KABANATA XXXIII "W-What happened? Nasaan ang anak ko?!" "I'm so sorry, Miss Selvestre but you lost the baby." Parang gusto kong maiyak sa narinig. "H-Hindi totoo 'yan! Please don't say that! Hindi pa patay ang anak ko!" "Wala na akong nagawa. Masyado kang nag-iisip nitong nakaraang araw. You're stressing yourself, Erika. Aware ka naman 'di ba na hindi malakas ang kapit ng bata, hindi ba?" "N-No... No!" "Just accept the fact, Miss Selvestre. Bata ka pa naman at marami ka pang pwedeng gawin." Napailing ako at pilit na iwinaksi ang alaalang iyon sa isipan ko. Kahit anong limot ko ay binabalikan pa rin ako ng alaalang iyon. Muli akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makita ang dating ako sa repliksyon ko ngayon. Pakiramdam ko ay ang laki ng kulang sa akin.

