Hindi ko talaga maintindihan ugali ni Sir Benj. Ilang buwan na rin kaming magkasama pero hindi ko talaga mahanap yung tyempo kung kailan siya galit, mabait, masaya, suplado o naiinis.
Ngayon, iniwan niya ako sa opisina niya, at umamin siyang nagseselos siya sa ginagawa ko. Ano ba talaga siya?
Kapag pumatol siya sa lalaki, ibig sabihin hindi siya straight. Pero straight siya eh, ramdam ko naman 'yon. Minsan napapakilig niya ako, hindi lang minsan, madalas pero iba eh. Alam ko kasing straight siya.
Kaso may straight ba na nagseselos sa isang katulad kong bisexual na sumasama sa ibang lalaki? Parang wala naman. Siguro si Sir Benj 'yon, pero ayoko talagang umasa. Sa tingin ko kasi ginagawa niya lang lahat ng 'to para talaga ma fall ako sa kanya at mas maging makatotohanan yung pagpapanggap namen.
Natapos ko yung ginagawa ko ng hindi bumabalik si Sir Benj sa opisina niya. Hanggang sa mag out ako, hindi ko siya nakita. Hindi ko na rin siya hinanap kasi hindi ko pa siya kayang harapin.
+
"Alam mo, tantanan mo na yang boss mo, promise! Try mong makipag date kay Sir Jack mo, kasi mas may chance ka sa kanya!"
"Ayoko bes, si Laura, paano? At saka nagpapanggap lang din kami"
Nasa Mozu na naman kami ni Jaycee, kailangan ko na siyang makausap about dito kasi medyo nagiging seryoso na yung lahat.
"Kaya mo pa bang magpanggap? Kasi bes tingin ko hindi mo na kaya eh! Fall na Fall ka na."
"Hindi naman! Grabe ka!"
"Let's see kung anong level na yung pagka fall mo kay Sir Benj. Kapag naka isang YES ka sa limang itatanong ko, ibig sabihin hindi ka pa fall. Kapag 2, keri lang. Kapag 3, iwas iwas na 'pag may time. Kapag 4, bes, falling in love ka na. Kapag 5, wala ng chance! Masasaktan ka na!"
"Ano na naman 'yan bes...."
"Shhh shh shhh.... Ako magtatanong. Unang Tanong!!"
Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya.
"Hinahanap hanap mo ba siya sa tuwing papasok ka?" tanong niya.
"Syempre hindi!"
"Umiiwas ka?"
"Oo! Ayoko kasi siya makita"
"Pak! Unang yes!" sabi niya.
'Di ako nakasagot kasi guilty talaga ako sa part na 'yon.
"Pangalawa, naaawkwardan ka ba everytime na magkasama kayo?"
"Hmm... Medyo"
"Pak! That means, yes! Pangalawang yes! Gusto mo pa bang ituloy ko?"
"Bes gets ko na, oo na! Na fall na ako kay Sir Benj! Okay? Masaya ka na?"
"Gaga, hindi ako masaya. Sabi mo hindi ka ma fafall di'ba? Malinaw usapan natin! Hindi ka ma fafall! Natandaan mo ba 'yon?!"
Sinabi ko nga 'yon pero wala na. Huli na talaga ang lahat. Mahirap talaga magsalita ng tapos.
"Hay nako, stress! Hindi ko tuloy makwento yung nangyari sa first 2 weeks ko!" sabi pa ni Jaycee.
"Ay sige bes! Ano ba nangyari? May cute boss ka rin ba?"
"Well, sadly, babae boss ko pero maganda at sexy. Hindi ako naaattract ha? Nabbwisit ako kasi ang ganda ganda niya! Ayoko sa babaeng mas maganda kesa sa'kin!"
"Haha, oh? Bakit parang hindi ka naman malungkot na babae boss mo?"
"Hindi talaga kasi yung officemates ko! Pak! Ang ggwapo! Required ata gwapo't maganda sa team namen eh!"
"Oh talaga? Edi may bet ka?"
"Medyo, oo. Kaso hindi ko alam, parang tinamad na akong lumandi simula nung nagkatrabaho ako, feeling ko oras na para magseryoso. At saka nag eenjoy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko talaga napapansin yung mga boys!"
"Bes, kung hindi kita kilala, iisipin kong hindi ikaw ang kausap ko. Iba ka na magsalita. 2 weeks ka pa lang nasa trabaho pero tignan mo, parang nagbago ka na talaga"
"Haha, may pasulyap sulyap naman pero pinipigilan ko talaga"
Medyo kakaiba talaga sinasabi ni Jaycee ngayon, hindi ko alam kung nagbago na siya o may problema lang siya na ayaw niyang sabihin. Ayaw niyang tinatanong ko siya tungkol doon kasi kusa naman siyang nagkekwento.
"Oh, balik sa'yo. Kung ako sa'yo bes, layo layo ka na ng kaunti ha? Para rin naman sa'yo yan eh." pahabol pa ni Jaycee.
Nakakatuwang kausap yung ganitong Jaycee, may sense at seryoso. Kaya napagdesisyunan ko na rin talaga na lalayo ako at ituturing na lang si Sir Benj na boss ko.
++++
May meeting kami ngayon at ako uli yung sinama ni Sir Benj para maglist ng notes. Simula talaga nung pumasok ako sa kanya, ako na yung parang naging secretary niya. Kaya kahit may naiwan kaming issue, ako pa rin yung pinapunta niya.
Naririnig ko rin na nagpaplano si Sir Benj ng Team Building para sa'min. At mukhang sa Mindoro gaganapin.
Pagkatapos ng meeting namen, kinakausap ako ni Sir Benj na parang walang nangyari.
"Nag lunch ka na Ethan?" tanong niya.
Lumayo, Ethan. Lumayo.
"May gagawin pa po ako Sir" sabi ko.
"Wait"
"Sorry Sir" binitawan ko siya at bumalik na kaagad sa office. Ayoko talaga makipag usap sa kanya. Gusto ko mawala muna yung feelings ko sa kanya bago ko siya kausapin uli.
Hanggang sa matapos yung araw, pilit niya akong kinakausap pero hindi ako sumasagot. Nagkabit din ako earphones para mas lalo niya akong hindi kausapin.
Mag oout na sana ako ng makita kong nag out na si Sir Benj.
"Uwi ka na, Ethan? Halika sabay na tayo pababa"
"Ahh... Hindi sir, OT."
"Hindi naman ako nag approve ng OT mo ah?"
"Ahh... Pa approve na lang po hehe."
Tinignan niya lang ako at umoo. Sana makaramdam naman siya na lumalayo ako sa kanya para tigilan na rin niya ako.
Napansin ko rin na ako lang pala yung naiwan doon kaya pinangatawan ko na lang din yung pag OOT.
+
"Oh, bakit nandito ka pa?" halos magulat ako ng may magsalita! Eh ako lang naman nandoon!
"Sir Jack!! Grabe ka naman nanggugulat ka!"
"Haha sorry, wala akong intensiyon. Ohh bakit ka pa nandito?"
"Ahh. OT"
"Ikaw lang?"
"Opo."
"Ahh so kung may gagawin tayo rito wala palang makakakita 'no?"
Napatingin ako sa kanya ng masama at tumawa lang siya.
"Biro lang Ethan haha. Ano ba yang ginagawa mo? Baka matulungan kita" pumunta siya sa likuran ko at naririnig ko yung pag hinga niya.
"Ahm... Kaya ko na po Sir"
"Eh gusto kitang tulungan eh."
"Ang awkward lang ng pwesto niyo sir"
"Nag kiss na tayo right? Mahihiya ka pa?"
Napatayo ako at umiwas kasi medyo naiinitan ako sa nangyayari. Naupo naman siya sa upuan ko at pinagmasdan ako.
"Labas tayo Ethan, tama na 'to! Kayang kaya mo naman 'to bukas eh! Kaya mo mga 'to ng nakapikit eh!"
"Eh pinalipas ko lang naman po yung oras kasi iniiwasan ko si Sir Benj!"
"Oh? May ginawa ba siya?"
"Ehh nagalit kasi siya nung nabasa niya text mo sa'kin"
"Haha, eh namimiss naman talaga kita ah? Bakit ba niya pinapakialamanan phone mo? Halika na, labas na tayo!"
"Tapusin ko lang..."
Nakita kong shinut down na niya yung PC ko at tinutulak na niya ako palabas.
"Wala ka ng magagawa, halika na!" yaya niya pa. Medyo gusto ko rin kasing umalis kaya pumayag na ako sa gusto niyang mangyari.
+
"Oh, so nainlove ka na pala talaga?" medyo seryoso na yung boses ni Sir Jack. Nasa Mozu kami ngayon at nag iinom ng margarita.
"Kaya pa naman sigurong maiwasan"
"Hmmm... Mahirap umiwas lalo na kung palagi kayong nagkikita. Gusto mo bang sa'kin na lang magtrabaho, sa office ko. Wala naman akong katulong doon"
"Hala hindi po, hindi ko iiwan si Sir Benj"
"'Hindi ko iiwan si Sir Benj' tapos gusto mo siyang kalimutan? Haha well goodluck"
"Eh ano po ba dapat kong gawin?"
"Hmmm... Let's hook you up with someone tonight, you want?"
"Hala, ayoko Sir!"
"Okay, ako na lang. Hehe,"
Magkaibang magkaiba talaga ugali ni Sir Benj at Sir Jack. Si Sir Jack kasi palagi niya akong napapangiti sa mga sinasabi niya. At iba rin yung ngiti niya, sobrang pamatay! Aaminin ko medyo pang fuckboy nga datingan pero hindi mo maaalis na sobrang gwapo niya!
"Pero kidding aside Ethan, if you really want to 'forget' him, kailangan mong lumabas sa iba. Bakit ba takot na takot kang magmahal? Napapansin ko kasi sa'yo 'yon eh, ayaw mo ng commitment. Dahil ba sa ex mong ikakasal na?"
"Woah, easy lang Sir haha. Ayoko lang kasi na maulit yung nakaraan na iiwan lang din ako"
"Hindi ka naman nag iisa. Takot din ako maiwan, Ethan"
Naging seryoso si Sir Jack at tumagay ng straight na shot.
"Iniwan ka rin Sir Jack?"
"Pwede mong sabihin na ganon hehe."
"Pero... Si Sir Jack ka po! May mangiiwan pa pala sa katulad mo?"
"Haha bakit Ethan? Ano bang meron sa'kin?"
"Ang gwapo niyo po, ang yaman, ang yummy, bata, fresh! Yummy. Ang laki ng katawan. Ang yummy. Ang gwapo. Sir, ang perfect po ng datingan niyo!"
"You said yummy thrice,"
Nabigla ako sa sinabi ko at alam kong dahil epekto ng alak 'yon!
"You think I'm yummy? Wanna try?" medyo inakit niya ako ng kaunti 'non.
"Sir... Hindi ako bibigay sa'yo haha"
"Haha, sayang. I wanna try pa naman." sabay inom uli ng alak pero this time, nakatingin siya sa'kin habang ginagawa 'yon.
"Good thing, ayoko" sabi ko, pero hello gusto ko!
"Eh paano kung ako pala yung susi para makalimutan mo si Sir Benj? Hey, I think I'm good at being rebound"
"What? Hahaha iba rin epekto ng alak sa'yo Sir Jack eh no?"
"Haha what if I'm not drunk at all at totoo lahat ng sinasabi ko?"
"Well hindi pa rin ako naniniwala kasi nag de date kayo ni Laura at ayoko pa rin maniwala. 'Wag ka ng dumagdag sa sakit ng ulo ko Sir Jack haha" biro ko pa.
"Eh paano kung hindi kita lolokohin? Kung seryoso ako sa'yo pero iniisip mo lang niloloko kita kasi deep inside, gusto mo rin pero ayaw mo lang kasi naiisip mo rin si Benjamin?"
Fvck! Ang gulo pero may sense. Ganon kaya talaga nararamdaman ko? Tumingin ako sa kanya pero malalim yung tingin niya sa mga mata ko na may konting ngiti sa labi.
"Sir, please."
"Haha, I'm playing with you Ethan pero you know kung ano problema mo?"
"Ano Sir?"
"Hashtag ganda problems"
Hindi ko inaakalang kayang sabihin ni Sir Jack 'yon at sobrang cute niya nung sinabi niya 'yon!
"Hahahahaahahaha loko ka Sir Jack!"
"Imagine, dalawang boss mo naghahabol sa'yo oh!"
"Anong dalawa, wala kaya!"
"Haha ako at si Benjamin"
Talagang sinama niya yung sarili niya. Isa pa 'tong magulong kausap eh.
"Pero Ethan, I'm always here for you okay. Kung kailangan mo ng ibang tao para iwasan si Benjamin, I'm only one text away"
"Hehe thank you Sir Jack."
"I'm serious, text mo lang ako at bababa kaagad ako for you"
"Thank you uli."
"Wala ba akong kiss diyan?"
"Ha?!"
"Tanungin mo uli kung may mangyayari para may mangyari talaga"
"Haha ewan ko sa'yo Sir Jack"
Wala kaming ginawa kundi magtawanan hanggang sa maubos namen yung iniinom nameng alak.
+++++
Ginigising ako ni Butchok at sa sobrang sakit ng ulo ko, napakamot ako ng ulo ko. Pag bangon ko, mas lalo kong naramdaman yung alak na ininom ko kagabi. Grabe, lasing na lasing pala ako.
"Kuya Kuya... Gising na! Dali!!"
"Ano ba Butchok, ang aga aga pa. Wala naman akong pasok!"
"Ehhh alam ko naman Kuya. Aalis daw tayo dali na, gising ka na please?!"
Nakabangon naman na ako pero nakapikit pa rin ako at kinukurot na ni Butchok yung pisngi ko.
"Kuya! Dali na, ililibre daw tayo!"
"Si Papa? Ayoko! Kayo na lang umalis! Matutulog na ako!"
"Hindi si Papa, may Kuya sa baba. Hinahanap ka kaya pinapasok ko tapos niyaya niya ako na umalis tayo, kahit saan daw basta kasama ka!"
Nagising ako bigla!
"Sino raw? Bakit ka nagpapapasok ng hindi mo kakilala?!"
"Ehhh boss niyo raw po siya eh!"
"Si Sir Benj?!"
"Di'ba si Kuya Pogi 'yon? Hindi po si Kuya Pogi yung nasa baba, iba pa po"
Nagmadali tuloy akong bumaba para tignan kung sino 'yon at nakita ko si Sir Jack na nakaupo sa sofa at nakikipagkwentuhan kay manang.
"Ang gwapo gwapo niyo naman po, Sir!" naririnig kong sabi ni Manang. Nakikita ko si Sir Jack na natatawa lang habang pinipisil pisil ni manang yung braso niya.
"Nasaan na ho si Ethan?" tanong ni Sir Jack.
"Nako, ayaw pong nagpapagising 'non."
"Ahh sige, pwede bang ako na lang umakyat?"
"Sige po Sir, akyatin niyo na po hihi"
Pucha ang landi ni manang! Nakita ko na si Sir Jack na tumayo at papunta sa hagdan. Nagmadali naman akong bumalik sa kwarto ko at ni lock 'yon.
"Kuya! Maligo ka na!" sabi pa ni Butchok.
"Paakyat na si Sir Jack, sabihin mo hindi ako umuwi kagabi kaya hindi mo alam kung nasaan ako!" sabi ko.
"Ay si Kuya, ang OA. Hindi naman po mukhang masamang tao si Sir Jack"
Narinig ko ng kumakatok si Sir Jack sa pinto at bago ko pa masabihan si Butchok na 'wag buksan, pinagbuksan na niya kaagad at pinapasok si Sir Jack sa kwarto ko.
"Good Morning." bati niya.
Nakakalusaw talaga ngiti ni Sir Jack pero kailangan kong kumalma.
"Oh, bakit hindi ka pa nakakabihis, mag bihis ka na Butchok! Aalis tayo"
"Ayaw pa po kasing kumilos ni Kuya ehh, baka po di siya sumama"
"Akong bahala, sasama 'yan sigurado. Sige na maligo ka na" tuwang tuwa naman si Butchok na lumabas ng kwarto ko at ni lock na ni Sir Jack yung pinto.
"Ohh, bakit parang takot na takot ka sa'kin?" tanong ni Sir Jack.
"Ehh paano niyo po nalaman yung bahay namen? Insitalk niyo po ba profile ko? O naglagay kayo ng GPS sa phone ko? O 'di kaya sinundan niyo ako pauwi kagabi?!"
Natawa si Sir Jack sa mga sinabi ko at lumapit siya sa'kin. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.
"Hindi mo ba naalala nangyari kagabi? You kissed me and then we make out"
Fvck! Fvck! Fvck!
Umupo siya sa kama ko at humiga.
"Seryoso 'yon sir?!"
"Haha, ikaw naman nag first move so sino pa ako para magpakipot."
"Sir naman! Seryoso ba?!"
"Nagbibiro ba ako? Doon nga tayo sa kotse ko, lasing na lasing ka tapos bigla mo kong hinubaran. Wala akong kalaban laban. Humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig sa'kin. Masyado kang aggressive!"
Hiyang hiya ako. Pero bakit wala akong maalala?
"Sabi ko nga doon tayo sa condo ko pero sabi mo mas exciting kapag sa kotse!"
"Sir Jack! 'Wala akong matandaan kaya hindi totoo 'yan!"
"Haha well, that's okay. Sanay naman akong kinakalimutan lahat ng efforts ko"
"Hala"
"Just kidding, magbihis ka na. Aalis tayo"
"Just kidding? Ibig sabihin hindi totoo lahat ng sinasabi niyo?"
"Haha maligo ka na sabi, excited na excited kapatid mo oh. Aalis tayo, nangako ako sa kanya. Ayokong binebreak yung promise ko."
Hindi pa rin ako mapakali sa kwento ni Sir Jack.
"I'm doing this for your brother, Ethan. 'Wag mong isipin na nilalandi kita. Well, siguro slight pero this is for your brother. Wala akong little bro eh kaya please?"
"Sir... Yung kagabi..."
"Haha, halika. Tabihan mo ko rito" utos niya. Then tumabi nga ako, naupo siya sa kama at umakbay sa'kin.
"Totoo talaga 'yon sir?" tanong ko.
"I'm just kidding, hindi totoo 'yon. Gusto ko 'pag may mangyayari sa'tin, aware ka."
"Sir naman eh!"
"Haha, maligo ka na kasi. Ang baho mo na eh,"
Mas lalo akong nahiya kaya napatayo ako.
"Pero paano niyo nalaman bahay namen?"
"Ako kaya naghatid sa'yo. Remember? Lasing na lasing ka talaga?"
Oh sht. Hindi ko talaga maalala 'yon.
"But really, I almost kissed you. Masyado kang seductive kapag lasing at na tetemp ako sa'yo"
Mukhang seryoso si Sir Jack sa sinasabi niya.
"But you mentioned Benjamin.... So..."
Nakakainis, kahit lasing ako si Sir Benj pa rin hinahanap ko?!
Natahimik lang kami sandali at bigla siyang ngumiti. "Hurry up! Aalis tayo! Kilos na! Bayad mo sa paghatid ko sa'yo kagabi! Not another word, just go get yourself a nice bathe and I'm still here waiting. Okay?"
Nahiga na uli siya sa kama at mukhang iidlip sandali. Pumayag na rin ako na sumama sa kanya para na rin kay Butchok.