KABANATA XXXV Two years ago, I met this girl in front of me. Nakaupo siya sa sulok ng coffee shop habang suot ang mala-anghel niyang ngiti na animo'y isang napakahinhing diablo sa balat ng lupa. Naging biktima na ako ng mga ngiting iyan. Iyan din ang dahilan kung bakit tila nasa nakaraan pa rin ako at binabalikan pa rin ang alaalang iyon gabi-gabi. Ang araw na iyon... Ang araw kung kailan nawala ang isang taong pinaglaban ko na nauwi lang sa wala. Araw kung kailan nagising ako sa pantasyang binuo ko, nagising sa reyalidad na ako lang pala ang lumalaban. Tandang-tanda ko pa ang bawat detalye ng pangyayaring iyon. Nanginginig ang kamay ko, pilit na pinapakalma ang sarili habang umiinom ng tubig. Pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras dahil sa mga nalaman ko. Gusto ko mang paniwa

