KABANATA XLIX "M-Mom, sagutin mo ako? W-Who is Ellise?" halos piyok na ang boses ko dahil sa kakapigil ko sa paghikbi. Pinilig ni Mommy ang ulo niya. Umiiyak rin siya gaya ko. "E-Erika, I'm sorry..." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. T-Totoo... Napasinghap ako. Tila ba parang nawawalan na ako ng hangin sa kakaiyak ko. Gusto kong malaman ang katotohanan. Gusto kong malamang totoo ang kutob ko. "M-Mom, is... is Ellise..." Pumikit ako. Pilit na pinapakalma ang sarili ko. "E-Erika, calm down..." Si Aaron na ang lumapit sa akin at hinaplos ang likod ko para patahanin. "No..." Muli akong umiling saka tumingin kay Mommy. "M-Mom, s-si Ellise ba ang anak ko? My b-baby didn't die back then, right?" Hindi siya umimik. Tanging paghikbi lang niya ang maririnig ko. "Answer

