KABANATA XL Nakahiga si R sa mahabang sofa. Nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga bagay-bagay. Hanggang ngayon ay ang bigat pa rin ng puso niya sa nangyayari. Mahal niya si Leizel ngunit sa tuwing nakikita niya si Erika ay nawawala sa isip niya ang nobya. Everytime he looks at Erika's eyes, he sees nothing but miseries. Hindi na ang Erika na nakikilala niya noon ang Erika ngayon. Ibang-iba na ito ngayon simula nang bumalik ito. Bumalik ang binata sa reyalidad nang marinig ang pagtunog ng door bell niya. Napailing na lang siya at iwinaksi ang gumugulo sa isipan niya bago tumayo para pagbuksan ang nagdo-door bell. Nakakapagtaka lang dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Napaawang na lamang ang labi niya nang makita si Erika sa harap ng condo niya. Lasing at namumugto ang mat

