KABANATA XXXVII Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Sa pagkakataon na ito, kahit hindi kami nag-uusap ay alam niyang alam kong hindi siya si James. Ilang saglit pa ay nag-iwas siya ng tingin. "I'm going," mahinang ani Aaron. Hindi siya makatingin sa mga mata ko ng tumayo siya. Wala siyang imik na lumabas sa silid. "What was that?" tanong ni Hanbin. Umiling naman ako sa kanya at muling nahiga. "Just leave," iyon lang ang sinabi ko sa kanya. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Okay. Ilalagay ko na lang ang pagkain na 'to dito. If ever you are hungry." Narinig ko lamang ang muling pagbukas at pagsara ng pinto. Sinyales na umalis na siya. Naiwan naman akong mag-isa sa silid. Naninikip pa rin ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Parang lahat ng nangyari noon ay tila kahap

