Part 18

2672 Words
Mukhang ako lang yung nagulat sa pagdating ni Sir Benj kasi si Sir Jack biglang yumakap sa'kin na parang hindi niya nakita si Sir Benj. "Dapat marunong tayong kumatok, Benjamin. Buti na lang may damit pa kaming dalawa" sabi ni Sir Jack. Poker face lang si Sir Benj. "Okay. Hindi ka na ba pupunta sa bahay?" tanong ni Sir Benj. "Susunod ako pre, pupunta na ba sila Kaye at Stephen?" nakayakap pa rin sa'kin si Sir Jack nung mga oras na 'yon. "Hindi pa ata. Sige, bukas na lang kayo pumunta." "Sure ka?" "Oo. Eh, mukhang..... Busy pa kayong dalawa eh" "Okay, see you tomorrow pre" sabi na lang ni Sir Jack. Napatingin lang sa'kin si Sir Benj at hindi ko maexplain yung tingin na 'yon. Pag labas niya ng pinto, tinulak ko uli si Sir Jack. "Para saan naman 'yon?!" medyo nawala yung hilo ko dahil sa ginawa niya. "Akala ko ba magpapanggap tayo. Well, I can see in his eyes na parang wala lang sa kanya. I don't know, ano ba nakita mo?" "Hindi ko alam! Hindi ako makapag isip! Ang bilis ng pangyayari" "Well, one thing's for sure, nakakausap na kita ng matino hindi tulad kanina" Tumayo siya at nag ayos. "Bakit mo ko hinalikan?" tanong ko    "Hindi mo ba nagustuhan?" Oo? Hindi? "Well, I can kiss you again if you want."pahabol niya pa. "What?! No!" "Oh. Okay. Well, nag enjoy ako sa kiss na 'yon. Baka ikaw na isipin ko everytime na you know... Mag aano ako" sabay kindat sa'kin. Nagtakip lang ako ng unan sa sobrang hiya at narinig kong bumukas yung pinto. Baka lumabas na siya at naiwan na akong mag isa sa kwarto niya. ++ Mukhang napahaba ata yung tulog ko sa higaan ni Sir Jack at pag tingin ko sa relo ko, alas onse na. Hindi ko alam kung umaga o gabi, pero pag bukas ko ng pinto madilim pa naman. Kaya nasa party pa rin ako. Napansin kong iba na rin yung suot kong damit, malaking damit 'yon pero komportable. "Hey! Gising ka na! Tara tagay!" sabi ni Stephen at inabutan na naman ako ng shot glass. "Sorry, mamaya na lang siguro" sabi ko. "Ethan!" boses naman ni Sir Jack 'yon. Lumapit siya at inayos niya yung buhok ko. Kahit maraming nakakakita, wala siyang paki. "Okay ka na? Gusto mo chocolate or something na mainit? Soup? Ano?" tanong niya. "Ahhh... Wala, okay lang ako" sabi ko. "Kapag si Ethan inaalok mo ng ganyan, pero akong tropa mo, hindi?!" singit ni Stephen. "Haha pwede ka naman magluto pre, hindi ka na others dito" "Naiihi ako eh" singit ko naman sakanila. "Ohh nandon lang yung CR" turo ni Sir Jack. Parang nawala bigla yung mga tao, may nakikita ako sa labas na iilan pero sa loob, wala na talaga maliban kay Stephen. Bago ko mahawakan yung doorknob ng CR, bumukas 'to at nandon pa si Sir Benj. "Sir Benj!" sabi ko. "Okay ka na?" medyo nag aalala naman yung tono ng boses niya. "Ahh... Opo"sagot ko. "Good." hindi na niya ako hinintay sumagot at umalis na siya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba o hindi. Pagka CR ko, nakita ko na si Stephen, Kaye, Sir Benj, Sir Jack at dalawa pang babae na nasa table. Mukhang sila na lang yung tao. Wala na akong nakitang tao sa labas. "Ethan, halika!" si Sir Jack 'yon at pinapatabi niya ako sa kanya. Bilong yung lamesa at pito kaming nakapalibot. Katabi ko si Sir Jack sa kaliwa at si Stephen sa kanan. Si Kaye naman katabi ni Stephen tapos yung babae tapos si Sir Benj tapos yung isang babae. "Lasing na ba kayo?" tanong ni Sir Jack. Sumigaw silang lahat ng hindi pa. Si Sir Benj naman umiinom lang ng beer. Bumulong ako kay Sir Jack kung nasaan na si Laura. Nilapit niya rin ng todo yung bibig niya sa tenga ko at bumulong "umuwi na kanina pa" "Hinatid mo ba?" "Oo naman. Tulog ka kasi eh" "Okay okay" Nakita ko naman na nakatingin si Sir Benj sa bulungan namen ni Sir Jack. Mukhang sinadya ni Sir Jack na mas malapit yung bibig niya sa tenga ko para mainis si Sir Benj pero mukhang wala lang din sa kanya. "Spin the bottle! Matapatan, iinom ng alak, kapag ayaw, dare!" biglang sigaw ni Stephen. Pumayag naman silang lahat pati ako. Nagpaikot ng bote si Stephen at buena manong tumapat sa'kin. "Shot na lang" sabi ko. "KJ!" pero walang nagawa si Stephen at tumagay ako. Umakbay naman sa'kin si Sir Jack at napatingin uli si Sir Benj. Pinaikot ko yung bote at tumapat sa babaeng isa. Maganda silang dalawa actually, parang walang tropa si Sir Jack na hindi maganda o gwapo. "Dare" sabi nung babae. "Wooooah! Gusto ko 'yan! Hmmmm..... Show us your boobs!" sabi ni Stephen. "No!" sigaw ni Kaye. "Ang KJ talaga neto o sige, kiss mo na lang yung pinaka attractive para sa'yo. Sa lips!" utos niya.    Bigla naman siyang tumayo at pumunta kay Stephen at hinalikan niya sa labi. Wow, ang hot pala makakita ng naghahalikan. "Woah, okay okay." sabi ni Stephen, pinaikot niya uli yung bote at tumapat sa'kin, tumagay uli ako kasi ayoko ng dare. Pagkaikot uli ng bote, tumapat naman kay Sir Benj. "Oh Benjamin! Alam mo na! French kiss, german kiss, lahat ng klaseng kiss! Para sa pinaka gusto mong halikan dito" utos ni Stephen. Hindi na tumayo si Sir Benj at humarap na lang siya sa babae sa tabi niya at hinalikan niya 'yon ng matagal. Hindi lang 'yon! Pagkatapos niyang halikan yung babae 'yon, pinuntahan naman niya yung isang babae para halikan din. Naghiyawan sila pero ako pinanuod ko lang siya. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko pero parang apektado ako sa napanuod ko. Tumapat naman uli sa'kin at tumagay ako uli pero this time, apat na sunod sunod na shot! "Ethan!" sabing sabay ni Sir Benj at Sir Jack. Hindi ko sila pinansin at pinaikot ko yung bote at saka tumapat kay Stephen! Parehas lang ng utos na halikan yung pinaka interesadong tao pero nagulat ako, pati si sila Sir ng halikan niya si Kaye. Nakita ko rin na nagulat si Kaye sa ginawa ni Stephen. Ako lang ata yung nag cheer at humiyaw non, siguro epekto ng alak. +   Lasing na lasing na kaming lahat pero tuloy lang kami sa paglalaro. Nung natapat sa'kin yung bote, si Sir Benj yung nag utos. "Sabihin mo sa'kin kung bakit ka naglalasing ngayon!" hindi siya natutuwa sa inaasal ko at kahit nakikisaya siya, pag dating sa'kin nagagalit siya. Tulog na yung dalawang babae sa lasing pati si Stephen at Kaye. So, kaming tatlo na lang yung nakaupo ng maayos. "Wala... Gusto ko lang" sabi ko. "Ethan, seryoso ako. Anong problema mo?" tanong niya pa. Mukhang interesado na rin si Sir Jack. "Gusto ko nga lang mag inom!" "Dahil ba sa ex mo?" sabi ni Sir Benj. "Paano mo nalaman?" "Hindi ko alam, ikaw nagsabi. So, anong meron sa ex mo?" tanong pa ni Sir Benj. Natawa lang ako pero naging seryoso kaagad. "Ikakasal na eh" Tahimik lang silang dalawa sa sinabi ko. "Dumagdag pa yung tatay ko na sa bahay na tumitira, ayoko siyang nakikita eh! Yung mama ko, hindi na naman umuuwi, hindi ko alam kung anong ginagawa. Yung kapatid ko, gustong mag aral pero hindi pwede kasi hindi safe. Tapos ayun, dumagdag pa si Bill. Hindi ko alam, pero parang ang bigat lang sa pakiramdam." Hindi pa rin sila nagsalita. Pero si Sir Jack, hinawakan yung kamay ko. "Bakit kasi hindi mo sinabi sa'kin? Sabi ko naman sa'yo makikinig ako eh" "Sa'kin din Ethan. Bakit hindi mo sinabi?" singit ni Sir Benj. "Hindi ko po alam kung paano sasabihin." "Atleast nasabi mo na" bigla akong niyakap ni Sir Jack at sa mga oras na 'yon, parang ayun lang kailangan ko. Tumayo naman si Sir Benj at lumabas muna. "Kasama po ba 'yon sa arte nating dalawa?" tanong ko kay Sir Jack. "No, nag aalala talaga ako sa'yo Ethan. Totoo 'yon, kung pwede lang kita yakapin ng yakapin, gagawin ko."   "Salamat, Sir Jack" "Dito ka na lang matulog, tatabihan kita." "Hala, hindi na po. Nahihilo lang ako ngayon pero kaya ko pa naman umuwi" sabi ko. "Okay...."    "Paano 'tong mga 'to?" turo ko sa mga natutulog sa sobrang lasing. "Hayaan mo, diyan lang sila. Gigising din mamaya 'yan hehe. Gagawan lang kita ng pagkain ah?" tumayo siya at mukhang magluluto. Ako naman, nilabas ko si Sir Benj na nakatayo at nakatingin sa napakagandang view. "Oh... Bakit mo iniwan si Zachary doon?" tanong ni Sir Benj. "Nagluluto po eh" "Ahhh... So, siya pala yung gusto mo? Bakit naman hindi mo sinabi sa'kin edi sana nilakad pa kita" "Po?" "Hindi ko sinasadyang makita kayo na naghahalikan sa kwarto niya, tapos yung bulungan niyo pa kanina, bagay kaya kayo!" Nag assume lang pala ako na nagseselos siya. "Kayo nga Sir yung dalawang babae kanina eh...." "Hehe, namimiss ko lang ng may ka kiss" "Ahhhh" "Kaso pala kung ilalakad kita kay Zachary, dapat sa labas ng office, kasi kapag sa loob, fake boyfriend mo ko di'ba hehe"    Seryoso ba talaga siya? O nang aasar na ewan? "Wala lang akong alam na history ni Zachary na.... Alam mo na, sa lalaki" "Ehhh hindi ko naman...." "No, Ethan. You deserve to be happy. At nakikita ko na masaya ka sakanya. Ang bait mo kaya tapos masunurin, hindi ka aware sa mga bagay na ganon kaya mas lalo kang nakaka turn on. Hindi naman forever na magpapanggap tayong dalawa, if you want to be with Zachary, that's okay with me." Hindi pa rin ako sumasagot. Ibig sabihin lang ng sinasabi niya, wala talaga siyang gusto sa'kin at peke lang talaga lahat ng pinapakita niya. "I miss Sophie so much na hindi na ako nakakapag isip ng maayos." Nung marinig ko yung Sophie, naalala ko na naman yung sinabi niya. Parang nag eecho sa isip ko ngayon yung 'I love you Sophie' "Kaya alam ko pinagdadaanan mo ngayon, just let it out. I think okay ka naman na with your ex, kailangan mo lang ng closure. Kasi masaya ka na with your Sir Jack. And ayun lang naman importante sa'kin, yung masaya ka" "Uhm.... Paano yung mama mo? Di'ba birthday niya?" iniba ko na yung topic, kasi kahit na pinupush niya ako kay Sir Jack, mas umaasa ako sa kanya. "Bukas na lang siguro. Si Kaye kasi eh, nag send ng picture sa groupchat namen tapos nakita kita, lasing na lasing ka na. Katabi mo pa si Stephen eh mamaya kung anong gawin sa'yo non!" "Hehe, grabe ka"   "Ethan..." hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko lang siya. Tumingin lang din siya, mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya huminga na lang siya ng malalim. "Tara sa loob, baka luto na yung famous soup ni Zachary hehe masarap 'yon promise!" Akala ko talaga may mahalaga siyang sasabihin pero pumasok na kaming dalawa sa loob habang hawak niya yung kamay ko. ++++ Si Sir Jack naghatid sa'kin kagabi, nagulat din siya nung nalaman niyang magkapitbahay kami ni Sir Benj. Hindi productive yung pagpasok ko kinabukasan, buti na lang hindi ako pinagalitan ni Sir Benj. Nararamdaman ko na naman na nanlalamig yung pakikitungo niya sa'kin. Ngayon din dapat yung pagpunt nilang magtotropa sa bahay nila Sir Benj para sa Birthday ng mama niya pero hindi na tinuloy ni Sir Benj. Lumipas na naman yung mga araw na hindi ako kinakausap ni Sir Benj, yung tipong ngingiti lang siya sa'kin tapos ayun lang. Wala man lang hi, o hello. Panibagong linggo uli at ganon pa rin yung nangyayari. Medyo nasanay na rin ako na ganon siya sa'kin, so far, wala namang reason para magpanggap kaming dalawa na mag jowa kasi hindi pa pumupunta sila Sir Miggy at Cielo. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng marinig ko yung boses ni Sir Benj na tinawag yung pangalan ko. Almost 2 weeks din 'yon! Medyo naexcite ako sa pagtawag niya sa'kin kaya nagmadali ako pumunta sa opisina niya. "Yes, Sir Benj?" nakangiti pa ako non sa kanya. "Pinapatawag ka ni Zach, akyat ka na lang sa office, alam mo naman right?" pero siya, suplado yung dating niya. "Ahhh... Okay po..." "Ireport mo kaagad sa'kin kung may ipapagawa siya sa'yo ah? Kasi may papagawa ako sa'yo" again, suplado, ni hindi niya ako matignan sa mga mata. "Okay Sir" umalis ako sa opisina niya at umaasang tatawagin niya uli pangalan ko, pero hinayaan niya lang ako at mukhang hindi niya talaga ako papansinin. Umakyat ako kaagad kay Sir Jack at nakita ko siyang may kausap sa phone. Nagpaalam kaagad siya sa kausap niya at pinaupo niya ako. "Ethan! Ano ng balita?" tanong niya. "Ano pong balita?" "Sa'yo? Hindi ka pa rin pinapansin ni Benjamin?" "Ahh. Ayon po ba? Hindi pa rin po" "Ohh, napakahirap talagang intindihin ng taong 'yon, no?" So pinapunta niya ako para maki chismis. Pero may kumatok sa pinto ni Sir Jack, at si Sir Benj 'yon! "Ethan, I told you to report to me immediately di'ba?" Halos wala pang 5mins simula ng umalis ako sa office niya, ang bilis naman niya makasunod. Ibig sabihin, sumunod na siya sa'kin dito kaagad? "Ahh. Wala, may sinabi lang akong important" sabi ni Sir Jack. "Okay. Ethan, tara. May papagawa ako sa'yo" sumenyas si Sir Jack na sumama na ako kaya tumayo ako at bumaba na kasama siya. "Ano pong papagawa niyo?" tanong ko, nasa loob na kami ng opisina niya.   "Wala. Bumalik ka na sa trabaho mo" "Sir?" "Ayokong naalis ka sa paningin ko, sige na. Gawin mo na trabaho mo. Yung presentation natin kay Sir Miggy at Cielo okay naman na di'ba? Gumawa ka pa ng isa para may plan B tayo" "Ehhh sa computer niyo lang po ako makaka access ng information eh" "Ohh... Sige, diyan ka na gumawa" tumayo siya at pinapaupo ako sa harap ng computer niya. "Talaga po ba, Sir? Okay naman na po yung gawa natin nung una"   "Gusto ko pa ng isa. Kaya umupo ka na at gawin mo!" medyo matigas niyang sabi kaya sumunod naman ako kaagad. Imbis na umupo siya ng nakatalikod sa'kin, talagang pumwesto siya sa kabila para nakikita niya ako. Ako naman nakatagilid kaya mahihirapan akong tignan kung nakatingin siya sa pwesto ko. Marami siyang binabasa at pinipirmahan kaya gumawa na ako ng presentation. Bigla namang nagtext si Sir Jack. "Ethan, I miss you " Hala! Bakit ganyan yung text ni Sir Jack?! "Labas naman tayo mamaya" text niya pa uli. Napatingin ako kay Sir Benj at kitang kita ko na ang sama ng tingin niya sa'kin. "No cellphones! Nagtatrabaho ka. Dapat sinusurrender mo 'to sa labas ah?" inabot ko sa kanya yung phone ko at nakalimutan kong wala palang lock code 'yon! Napansin kong parang may tinitignan siya. "Sir. Wait, lock ko lang" sabi ko. "Hindi na kailangan, nabasa ko na. Kayo na ba ni Zachary? Akala ko sila ni Laura? Medyo magulo rin kayong dalawa no?" Pinapagalitan niya ako this time. "Hindi po Sir." "Eh bakit may I miss you? Hindi ba kayo nagkikita? Eh palagi na nga kayong magkasama nung mga nakaraang araw, tapos may pa I miss you I miss you pa siya?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa kanya. Nagagalit siya dahil dun? Parang nagseselos lang. "Oh bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?" seryoso, ang gwapo niya kapag nagagalit. Siguro sobrang namiss ko yung hindi niya pagkausap sa'kin ng ilang araw kaya ganito. "Wala po." sabi ko na lang. "Magkatext din kayo ni Stephen?" "Sir, 'wag na kayong magbasa ng inbox ko!" "Salamat Ethan. Tapos may heart na emoji! Bakit may heart na emoji yung text ni Stephen?!" Parang gusto ko tuloy siyang asarin. "Secret" sagot ko. "Aba! Secret pala ah!" natatawa ako sa pwesto ko ng marinig ko siyang magsalita. "Stephen bakit tinetext mo si Ethan ng may heart na emoji?!" tinawagan niya pala si Stephen! "Hindi! 'Wag ka magtext ng ganon sa kanya!" "Tigilan mo ako ha. 'Wag si Ethan" "Haha mabuti ng nagkakalinawagan tayo. Akin 'to" "Sige pre!" Pagkababa niya ng tawag, tumingin uli siya sa'kin. "Oh. Hindi ka na niya tetextan ng heart. Pinagsabihan ko na" Hindi ako sumagot. "Bakit hindi ka sumagot? Gusto mo rin na nagtetext si Stephen sa'yo? Chinito na gusto mo?" "Alam niyo Sir Benj kung may problema kayo, 'wag niyo sa'kin ibuhos. Nagtatrabaho ako rito oh!" "Eh ikaw nga problema ko! Ilang araw mo kong di papansinin tapos malalaman kong kasama mo lang si Jack. Tapos ngayon nagkikita rin pala kayo ni Stephen, tapos kahit hi lang sa'kin, wala?!" "Hala, eh ikaw nga 'di namamansin eh!" "Nginingitian nga kita eh. Tapos hindi ka nag ha hi! Gusto ko kasi mag hi ka" Ang sakit sa ulo! "Eh ano naman kasi kung kasama ko sila? Nagseselos ka ba?" tanong ko. "Oo" Mukhang nabigla siya sa sagot niya, kahit ako nabigla eh. Natahimik lang kaming dalawa at tumayo siya sa pwesto niya. "Tapusin mo 'yan, may gagawin lang ako" utos niya at lumabas na siya ng opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD