KABANATA XXXVIII "Please don't do this to me. Seeing you with other guy is like torturing me slowly." Naikuyom ko ang kamao ko. Naglakas-loob na kumalas sa yakap niya. Itinulak ko siya palayo sa akin at pinaunlakan ng malakas na sampal. "Huwag na huwag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa iyo." Iyon lamang ang sinabi ko bago siya tinalikuran. Hindi ko na nagawang bumalik sa loob ng sine. Tinawagan ko lamang si R na puntahan niya ako sa labas ng mall para makauwi na. Walang gana akong nakatingin sa bintana ng pintuan habang nasa loob ng isang taxi. Pauwi na kami galing sa so called double date na iyon. Ramdam ko ang mga titig sa akin ni R habang nasa loob kami ng taxi. Alam kong gustong-gusto niyang magtanong kanina pa ngunit hindi niya magawa. Makalipas ang ilang saglit ay dumati

