Nagising ako sa ingay ng laro na nanggagaling sa PS4. Pag mulat ko ng mata, nakita ko si Butchok at Sir Jack na naglalaro. Nakatalikod silang pareho sa'kin pero mas napansin ko si Sir Jack kasi nakahubad siya.
Ano ba 'to! Bakit ang hot niya kahit nakatalikod? Batak na batak sa gym yung katawan niya.
"Gising na Kuya mo oh!" biglang sabi ni Sir Jack. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya.
"Kuya! Tara, alis daw tayo sabi ni Kuya Boss!" sabi ni Butchok.
"May pasok ako eh. Sa sabado na lang"
"Papasok ka pa eh alas dyis na?" sabi ni Sir Jack. Nagpanic ako at nagmadaling tignan yung oras at tama nga si Sir Jack, lagpas pa nga ng alas dyis.
"Bakit hindi mo ko ginising?!"
"Eh ang cute mo kaya matulog. Haha di'ba Butchok?"
"Haha, opo, tinititigan ka ni Kuya Boss kanina habang natutulog. Ang dami mo nga pong picture sa phone niya eh."
'Di ko pinansin yung sinasabi nila kasi nagbabasa ako ng texts ni Sir Benjamin sa'kin.
"Late ka?"
"Hindi ka papasok?"
"Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?"
"Ethan!"
"Uy"
"Sino 'yan? Si Benjamin?" tanong ni Sir Jack.
"Opo, hinahanap ako."
"Hala, hayaan mo na 'yan. Memo lang naman 'yan eh haha akong bahala sa'yo!" tumayo siya at lumapit sa'kin.
"Bakit ka kasi hindi gumising, nasarapan ka siguro kasi katabi mo ko 'no?" bulong niya sa'kin.
"Kapag narinig ka ni Butchok, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo!" bulong ko rin sa kanya.
"Haha, ang sarap mo pala katabi 'no? Hindi ka magulo. Siguro mas masarap kang maka...."
"Kuya! Papasok ka pa?" bago matapos ni Sir Jack sinasabi niya, sumingit si Butchok.
"Ano ka ba Ethan, dadaan sa'kin 'yang pag absent mo! Ako ng bahala sa'yo, 'wag mo ng alalahanin 'yon. Umalis na kayo ng kapatid mo," sabi pa ni Sir Jack, this time naririnig na ni Butchok 'yon.
"Oo nga Kuya! Turuan mo ko mag bike Kuya!" sabi pa ni Butchok.
"Ha? Eh wala ka namang bike ah?"
"Edi bibilhan natin siya ngayon ngayon na! Magbihis ka na kaagad, bibili na tayo!" tumayo si Sir Jack at nagbihis.
"Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong manloloko? Niloloko ba kita? Dali na, Butchok, mag ready ka na rin!" natuwa si Butchok at nagmadaling tumakbo sa kwarto niya.
Ni lock naman ni Sir Jack yung pinto at naghubad uli ng damit sa harapan ko.
"Bakit ka pa naghubad?" tanong ko.
"Wala, inaakit kita. Ayoko kasi sa harapan ni Butchok eh" lumapit siya sa'kin at inakbayan ako.
"Well, hindi ako naaakit, magbibihis na ako at tatawag muna ako kay Sir Benjamin"
"Haha, akala ko may effect ako sa'yo well, I'll try harder soon."
Pero deep inside, iba yung dating ni Sir Jack, nakakaakit talaga siya lalo na yung amoy niya na bagong gising. Lalaking lalaki. Ang sarap.
Lumabas muna ako para tumawag kay Sir Benj at sinagot naman niya kaagad 'yon.
"Ethan! Anong nangyari, nasaan ka?" bungad niya.
"Sorry Sir, tinanghali kasi ako ng gising. Nasa bahay ako ngayon."
"Akala ko kung ano na nangyari sa'yo, may sakit ka ba?"
"Ahh wala po. Talagang tinanghali lang talaga"
"Tsk. Okay sige, gawan na lang kita ng leave report. Ako ng bahala doon."
"Talaga Sir, Salamat po!" sagot ko.
"No problem."
Ibababa ko na sana yung tawag kaso bigla siyang nagsalita.
"Uhm.... Pwede ka ba bukas? Labas naman tayo."
Shet, eto na naman si Sir Benj. Okay Ethan, humindi ka.
"May lakad po kasi ako Sir"
"Ahh. Kasama naman natin si Sir Miggy at Cielo, gusto raw tayo makita"
"Ahhh ganon ba? So... Magpapanggap tayo?"
"Hmm... Oo sana? Kung okay lang sa'yo?"
Naiimagine ko yung itsura ni Sir Benj na nakangiti na naghihintay ng oo ko, pero parang ang assuming ko sa part na 'yon.
"Sige sir. Nangako ako hanggang sa makuha mo yung deal di'ba? Sige po"
"Yes!!" sigaw niya "I mean... Okay, good. So tomorrow then, after shift okay?"
"Yes Sir"
"Okay, have a nice day" sabi niya pa at saka ko binaba yung tawag.
"Aba aba aba, ano yung narinig ko na magpapanggap na naman?"biglang sabi ni Sir Jack sa likod.
"Ayy, bakit ka nakikinig?"
"Narinig ko lang! So.... Back to Benjamin ka na ba?" tanong niya.
"No, committed lang ako. At isa pa, nakakalimutan ko na ng konti si Sir Benj. Thanks to you!" sabi ko pa.
"Ohh... I'm a big help pala. Well, that's me, taga tulong lang makalimot sa iba pero ako eto, sawi pa rin"
"Haha ang drama mo naman!" pero bago siya makasagot, dumating na si Butchok at nakabihis. Seryoso nga si Sir Jack na bibilhan niya ng bike si Butchok. Ginamit namen yung sasakyan ko at si Sir Jack na yung nag drive.
++
Hindi ako naiinlove kay Sir Jack, siguro natutuwa lang na ganito siya ka sweet sa kapatid ko at syempre naaapektuhan ako. Malinaw kasi sa'kin na wala lang 'to at kahit "nilalandi" niya ako, tinatawanan ko na lang siya.
Maghapon lang namen tinuruan si Butchok mag bike at mabuti naman kasi natuto siya. Hindi niya lang kaya ng mabilis.
Medyo madilim na kaya napagpasyahan na nameng pumasok sa bahay, nagluto naman si Manang ng makakain namen tapos si Butchok pinaglinis ko na ng katawan.
"Pwede bang magtanong, Ethan?" tanong ni Sir Jack.
"Ano 'yon?"
"Nasaan yung parents mo? Parang hindi ko nakikita eh"
"Oh...." hindi naman ako nakasagot.
"Sorry kung too personal, hehe. 'Wag mo na lang sagutin. Teka lang mag CR lang ako ha?" sabi niya at hindi na niya ako hinintay makasagot saka siya nag CR.
Naghain na rin ako para kumain pero may kumakatok sa bahay at nagmadali naman ako para buksan.
Nagulat ako ng makita ko si Sir Benj na may dalang pizza! Mukhang dito siya dumiretso galing office.
"Ethan! Hello." ang casual ng bati niya. Nakangiti siya at mukhang good mood.
"Ohhh... Hi, Sir..." nagulat pa rin ako.
"Dadaan kasi ako kay mama, pero naisip kong dumaan muna rito. Nandiyan ba si Butchok?" pagkasabi niya non, biglang lumabas si Butchok at natuwa rin nung nakita si Sir Benj.
"Uy Kuya Pogi!!" bati ni Butchok.
"Uy! Kumain ka na ba? Ohh, nagdala ako ng pizza!"
"Wow, salamat Kuya Pogi, pasok ka po dali!" hinila niya papasok si Sir Benj.
Sakto naman, lumabas din si Sir Jack sa banyo pero nagulat na naman ako, bakit nakahubad lang si Sir Jack?
Nagkatinginan yung dalawa.
"Benjamin?"
"Oh, andito ka pala Zachary..." medyo awkward yung tono ng boses niya.
"Oh.. Bakit ka nandito?"
"Uhm... Nagdala ako ng pizza ka Butchok... Eh ikaw?"
"Tinuruan ko siya mag bike maghapon"
"So kanina ka pa nandito?"
"Hindi po Kuya Pogi" sumingit si Butchok "kahapon pa po siya nandito. Dito na po siya natulog!"
Natahimik naman si Sir Benj. Nagdadamit na rin si Sir Jack nung mga oras na 'yon.
Humarap naman si Sir Benj sa'kin at hinila niya ako palabas ng bahay.
"Kayo ba ni Zachary?" medyo seryoso na yung tono niya.
"Ha... Hindi..."
"Magkasama kayo magdamag, maghapon, hindi kayo? Palagi kayong magkasama nung mga nakaraang linggo, hindi kayo? Nilalayuan mo ko para sa kanya. So siya dine date mo?"
"Hindi nga. At bakit ka ba nagagalit? Ano bang problema mo?"
"Ano ba Ethan! Nakakainis ka naman eh. Sagutin mo naman ng totoo! Kung kayo ba talaga?!" medyo pasigaw na siya ngayon.
"Ano ba, hindi ko dapat sinasabi sa'yo ang lahat!"
"Sabihin mo na kung kayo, Ethan!!"
"Oo nag de date kaming dalawa!" si Sir Jack yung sumagot at palapit siya sa'ming dalawa.
Umakbay si Sir Jack sa'kin na parang pinoprotektahan niya ako.
"Anong ibig sabihin neto, Zachary? Bakit mo ko tinatalo?!" tanong ni Sir Benj.
"Dude, wala akong tinatalo! He was never yours from the start!"
"Oh yeah, but I told you di'ba?!"
"No you didn't! At isa pa, you're trying to reach Sophie for the past few days kaso iniisnob ka niya kaya si Ethan nilalapitan mo. Hindi Option si Ethan na kapag hindi mo nakuha si Sophie, lalapit sa kanya!"
"What the f**k are you talking about? Yeah, I'm trying to reach Sophie pero that does not mean na ginagawa kong option si Ethan!"
"He's a good man, he's a good brother. Kung anong binabalak mo, sana 'wag mo ng ituloy"
"Masasapak na naman kitang bwisit ka eh! Ano bang sinasabi mo?! Fine! Then so be it! Kayo na, magsama kayo!"
Tinignan lang ako ng masama ni Sir Benj saka siya sumakay sa sasakyan niya at umalis.
"Bakit niyo naman kailangan mag away?" sabi ko kay Sir Jack.
"Doon din pupunta 'yon, inunahan ko lang."
Hindi ko alam magiging reaksyon ko sa ginawa ni Sir Jack. Pinakalma ko muna sarili ko bago ako pumasok sa loob.
++
Hinanda ko na sarili ko kung magagalit sa'kin si Sir Benj ngayong pagpasok ko sa office, pero imbis na pagalitan niya ako, silent treatment na naman yung nangyari at maghapon niya akong hindi pinansin.
Mag oout na sana ako ng kausapin niya ako.
"Are we still good? Tuloy pa ba lakad natin?" tanong niya.
Hay nako, ang bait na naman niya at parang walang nangyari kagabi.
"Hmm.. Kayo, Sir."
"Ofcourse, ready naman na lahat eh ikaw lang hinihintay ko"
Nakangiti siya na parang walang nangyari talaga kagabi kaya pumayag ako sa kanya. Buti na lang may damit ako sa office at ayon ang sinuot ko.
Narinig ko naman na pumasok si Sir Benj sa kwarto.
"Hey, are we okay?" bigla niyang tanong.
"Opo, sasama na nga ako di'ba?"
"No, I mean what happened yesterday. Masyado akong.... Nagulat sa nalaman ko."
Pinili ko na lang na hindi sumagot.
"I know napaka moody ko lately pag dating sa'yo pero sana 'wag mong isipin na may ginagawa akong masamang plano sa'yo. Wala Ethan."
Natahimik lang uli ako at nung nakabihis na ako, humarap ako sa kanya ng nakangiti at sinabing "tara na, Sir!" ngumiti rin siya sa'kin at bumaba na kaming dalawa.
+
Dinala niya ako sa isang napakagandang restaurant. Hindi ko alam kung saan 'to pero ang ganda ng datingan. Sobrang classy at may background music na nakakarelax.
"Nandito na raw ba sila Sir Miggy?" tanong ko.
"Wala pa hehe. Halika." pinaupo niya ako at magkaharap kaming dalawa. This time, nakangiti siya sa'kin. Ewan ko kung nagpapacute o ano pero talagang nakatingin siya sa'kin.
"Bakit po?" tanong ko.
"Wala lang. Namiss kasi kita eh"
Ayoko ng ganitong feeling eh. Ayun lang sinabi niya pero kinilig ako kaagad.
"Uhm.. Order na tayo." sabi ko na lang.
Inusog niya yung upuan niya at nakitabi sa'kin.
"Bakit po kayo tumabi?"
"Titignan ko rin yung Menu"
"Pero meron naman kayo Sir..."
"Ayoko don, gusto ko share tayo"
Bakit ba ang clingy netong tao na 'to?
Nagkadikit yung braso namen at parang nakuryente ako sa nangyari! Parang.... May spark.
Bigla naman niyang kinuha yung phone niya at tumayo saglit para sagutin 'yon.
Argh! Wala pang nangyayari pero kinakabahan na ako. Parang mababaliw na kaagad ako, ilang linggo ko siyang iniwasan tapos ngayon eto, magkasama kaming dalawa.
Bumalik siya na malungkot yung expression.
"Hindi na raw makakapunta sina Sir Miggy at Cielo..." sabi niya.
"Ay, ganon ba..."
"So, gusto mo pa bang ituloy 'to?" tanong niya.
Oo, gusto ko. Pero di'ba iniiwasan ko siya? Kaya humindi ako sa kanya.
"Ah, I see. Halika na, hahatid na kita sainyo" sabi niya uli. Tumayo na kami at lumabas, parang sira lang kami na pumasok at lumabas sa restaurant na 'yon.
Tahimik lang siya habang nagddrive ng bigla siyang huminto na kinagulat ko.
"Ethan, tignan mo!" turo niya sa labas. mga streetfoods at ihawan yung tinuro niya.
"Anong meron, Sir?"
"Nagugutom kasi ako eh. Kain muna tayo?hehe"
"Hala, natuwa ka sa streetfoods noon?"
"Haha oo eh. Halika na, 'wag ka na maarte!" lumabas siya sa sasakyan at pinagbuksan niya ako sa labas. Hinawakan niya yung kamay ko at nagmadali siyang pumunta sa mga pagkain.
Para siyang bata, napaka simpleng Sir Benjamin naman nakikita ko ngayon. Tuwang tuwa talaga siya habang kumakain kaya nadadamay ako sa ngiti niya.
Panandalian kong nakalimutan na kinakalimutan ko siya at ineenjoy ko muna yung napakagandang ngiti niya.
+
Umupo kami sa gilid habang kumakain, konti lang naman yung tao at ang tahi tahimik sa lugar na 'yon, medyo malamig pa kaya naman pinahiram niya uli sa'kin yung suot niyang coat.
Naalala ko naman yung ganitong moment namen sa BGC.
"Salamat po" sabi ko.
"Alam mo ba?" ayan ang sinabi niya.
"Ano po?"
"Totoo na tinatawagan ko si Sophie nung mga nakaraang araw kaso hindi niya sinasagot"
Mukhang gusto niya ng seryosong usapan.
"Eh bakit kasi tinatawagan mo siya?" tanong ko.
"Ewan ko rin eh. Alam ko naman na hindi niya sasagutin pero umaasa ako"
Totoo ngang mahal niya pa si Sophie.
"Pero seryoso Ethan, bakit ka lumayo sa'kin nung mga nakaraang araw? Dahil ba kay Zachary?"
Gusto ko sanang magsinungaling kaso mukhang seryoso talaga siya ngayon.
"Yung totoo po, kasi galit ako sainyo" sabi ko.
"Hala bakit?!"
"Hehe, wala naman po. Hinalikan niyo kasi ako."
"Huh? Ang tagal na non ah?! Ayun pa rin issue mo?"
"Hindi po, nung lately lang. Okay nga po nung una eh"
"Wait, kailan 'yon? At nag enjoy ka?" medyo nakangiti siya nung tinanong niya 'yon.
"Nung lasing ka po tapos binibihisan ko kayo, hinalikan niyo ako noon tapos bigla niyong binanggit si Sophie"
Natahimik siya pero mukhang nagtataka pa rin siya na naghalikan kaming dalawa.
"Seryoso? Hinalikan kita?"
"Opo, tapos simula non.... Ewan, lumayo ako."
"Nagselos ka ba or what?"
"Hindi ko po alam. Sabi ko po kasi noon hindi ako maiinlove sa'yo kasi alam kong wala tayong chance, pero ewan.... Mahina pala ako pag dating dito."
Hindi siya uli sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit umaamin ako sa kanya ngayon.,
"May sasabihin pala ako sa'yo" ayun yung sinagot niya.
"Ano 'yon Sir?"
"Hindi naman talaga nakikipagmeet si Sir Cielo at Miggy. Ako lang may gustong makasama ka ngayong gabi"
Napatingin ako sa kanya tapos nakangiti lang siya.
"To be honest, hindi ko alam kung nagseselos ako kay Zachary. At alam kong nagkita kayo ni Stephen at nakwento niya yung pagdadrama ko sa kanya. Oo, umiiyak ako sa'yo Ethan and I really don't know why!"
"...."
"Nung 3 weeks na halos 'di mo ko pinansin, halos magdamag akong nagisip kung anong nagawa ko sa'yo para magbago ka sa'kin pero I really had no idea. Pero ngayong sinabi mo na, atleast makakatulog na ako na maayos"
"Hehe tapos ikaw naalala mo pa yung inuman sa condo ni Sir Jack? Hinalikan mo yung dalawang babae!"
"Haha, inaasar lang kita non, nakakainis nga eh hindi ka naasar. Gusto kasi kitang halikan non."
Eto na naman siya.
"Sir Benj...."
"I'm serious Ethan. I wanna kiss you so hard that night, even now, wala akong paki kung sino makakakita sa'tin, ang gusto ko lang mahalikan ka ngayon!"
Mukhang 'di ko na kakayanin pa kapag nagpatuloy yung usapan namen kaya tumayo ako pero pinigilan niya ako.
"Sinasabi ko nararamdaman ko ngayon Ethan, please listen" pakiusap niya. Pinipilot kong kalmahin sarili ko para sa mga mangyayari.
"Ako yung tipo ng boyfriend na sobrang attached. Once I'm committed kasi, sobrang seryoso ko na. One woman man kasi ako and I really take relationship seriously"
"Sino namang hindi di'ba?" sagot ko.
"I know. And isa pa, sa tuwing naaalala ko yung nagpapanggap tayo non kina Sir Miggy at Cielo, sobrang napapangiti ako. Sa tuwing naiisip kita, napapangiti ako"
Tinitigan niya ako sa mga mata at nakita kong binasa niya yung labi niya gamit dila niya.
"I really don't know what's going on with me, all I know is that I want to see you everyday. I wanna be with you and I really really wanna kiss you"
Straight forward, heartfelt, every words. Ramdam na ramdam ko. Seryoso siya at hindi siya nagloloko.
"Nung inakbayan ka ni Zachary kahapon, hindi ko maexplain yung sakit. Ang sakit pala na makita ka sa iba"
"Sir Benj.... Please stop. Sabi ko di'ba noon na 'wag kang magsalita ng ganyan? Ng mga bagay na sweet na nagpapaasa sa'kin?"
"Please, hindi kita pinapaasa. Sinasabi ko totoong nararamdaman ko, and... I think...."
Sasabihin niya kaya? Kinakabahan ako.
Naramdaman kong hinahawakan niya yung kamay ko at wala akong kalaban laban na humawak sa kamay niya. Dahan dahan niyang nilapit mukha niya sa'kin at hinalikan ako sa labi.
Hindi ko inaasahan 'yon! Pero isang madiin na halik lang 'yon at tinanggal niya rin kaagad.
"I like you Ethan, Ako na lang please?"