa amin ni Aaron. November na ngayon. Sa tingin niya ay hindi ko alam kung ilang buwan na ang bata? "Tinatanong ko ho kung ano ang kalagayan ng bata?" Seryoso siyang tumingin sa akin. "I want to be honest with you, Selvestre. You're just sixteen, right?" I nodded. Yeah, seventeen next week. "Yet you're already pregnant. Alam mo bang 50/50 ang nagsu-survive na bata sa tuwing maagang nabubuntis? Lalo na't hindi pa handa ang katawan mo sa ganitong bagay---" "Direct to the point, dok," putol ko sa kaniya. Kahit anong pasikot-sikot niya ay alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin. "Selvestre, ang sa akin lang naman ay baka makaapekto sa kinabukasan mo ang pagdadala niyan." "Are you saying that I must get rid of this baby?" prankahan kong tanong. "Just to remind you that I paid so much money not for your opinion but for your silence. You accept it, then you have no right to questioned me." "Selvestre, hindi pa naman bata iyan---" "How could you say that?!" bulyaw ko. "You're a doctor, Mrs. Cuanco. Alam mo kung gaano ka-importante ang buhay ng tao!" Hindi ko na maiwasang sigawan siya dahil sa baluktot niyang paniniwala. "Selvestre, calm down. Sinasabi ko lang ito dahil sa kapakanan mo. You are too young for this---" "You're not my mother! Kung iyan ang paniniwala mo ay huwag mo nang ituring na doctor ang sarili mo. You're just a piece of s**t!" Nabigla siya sa sinabi ko. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Lumapit naman si Liz sa akin para pakalmahin ako. "Erika, kumalma ka nga!" "The two of you, get out of my office!" galit na bulalas ng doctor. "You don't have to tell me that! We're leaving!" Hinila ko si Liz palabas ng office niya. Damn it! Bakit baluktot ang paniniwala ngayon ng mga tao. Magkamatayan man but abortion is not a choice for me. --- It was a saturday morning when I chose to go outside. Gusto kong maglibang-libang matapos ang sunod-sunod na kamalasan sa buhay ko. November na ngayon. Hindi pa rin nawawala ang tag-ulan kaya't mas pinili kong sa isang coffee shop ako manatili. Hindi naman umuulan ngayon pero makulimlim ang langit. Medyo malamig ang simoy ng hangin. Perfect season para magkape. Nakahiligan ko na rin ang pag-inom ng kape. Dati ay isa sa mga goal ko ang magpatayo ng sarili kong coffee shop. Habang pinagmamasdan ang labas ay may umupo sa tapat ko. Agad akong napalingon sa kaniya. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ni Trigger. Nakasuot siya ng apron gaya ng ibang staff sa coffee shop. "Nagta-trabaho ka rito?" agad na usisa ko. Tumango naman siya. "Yeah, part time. Dalawang taon na lang kasi ay ga-graduate na ako. Hindi naman ako mapag-aral ng magulang ko dahil marami kaming tinutustusan." "You are?" "Third year college." Nagulat ako sa tugon niya. Tinignan siya ulo hanggang paa. "Teka, ilang taon ka na ba?" "Eighteen years of existence," anito na siyang ikinamangha ko. Kung hindi ako nagkakamali ay eighteen na rin si Aaron. Siguro ay hindi siya umabot ng K-12. "Wait. I'll change first. May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong nito. "Wala naman," maang ko. "Do you mind if you join me? Bibili kasi ako ng regalo para kay Mama. Hindi ko alam kung ano ang dapat na ireregalo sa kanya." Tila nagdadalawang isip pa siya na sabihin sa akin iyon. Napaisip ako. Hindi naman masamang sumama sa kaniya. Siguro ay ito na rin ang pagkakataon ko para makilala ko siya ng lubos. "Sure. Why not?" Matapos niyang magbihis ay bumalik ulit siya sa table ko. Kakatapos lang pala ng duty niya nang lapitan niya ako. Habang tumatagal ay mas lalo akong humahanga sa kaniya. He's the real deal. Full package. Saan ka makakakita ng katulad niya? Bukod sa may hitsura, may pangarap sa buhay ay mapagmahal din siya sa pamilya. Somehow I want to see him successful someday. Naglibot-libot muna kami sa mall para maghanap ng pwedeng pang-regalo. "Sa tingin mo, bagay sa kaniya ito?" tanong niya sa akin habang hawak ang isang dress. Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon. "Masyado nang luma ang pagreregalo ng damit. Bakit hindi ka na lang magregalo ng iba?" "Like what?" Napaisip naman ako. "Jewelries? Perfume? How about vase? Mga bagay na nakahiligan ng mama mo," suhestiyon ko. "Ah! I know! Mahilig si mama na mangolekta ng doraemon. It's one of her hubby. May alam ka bang jewelry shop dito?" Doraemon? Tila gusto kong matuwa sa sinabi niya. Parang gusto kong makilala ang mama niya. I'm a little bit familiar to this place. Lagi akong isinasama ni Mom dito sa tuwing gusto niya ng bonding. "I know where to buy." Pagdating namin sa shop ay binungad kami ng iba't iba anime characters' CDs, mugs, tumblr, jewelries, watch, at kung ano-ano pa. Kasama na rito ang hinahanap niyang doraemon. "Can you try it?" tanong niya sa akin nang kunin ang isang wrist watch na may disenyong Doraemon. "Para kasing magkasing-payat lang kayo ni Mama," pagdadahilan niya. "Sure." Habang isinusuot niya sa akin ang relo ay tila may napansin ata siya sa akin. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Ngayon ko lang napansin, hindi ka nagsusuot ng bracelet o hikaw man lang. Don't you like it? Akala ko kasi ay mahilig ang mga babae sa ganu'n," aniya. I shrugged my shoulder. "But not me. Ayoko ang pakiramdam na may kung anong bagay na nakakabit sa katawan ko," I explained. Kung mga alahas lang ay marami ako sa bahay. Ang daming alahas na niregalo sa akin ng mga relatives namin tuwing may okasyon ngunit ni isa doon ay wala ako isinuot. Nakakairita lang kasi sa pakiramdam. Ilang sandali pa ay lumabas na kami sa shop matapos niyang mabili ang relo. Nag-aya siyang kumain muna sa isang fast food. Pasasalamat lang daw sa ginawa ko sa kaniya. Habang naghahanap kami ng malapit na fast food ay natigilan ako nang mahagip ng tingin ko si Mom sa hindi kalayuan. Napakunot akong muli nang makitang kasama na naman niya ang lalaking nakita kong kasama niya ilang araw na ang lumipas. Sino ang lalaking iyon? "Erika, okay ka lang?" tanong sa akin ni Trig. Nawala ang atensyon sa direksyon nina Mom at napalingon sa gawi ni Trig. "Yeah, " tugon ko. "Sino 'yung tinitignan mo?" "Wala." Hinawakan ko ang kamay at nagmadaling hilain siya sa kung saan. "Erika?" Pareho kaming napalingon sa tumawag sa akin. It was Liz with R and... Aaron. Anong ginagawa nila dito? Iritable ang mukha ni R dahil sa pangungulit ni Liz. Ganu'n din si Aaron ngunit sa ibang dahilan. Masama siyang nakatingin sa amin. Ano na naman ang problema niya? "What are you guys doing here? Don't tell me nakikipag-date ka?" tukso ni Liz. Napalingon pa siya kay Trig na tila sinusuri mula ulo hanggang paa. "Sino siya?" Si R naman ang nagtanong. "Ah. He's Trigger," pakilala ko. "Hi," ani Trig. "So tell me, nagdi-date kayo?" ngising panunukso ni Liz. "No? Magkaibigan lang kami," giit ko. "Ano ba ang ginagawa niyo dito?" pag-iiba ko sa tanong. "Inutusan kami ni Miss Pi na mamili ng materials, gagamitin na banner for upcoming intrams," paliwanag ni Liz. "Saan ang punta niyo?" "Kakain sana--" "Sakto! Sama na kami. Kakain din kami!" bulalas ni Liz. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa isang fast food. Malapit na sana kami nang maramdaman kong hinawakan ni Aaron ang braso ko at hinila sa ibang direksyon. "Aaron, ano ba?!" daing ko dahilan para matigilan siya sa pagkaladkad sa akin. Agad kong binawi ang braso ko. "Bakit ka ba nanghihila?!" inis na sigaw ko habang hinihimas ang braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya kanina. "You didn't take it serious, do you?" Napakurap ako nang marinig ang malamig niyang boses. "Take it serious? Anong pinagsasabi mo?" maang ko. "That you're mine, Erika. Bakit nakikipagkita ka kay Trigger---" "Ho-ho! Aaron, mukhang kailangan mo atang magpatingin sa doctor. Let me tell you this. You. Don't. Own. Me. Aaron. Ni minsan ay hindi ako naging sa 'yo. If you are talking to that damn one night stand, then f**k it!" putol ko sa kaniya. Agad akong tumalikod para bumalik kina Liz. Natigilan ako nang muli siyang magsalita. "Then will you let him use you too? Wait, did he already get into your pants---" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay isang malakas na sampal ang bumungad sa kaniya. Nanginginig ang kamay kong nilayo ang sarili sa kaniya. Gusto kong humagulgol na lang. Paano niya nagagawang sabihin iyon? How could he easily judged me? "You... You don't have a right to say that," nanginginig ko turan. Tila natauhan naman siya sa sinabi niya. "Erika, I-I didn't mean to say that." Akmang lalapitan ako nang pigilan ko siya. "S-Stay away from me, Aaron. Please." Ano ang karapatan niya na sabihin ang mga salitang iyon sa akin? He just one of those jerks who wanted to take my virginity away. Yeah, a jerk. The jerk who will ruin my life someday. Alam man lang ba niya kung ano ang ginawa niya sa akin? Nasa sitwasyon ako ngayon na kahit kailan ay hindi ko kayang takasan. Buhay na ngayon ang nakataya rito at ang reputasyon ko, reputasyon ng pamilya ko at ang kinabukasan ko. Hindi lang puri ko ang kinuha niya sa akin kung hindi kasama na rin ang magkaroon ng normal na buhay. "Stay yourself away from me, Aaron. Nasusuka ako sa tuwing nakikita man lang kita," I disgustedly say before turning my back. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD