KABANATA XXXIV "Okay na ba kayo ni Liz?" tanong ko kay R habang inuulit ang sumasayaw sa gitna ng studio. Mabagal lang ang paggalaw namin kaya't nakakapag-usap pa kami. Hindi pumasok ngayon si Liz. Mukhang masama pa rin ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kahapon. "No, she doesn't want to talk to me," malungkot at nakayuko niyang saad. Palihim naman akong napangisi. Nawala rin kaagad nang muli siyang tumingin sa mga mata ko. "Can I have a favor?" aniya. "Sure." Peke akong ngumiti. "Pwede bang huwag mo na akong tawaging babe kapag nandyan si Liz. Nagseselos siya." Napangiti ako sa narinig. "Pero pwede kapag wala siya?" mapang-akit kong tanong. Pansin ko ang paggalaw ng adam's apple niya. "T-That's not what I've mean--" "We're doing nothing, babe. Walang masama kung tawagin k

