KABANATA XXXIX Wala sa sarili akong nakatingin sa labas ng kotse habang pinagmamaneho ako ng driver namin. Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Akmang aalis ako nang magsalita siyang muli. "Tama na. Hindi na ikaw iyan," mahinang saad niya. Halos piyok na ang boses niya nang sabihin niya iyon. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong umiiyak siya. "Akala mo ba hindi ko mapapansin? You're doing this for revenge, right?" "Are you happy now? Magiging masaya ka ba kapag sinabi kong may sinira ka nang buhay dahil sa nangyari?" Base sa mga sinabi ay sa tingin ko ay alam na niya ang mga ginawa ko. Naglakad siya papuntang harap ko saka nilahad ang isang news paper. Napakurap ako sa nakita. 'Isang Varsity Player ng kilalang unibersidad, hindi na makakapaglaro dahil

