KABANATA XLV Tahimik akong nakaupo sa waiting area nang dumating ang nanay ni Brittany. Napakunot pa ang noo nang makita ako but she ignored me after. Agad siyang lumapit sa doctor nang saktong lumabas ito sa kwarto ng anak. Napatingin pa sa akin si doctor Pastoral bago muling tumingin kay Mrs. Catias. Mukhang nagtataka na sa sunod-sunod kong pagpunta dito sa ospital. I know he didn't tell R what happened to me. Dahil kung sinabi niya iyon, siguradong kakausapin ako ni R tungkol sa kalagayan ko but he didn't do that. Instead, he left me. "A-Anong nangyari sa anak ko, Doc?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Catias. "Mrs. Catias, mahimbing na natutulog ngayon ang anak mo. Masyado lang siyang stress nitong nakaraang araw. She doesn't have enough sleep. But right now, Mrs. Catias..." Bumunton

