4

2092 Words
KABANATA IV Nasa gym ako ngayon. Dito kami nagtipon-tipon matapos i-announce na sa sino mang sasali sa mga gaganaping paligsahan ay pumunta sa gymnasium. Abala ako sa paglilista ng pangalan nang may maglapag ng bottled water sa mesa ko. Agad akong napatingin sa nagbigay. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang si Aaron ito. "What are you doing here?" walang gana kong saad. "Killing time. Mabye watching you right now will entertain me," sarkasmong tugon niya na mas lalong kumunot ang noo ko. "Ikaw ang pinapunta ni Miss Pi?" "Sort of." Umupo siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang braso niya sa mesa bago gawa ng unan. Hindi ko siya binigyang pansin ngunit makalipas ang ilang minutong paglilista ay tumigil ako sa ginagawa ko kasabay ng paglingon ko kay Aaron na tila nagigiliw na panuorin ako sa ginagawa ko. "I thought you are here to assist me? Are you just staring at me for the whole time?" He shrugged his shoulder. "I'm waiting for your command, sweety." "I don't need you," pagdidiin ko. "So please, umalis ka na lang. Iniisturbo mo lang ako." "Wala naman akong ginagawa," maang niya. Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko maisip kung bakit laging kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Just ignore him, Erika. Makalipas ang ilang minutong paglilista ko tumayo ako. I sigh after minutes. Pansin ko pa rin ang mga titig niya. Masama akong tumingin sa kaniya. He's getting into my nerves. "I'm going somewhere. Ikaw muna ang bahala dito. Ilista mo ang mga pangalan ng mga lalapit dito with their section. I'll be back for minutes." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumalikod na palabas ng gym. Ang totoo ay wala akong importanteng pupuntahan. Ang nais ko lang ay ang makalayo sa lalaking iyon. Napadaan ako sa dance studio. Mas gugustuhin kong panuoring nagsasayaw ang mga co-members ko kaysa bumalik sa gym. Muntik na akong mapatalon nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod. "I miss my babe," baritonong tono ng lalaki. I unconsciously smile after recognizing his voice. Humarap ako sa kaniya nang may galak. "R!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Ilang linggo na rin simula nang mawala siya dahil sa business. How I miss this guy! "Girl, tama na, tama na. It's giving me goosebumps." Ang pang-lalaki niyang boses ay napalitan ng matinis sa isang iglap. Natawa naman ako bago kumalas sa yakap. R is a friend of mine aside from Liz. His real name is Jay Richmond but he wants to call him R. Gwapo naman siya, matangkad, maputi, maporma. Lahat na ata ng katangian na hanap ng babae ay makikita sa kaniya. Hinahangaan siya ng ilang kababaehan ngunit ang hindi nila alam, katulad niya rin sila na mahilig sa gwapo. Right, R is a gay. Kami-kami lang ang nakakaalam. Bawal kasi sa pamilya nila ang paminta kaya't wala siyang magawa kung hindi ang magpanggap na lalaki. Minsan ay napagkakamalan pa kaming mag-on. We met R when Liz and I enrolled here. Tinulungan niya kami sa medication. Since pagmamay-ari nila ang isa sa pinakamalaking ospital dito sa syudad. Hindi na kami nahirapan sa requirements. Since then, nagka-crush na ako sa kanya. Ang cute kaya niya. Hilig niya ring sumayaw at maalam sa mga babae. Later when he confessed that he was a gay. Kaya pala ang daming alam sa mga babae, binabae si kuya. Sayang lang, magko-confess sana ako ngunit naunahan niya ako. Ayon, broken at the end. Nang dumating ang lunch break ay sabay kaming nagtungo ni Liz sa comfort room. She seems fine now than yesterday. "Ano na lang ang gagawin ko kapag lumaki na ito?" I asked out of nowhere. She amusedly looked at me. "Seriously? OMG! Akala ko ay hindi mo na inaalala iyan!" she chuckled. Masama akong tumingin sa kaniya. Itinaas naman niya ang kamay na tila ba sumusuko. "Okay. I'm just kidding. Hindi ka na nagkwento tungkol diyan kaya't akala ko ay hindi mo na inaalala." "Of course I do!" giit ko. Natahimik kaming dalawa pagkatapos. Matapos ang ilang sigundo ay muling nagsalita si Liz. "But are you sure buntis ka? I mean minsan ay nagpa-positive ang PT." I confusedly looked at her. "Posible ba iyon?" "Why don't you try again. Baka pini-fake news lang niyan tayo," saad niya. "It has a little chance to be possible, Liz. Paano mo maipapaliwanag ang pagiging sensitive ko sa pang-amoy, my morning sickness, lagi akong nagki-crave ng pagkain?" giit ko. "You're funny, Erika. Patay gutom ka kaya!" pagbibiro pa niya. "Liz, I'm being serious!" saway ko sa kaniya. "Okay, okay. Teka, may dala akong PT dito. Bumili ako ng dalawa nu'ng pinabili mo ako. Here." Kinuha ang PT sa bag niya at inabot sa akin. "I'll wait outside. Pupunta muna ako ng cafeteria. I'm hungry." I frowned. "Sinong PG sa atin?" taas kilay kong tanong. She made a peace sign. "May ipapabili ka?" paglalambing niya. "Heh!" Naiwan ako sa loob habang hawak ang PT na ibinigay niya sa akin nang lisanin niya ang comfort room. I sighed. Okay, Erika. Wala namang masama kung susubukan ulit. After minutes, napabuntong hininga nalang ako nang makitang positive uli ang pregnancy test. Dali-dali akong lumabas para hanapin si Liz. Hindi ko inaasahang may lalaking sumulpot na lang bigla pagliko ko sa hallway dahilan para magkabanggan kami. "Miss, are you okay?" the guy asked. Instead of turning my gaze to him, I looked around the ground. Nabitawan ko ang hawak kong pregnancy test. "Erika?" Napatingin ako sa kaniya. Ganu'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makilala ko kung sino ang nabangga ko. It was Trigger. Ang mas lalong nagpakaba sa akin ay nang makitang hawak niya ang PT. Namumutla na ako sa kabang nararamdaman ko. What should I do now? Tatakbo ba ako? O kukunin sa kaniya ang PT at sasabihing hindi akin iyon? "N-Nahulog mo ata?" utal niyang saad na siyang sunod-sunod kong pag-iling. The hell, nanginginig ako. "H-Hindi. Hindi akin 'yan," I lied. Bakit sa lahat ng taong makakakita, bakit siya pa? Bakit kaibigan pa ni Aaron? Nakaawang pa rin ang labi niya dahil sa pagkagulat. Balisa siyang tumingin sa akin. "You... are you pregnant?" Napakagat ako ng labi. Hindi maitago ang panginginig ng katawan ko. Napalunok ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. Think. Think. Think. You're a certified liar, Erika. You were born to be an actress. Naikuyom ko ang kamao ko. Lakas na loob na ibinuka ang bibig ko para itanggi ang paratang niya. "Imposible! I-I just saw that inside the comfort room. Dinala ko. I-I want to prank my friend using that." Napapikit na lamang ako para pakalmahin ang sarili ko. I tried my best to act normal but my voice cracked when I responded. Damn! Napaghahalataan ako. "Sige, sa iyo na lang. Throw that if you want." Agad akong tumalikod at nagmadaling maglakad palayo. Hindi ako makapag-isip ng matino. Muntik akong mapatalon nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan. Nang lumingon ako sa kaniya ay muling nagtama ang mga mata namin. "B-Bakit?" Napatingin kaming pareho sa kamay ko nang mapansin ang labis nitong panginginig. Agad kong inagaw sa kanya ang kamay ko at itinago sa loob. I knew from this moment  he already knew that was mine. I just caught red handed. "Don't lie to me. It's okay, you can trust me. I'm just surprise to see this." "Please don't tell anyone about this," pag-amin ko. Tumingin siya sa mga mata ko. Ilang segundo kaming natahimik hanggang kunin niya ang kamay ko at nilagay ang hawak niyang pregnancy test. "I am not in a place to say your secret. You can count on me." Napakurap naman ako. Sa hindi malamang dahilan ay gumaan ang dibdib ko. Unti-unting nawala ang pangamba sa loob ko. I can trust him, right? "Hindi naman ako gaanong nagulat at sa tingin ko ay alam ko kung sino ang ama ng dinadala mo," dagdag pa niya. Yeah, it was obvious. "Will you tell him?" kinakabahang tanong ko. "Why would I?" patanong niya ring sagot. Natahimik kami ng ilang segundo bago ako muling magtanong. "P-Paano ka nagkaroon ng assumption kung sino ang ama nito?" "That night at the party, siya ang sumundo sa iyo. I told not to take you dahil susunduin ka ng kaibigan mo pero sabi niya ay pinsan niya ang sinasabi mong kaibigan," paliwanag niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Can I really trust this guy? The last time I checked I just met him weeks ago. He was still stranger to me. "How can I trust you? You're still a stranger for me," paninigurado ko. Matamis siyang ngumiti. Nilahad ang kamay niya sa akin. "Let me introduce myself again. I'm Lancelot Lim but everyone call me Trigger, at your service." "Erika, Erika Selvestre," kasuwal kong pakilala. "I know," he mouthed. "And yes, you can trust me." Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagkatiwalaan ngunit kailangan ko ng sumugal. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pagkatiwalaan siya. "By the way, hindi totoong kami ni Aaron. I-I'm just joking around pero mukhang sumobra ata," paglilinaw ko. "I knew it!" natutuwang aniya. Natigilan na lamang kaming dalawa nang may magsalita sa likod ko. "What are you doing, Trigger?" Napatingin kaming dalawa sa may-ari ng boses. It was Aaron. Masama siyang nakatingin sa amin, sa kamay namin. Agad ko namang binitawan ang kamay ni Trigger kasabay ng palihim na pagtago sa PT sa bag ko. I almost died earlier. "Just a little chit-chat with your girlfriend," ani Trigger. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ngunit nang kindatan niya ako ay tila alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. I'll just go with the flow. Akala ko magliliwanag na ang mukha ni Aaron pero parang mas lalo itong kumunot. "Are you guys flirting?" kunot-noong tanong niya. Marahang tumawa si Trigger. "Nagseselos ka ba?" mapang-asar na tono ni Trigger. Umismid naman si Aaron. "Oh! C'mon! Don't change the topic! I'm asking so you two should answer it." Hindi ko alam kung tama ang naririnig ko pero para siyang nagseselos o nag-iilusyon lang ako ngayon? Alam kong hindi magiging ganu'n sa akin si Aaron. He sees me as one of his toys. Hahanapin kapag walang mapaglaruan. "May ibinigay lang ako sa kaniya," kalmadong turan ni Trigger. Tila ayaw niyang makumbinsi sa narinig. "As far as I know, kahapon lang kayo nagkakilala. I don't know you are that close,"  he sarcastically said. Lumapit siya sa amin at hinila ako palayo kay Trigger. Ngayon ay naging seryoso na ang mukha niya. Itinaas naman ni Trigger ang kamay na animo'y walang ginagawang masama. "That's the truth. Hindi mo kailangang bakuran siya. I have no plan to take her away from you," muling saad ni Trigger. "Naninigurado lang." Ako ang naguguluhan sa kanilang dalawa. Why should they have to talk like this when they both knew that I'm not even Aaron's girlfriend. "Unless she's not yours," muling ani Trigger. Ramdam ko ang mahigpit na paghawak ni Aaron sa braso ko. Damn! Is he planning to break my bones?! "She's my girlfriend, Trig," Aaron claimed. Huh? Gulat akong tumingin kay Aaron. The last time I checked I'm still single! Anong kagaguhan ito?! Tumingin sa akin si Trig, tila ba kinu-kuwestiyon ang sinabi ko sa kaniya kanina. Bahagya akong umiling na siyang ikinangiti niya. Muli niyang ibinaling ang atensyon kay Aaron. "Hindi mo dapat iniiwan ang girlfriend mo sa kung saan-saan. Anyway, I just came here for some business. Can I have my leave now?" Tinapik niya ang balikat ni Aaron bago lumingon sa akin. "See you," he whirpered before leaving the place. Nang maiwan kaming dalawa ni Aaron ay masama akong tumingin sa kaniya. "You can let go of me now." Binitawan niya ako ngunit nanatili ang kunot-noo niyang ekspresyon. "Did you just leave me for this?" iritado niyang tanong. Naalala kong iniwan ko pala siya sa gym. Did he wait for me? Hindi naman kailangan. Pwede naman siyang umalis doon. Pero kung iyon ang ikinagagalit niya ngayon ay parang hindi naman tama? "Hindi. We just accidentally met here," tugon ko. "Really?" ismid niya. "Kung ayaw mong maniwala, huwag. Hindi kita pinipilit." Akmang aalis na ako nang muli siyang magsalita. "Are you flirting with him?" untag nito. Salubong ang kilay kong tumingin sa kaniya. Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon? Umismid ako. "Do you see me as flirt?" Seriously? How dare he say that?! "Pinapaalala ko lang sa iyo na hindi ka pwedeng makipaglandian na lamang sa kung sino, Erika." "Who says?" "Says me." "Sino ka para sabihin iyan? You're not even my boyfriend!" giit ko. He suddenly pinned me to the wall and hovered himself closer to me. "I'm not your boyfriend but you are mine, Erika," pagdiriin niya na siyang nagparamdam sa akin ng kaba. "S-Since when?" "Since the night you gave yourself to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD