KABANATA XLVI Month of May na, natapos na rin ang pasukan. Dalawang linggo matapos ang pagpunta namin sa probinsya. Simula ng araw na iyon ay hindi na muling nagpakita sa akin sa akin si Aaron. Ngunit pagbalik ko naman dito sa syudad ay iba na naman ang mangungulit sa akin. Si Leizel. Hindi ko alam kung paano o bakit. Dumating na lamang siya dito sa coffee shop na iyak ng iyak. Lumuluhod sa harapan ko para humingi ng tawad. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa mga hikbi niya. "E-Erika, bakit? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin na muntik mo nang patayin ang sarili mo?" "I-I'm sorry, I-I'm sorry. Hindi ko s-sinasadya. Sorry, sorry sa lahat." Paulit-ulit siyang nagsorry sa akin habang ako ay nanatiling matigas ang puso. "P-Patawarin mo ako. Nang d-dahil sa akin, nasira ang buhay

