Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nadatnan ko roon si Butchok na nakahiga at naglalaro ng PSP.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Hinihintay lang kita Kuya, nag overtime ka?"
"Oo. Dami pinagawa eh"
"Si Kuya Pogi ba?"
Kilala na nga pala niya si Sir Benj.
"Hindi, yung isa kong boss" sabi ko.
"Ahhh..." ramdam ko sa boses niya na may problema pero mukhang nahihiya siyang sabihin kung ano 'yon.
"Bakit iba yung dating mo ngayon, Butchok?"
"Kasi Kuya...."
"Ano? May problema ka ba?"
"Gusto ko na kasi mag aral uli. Naiinggit kasi ako sa ibang bata rito eh, nung nandon po ako kina Krisha, nagkekwentuhan sila tungkol sa school tapos ako wala naman akong makwento"
Nararamdaman ko yung lungkot ni Butchok, pero ayoko naman mag take ng risk.
"Alam mo naman yung kalagayan mo..."
"Alam ko naman po. Sinabi ko lang naman Kuya, pero naiintindihan ko po"
Sobrang naaawa talaga ako pero kailangan kong pigilan yung awa ko para na rin sa ikabubuti niya.
"Kumain ka na ba?" iniba ko na kaagad yung topic.
"Opo, kayo Kuya?"
"Oo, gusto ko na ngang magpahinga eh"
"Tara matulog na tayo!" nakakatuwa talaga 'tong batang 'to. Ang sweet sweet. Sa totoo lang, kahit wala naman sila mama at papa, okay lang sa'kin, mas okay lang na nandito si Butchok.
++++
"Bes! Start na ng trabaho ko! Pak pak pak!" ang aga ni Jaycee na pumunta sa bahay, para raw makisabay sa'kin.
"Bakit, hindi mo dadalhin kokotse mo?"
"Ano ba, sayang gas. Tsaka nandiyan ka naman. Magkalapit lang naman tayo kaya keri na!"
"Hays, sagot mo gas ko ngayon ah!"
"Okie bessy. Let's go!" habang nasa sasakyan kami ni Jaycee, nakwento ko sa kanya yung napag usapan namen ni Sir Jack kagabi.
"Pak! Malandi! Akala ko ba dinedate niya yung ka officemate mong maganda? Laura?" tanong niya.
"Ehhh hindi naman daw siya open sa ganon"
"Ultimate fuckboy ng taon 'yang Sir Jack mo ah!"
Nangiti ako tapos kinwento ko rin yung nangyari kay Sir Benj.
"Naglaplapan na naman kayong dalawa pero akala niya ikaw si Sophie? Hay nako, napaka manggagamit ng lalaking 'yan! Ultimate user ng taon!"
"Grabe ka naman, parang hindi naman..."
"Ano ka ba, ganyan yung gusto niyang isipin mo sa kanya. Habang pinapaikot ka niya sa panggagamit niya sa'yo, tuwang tuwa siya dahil napapaikot ka niya. Ano ka ba, kasama 'yon sa mga plano niya!"
Ayokong paniwalaan yung sinasabi niyang ganon pero mukhang totoo. Siguro ganon nga yung plano ni Sir Benj.
"Ayokong isipin na ganon siya"sabi ko pa.
"Ayan din iniisip niya ngayon, iisipin niya na hindi naman siya ganon pero ang totoo, ganon siya. Naiintindihan mo ba?"
Wagas maka realtalk 'tong bestfriend ko pero totoo nga. Totoo sinasabi niya. Baka tinatago lang talaga ni Sir Benj yung totoong ugali niya.
"Bes, wish me luck. Sana yung boss ko kasing yummy ng boss mo! Minus the user and fuckboy part, yung mabait at yummy lang pwede na sa'kin"
Tinawanan ko na lang si Jaycee pagdating namen ng BGC. Ako naman umakyat na sa office.
Hindi ko matignan sa Laura pero binati niya ako, siguro wala siyang kaalam alam.
"Hi, Ethan!"
"Uy, hello" mukhang okay naman siya at hindi broken.
"Sama ka mamaya samen ni Sir Jack?"
Ay, okay na ba sila uli?
"Sige, kayo na lang. Hehe"
"May lakad lang kayo ni Sir Benj eh hehe"
"Hala, wala kaya hehe"
"Samahan mo na ako, pwede naman daw akong mag invite eh."
"Saan daw ba?"
"Condo niya, ayoko kasing mag isa eh. Mamaya.... Alam mo na."
"Haha loko. Tignan ko"
"Ehhhh, sumama ka na!" pangungulit pa niya.
Napansin kong lumabas si Sir Benj sa opisina niya at papunta siya sa may pwesto namen ni Laura. Mukhang good mood at masaya yung gising niya ngayon.
"Ethan, magluluto raw si mama sa bahay mamaya, gusto mong pumunta?" tanong niya.
Iniinvite na naman niya ako sa bahay nila, technically sa kapitbahay lang naman namen pero ang point ko eh, ayoko siyang makasama.
"Ahh, sorry Sir, kakainvite lang sa'kin ni Laura eh. Aalis kami mamaya" sabi ko.
Humawak ako ng mahigpit sa binti ni Laura para umoo siya at ganon naman yung ginawa niya.
"Ahhh.... I see, well, okay sige. I understand" nakangiti pa rin siya pero mukhang pilit na lang. Umalis na siya uli at bumalik sa opisina niya.
"Hello, para saan naman 'yon?" tanong ni Laura.
"Eh, sige na sasama na ako. Gusto ko lang muna lumayo kay Sir Benj"
"Magkaaway ba kayo? Mukhang hindi naman ahh"
"Nako, 'wag ng maraming tanong. Basta!" tumawa na lang siya at humarap na ako uli sa computer.
Ang maganda sa office namen, hindi naka block ang f*******:. Kaya nakapag check muna ako ng account ko.
Ang bumungad lang sa newsfeed ko,
"Bill is now enganged to Josan"
Punyemas! Sa dinami rami ng pwedeng bunungad sa'kin ayan pa! Bakit ba kami friends? Akala ko binlock ko na siya, hindi pa pala! Nakakasira ng araw!
Pero may kurot din ng konti sa puso ko, kasi yung taong akala ko talaga noon na makakatuluyan ko na, pinagpalit din ako sa tunay na babae.
Mukhang nasira yung focus ko dahil sa nabasa ko pero pinilit ko yung sarili kong maging okay.
+++
Sobrang wala ako sa mood maghapon. Ni hindi ko talaga kinakausap yung mga kumakausap sa'kin. Hanggang sa mag out ako. Pero hinarangan ako ni Laura bago pa ako makalabas.
"Akala ko sasama ka?" sabi niya. Napansin ko rin na magkasama na sila ni Sir Jack, inakbayan pa niya si Laura na parang okay na okay sila.
"Tara na Ethan, 'di kita papabayaan doon" sabay kindat sa'kin ni Sir Jack. Syempre, hindi nakita ni Laura 'yon kasi nakaakbay siya.
Napansin ko naman na palabas na rin si Sir Benj noon, kaya sumama na ako kaagad sakanila. Mas gusto kong kasama si Sir Jack ngayon kesa kay Sir Benj. At lalong gusto kong mawala sa isip ko si Bill ngayon kaya ako sasama sa kanila.
Hindi naman siguro ako napansin ni Sir Benj kaya pagbaba namen, dumiretso na kami sa condo ni Sir Jack.
+
Sa pinakatuktok yung condo niya at malaki 'yon! Nagulat din ako na napakaraming tao na kaagad yung nandoon. Parang si Sir Jack na lang hinihintay. Maraming nakipag apiran sa kanya at bumeso na mga babae, pero hindi niya inaalis pagkakahawak niya sa kamay ni Laura.
Ramdam ko yung kilig ni Laura pero ako, una kong nakita yung table na puro alak! Kaya pumunta ako kaagad doon at nag shot ng tatlong baso! Ang sarap! Sobrang tamis pero eto yung mga tipo ng alak na magpapalasing sa'yo kaagad.
"Woah, woah, woah! Tatlo kaagad, Ethan?" si Sir Jack 'yon at pinipigilan niya ako sa pang apat na shot.
"Sorry Sir, problemado lang" sabi ko.
"Ano na naman nangyari?"
Maingay sa condo niya, malakas yung tugtog at magulo rin yung ilaw, kaya medyo nagsisigawan kaming dalawa.
"Wala, gusto ko lang magpakasaya!" tinagay ko pa yung pang apat.
"Ano ba Ethan, sobrang lakas ng tama ng alak na 'yan! Tama na! Hindi mo maeenjoy yung gabi! Baka makatulog ka lang!"
Siguro lasing na ako. Kaagad. Pero siguro, iniisip ko lang na lasing ako para magpakasaya kahit kunwari lang.
'Di ko pinansin si Sir Jack at lumabas ako saka ko nakita yung napakagandang view mula sa itaas ng condo niya. May pool din siya sa labas at marami ring tao doon.
"Ethan, okay ka lang ba talaga?" hila sa'kin ni Sir Jack.
"Oo nga, Sir. Okay lang. Samahan niyo na po si Laura, mas gusto ko po mapag isa ngayon" sabi ko pa.
Tumingin lang siya sa'kin na parang nag aalala pero binalikan na niya si Laura. Ako naman, lumayo ng kaunti para sumilip sa ibaba. Grabe! Ang ganda! Ang taas taas ko ngayon at kitang kita ko yung view ng city!
Malakas yung hangin pero dahil sa alak, hindi ako masyadong nilalamig, parang umeepekto na yung init sa loob ng katawan ko eh.
"Uy, you're too close. Baka ma fall ka, walang sasalo sa'yo diyan" sabi nung lalaki na lumapit sa'kin, namukaan ko kung sino siya.
"Stephen"
"Hi Ethan, bakit nandito ka? Ay oo nga, friends din pala kayo ni Zachary!"
"Ahhh ehhh oo..."
"You look drunk! Nakailang shot ka na ba?" tanong niya pero inalok niya pa ako ng isa pang tagay. Hindi naman ako tumanggi at nag cheers pa kami.
"Ang sarap talaga!!" sigaw ko.
"Woah, easy haha. Tara, let's cool you down"
Bigla siyang naghubad ng Tshirt sa harapan ko! Punyemas, Stephen! Nakita kitang nakahubad sa pictures mo sa sss, nakita ko pa ng harapan!
Napakagat ako ng labi, iba yung dating ni Stephen eh, iba kasi kapag chinito tapos malaki pa yung katawan. Pinkish pa n*****s niya, dafuq, bakit ang perfect ni Stephen?
Naghubad din siya ng pantalon sa harapan ko at nakashort na lang siya. Ang yummy! Sobrang yummy niya talaga!
"Ano? Hindi ka ba maghuhubad?"
"Ha? Ehh.... Anong gagawin natin?"
"Magsswimming. Haha, may iba ka pa bang gustong gawin ng nakahubad tayo?" ngumiti siya at lumiit na naman mga mata niya. Dafuq, ano ba 'tong magttropang 'to.
"Ahhh, hindi kasi ako marunong lumangoy eh"
"Ethan, hindi ka malulunod diyan, at saka mababaw lang 'yan. Tara, oh kung gusto mo, yakap ka na lang sa'kin"
Hindi ako nakasagot, pero bigla siyang lumapit at hinuhubad yung damit ko.
"Bilis, nilalamig na ako! Haha" sabi niya pa. Napilit niya na rin akong maghubad ng damit.
Nakaka intimidate yung katawan ni Stephen. Tinignan niya rin yung suot ko, buti na lang naka short ako ngayon.
"Sexy!" sabi niya.
"Loko!"
"Tara naaaaa!!!" hinila na niya ako at sabay na kaming tumalon sa pool. Akala ko giginawin ako, pero hindi! Ang init ng tubig.
"Puro ihi na ata 'to eh! Ang init!"
"Haha, baliw ka talaga"
Mababaw lang yung tubig pero lumangoy si Stephen papunta sa dulo at bumalik sa pwesto namen. Nginitian niya ako habang inaangat niya yung buhok niya.
"So.... Wala kang ka date? Wala si Benjamin eh" sumandal kaming dalawa sa dulo ng pool.
"Ahh... Wala."
"Bakit hindi ka sumama sa kanya? Di'ba Birthday ng mama niya?"
Ahh! Kaya pala niyayaya niya ako kanina kasi Birthday ng mama niya!
"Hala ka, magtatampo 'yon sa'yo kapag nalaman niyang nandito ka sa party ni Zachary!"
"Eh bakit kasi nagpaparty si Sir Jack sa araw ng Birthday ng mama ni Sir Benj? Eh ikaw, bakit nandito ka?"
"Susunod ako don mamaya! Inuna ko lang dito kasi magtatampo rin yan si Zachary. Mga tropa ko talaga eh, mga pabebe pero malalambot din 'yan pagdating sa mga ibang tropa"
Hindi ako makasagot, medyo nahihilo na kasi ako. Mas nakakahilo pala kapag nasa pool ka. Medyo umiikot na kasi paningin ko at mukhang napansin naman ni Stephen 'yon.
"Nakailan ka na ba? Mukhang babagsak ka na anytime ah?" inakbayan niya ako at napahawak ako sa dibdib niya.
"Ohhh... Lasing ka na talaga. Ang bilis naman, di pa ako nag eenjoy dito ehh" hinila niya ako papunta sa kabilang dulo ng pool at umupo kami roon.
"Salamat, ayokong nakatayo ehh, parang lumulutang din yung mga alak sa loob ng tyan ko" sabi ko pa.
"Hehe, ganon talaga 'yon. Akala ko kasi kaya mo pa kaya dun kita pinunta, medyo okay ka na ba?"
"Nahihilo pa rin ako eh"
Inakbayan niya ako uli at pinasandal sa balikat niya. Fvck, hindi ko inaasahan yung ginawa niya, may mga naliligo rin kasi sa pool at siguradong nakikita nila kami.
"Uy, nakakahiya..." sabi ko.
"Hala, tropa tropa lang Ethan, masyado ka naman haha"
Ako yung nahiya sa sinabi niya.
"Naturally sweet lang talaga ako, at saka hindi naman ako naaawkwardan eh. Unless, ikaw...."
"Medyo awkward lang kasi maraming nakakakita"
"Ohh.... Okay, sorry." tinanggal na niya yung pagkakaakbay ay naupo na uli kaming dalawa.
Natahimik kaming dalawa at umingay lang ng may babaeng lumapit samen ni Stephen. Si Kaye! Pinalapit niya kami ni Stephen para makipagpicture sa kanya.
"Woah! Selfie!!!" sigaw niya sabay alis din kaagad.
Naiwan uli kami ni Stephen doon.
"Lasing na rin yung isang 'yon sigurado! Haha" sabi pa ni Stephen. Nangiti na lang din ako pero alam ko nahihilo na rin ko.
Maya maya tumayo siya at pumasok sa loob, paglapit niya uli sa'kin, may bitbit siyang dalawng shot glass.
"May balak ka bang masama sa'kin para lasingin mo ko ng todo?" tanong ko sakanya.
"Gusto mo bang gawan kita ng masama?" binigay niya yung baso sa'kin pero bago ko pa mainom, biglang may humablot sa baso ko.
Si Sir Jack.
Bigla niyang tinagay yung shot at inabot niya yung kamay niya sa'kin para umahon sa pool.
"Lasing na 'to, penpen. 'Wag mo ng patagayin" sabi ni Sir Jack.
"Eh kaya pa naman niya eh. At saka isa pa sinunod...."
"Stop. Lasing na siya. Halika na Ethan" nung nakatayo na ako, medyo nahilo na naman ako at parang umeepekto na yung alak.
Dinala niya ako sa kwarto niya at doon, tahimik at walang katao tao. Simple lang yung kwarto niya at malamig.
"Bakit ba ang dami dami mong ininom? Ayan, ang aga aga pa, lasing ka na kaagad!"
"Hehe, sorry!"
"Tignan mo yang itsura mo, lasing na lasing ka talaga. Tsk! Nakakainis ha!" medyo malakas yung boses niya, ewan ko, lasing kasi talaga ako. Parang nakatulala lang ako, may naririnig pero lumalabas lang din kaagad sa kabilang tenga.
"Ethan, ano ba? Alas otso pa lang lasing kana!"
"Bakit ba ha?"
"Anong bakit ba? Paano kung may mangyari sa'yo sa labas?"
"Eh ano bang mangyayari?" tanong ko.
"Kahit ano pwedeng mangyari!"
"Eh ano bang gusto mong mangyari ha?"
"Ethan, lasing ka na. Magpahinga ka na muna"
"Hindi, ano muna yung mangyayari?"
"Matulog ka na"
"Ano muna mangyayari?"
"Ang kulit mo naman Ethan eh."
"Ano nga mangyayari?"
"Wala. Magpahinga ka na!"
"Hindi, may mangyayari eh. Ano ba kasi mangyayari?" natatawa ako sa sarili ko kasi para akong tanga pero ang sarap lang sa pakiramdam.
"Gusto mo may mangyari?" medyo maangas yung tanong niya.
"Ayaw."
"Ang gulo mo Ethan!"
"Ano muna mangyayari?"
"Argh!!!!"
"Haha, ayaw!"
"Tumahimik ka na Ethan! Matulog ka na diyan at lalabas na ako, kukuhanan lang kita ng malinis na damit."
"Ano muna mangyayari?"
"Gusto mo talagang may mangyari? Sige eto!"
Sinunggaban niya kaagad ako ng halik sa mga labi ko! Madiin! Hiniga niya ako sa kama at pumatong siya. Wala kong kalaban laban pero ang galing humalik ni Sir Jack. Intimate french kiss pero may something na hindi ko maintindihan.
Panandalian kong minulat mata ko para tignan si Sir Jack pero nakapikit siya habang hinahalikan ako. Hawak niya pa yung mga kamay ko kaya wala talaga akong laban.
"Oh.... Ayan, may nangyari na!" sabi niya. Ganon pa rin yung pwesto namen pero nakangiti na siya.
Para naman akong nabuhusan ng tubig sa ginawa namen kaya natulak ko siya bigla at napahiga siya sa tabi ko.
"Sorry, busy pala kayo rito" hindi si Sir Jack nagsabi non. Tumingin ako at bukas na yung pinto.
Nakatayo si Sir Benj doon at kitang kita niya yung ginawa namen ni Sir Jack.