Part 23

2641 Words
Ang awkward lang nung hinatid ako ni Sir Benj hanggang sa bahay, wala naman akong choice kasi wala akong dalang sasakyan. Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa paglabas ko ng kotse niya. Pero bumaba rin siya at pinigilan muna ako sa pag pasok. "Sana nag enjoy ka," sabi niya pa. Tahimik lang uli ako at ngumiti. "I'll take that smile as a yes." Ngumiti lang uli ako. "Please stop smiling like that, baka sunggaban uli kita ng halik" "Ahhh ehh... Sige po papasok na ako, salamat po uli" ayun na lang sinabi ko at nagmadali na akong pumasok at umakyat sa kwarto ko. Sumilip pa ako sa baba kung nandun pa buti na lang wala na siya. Humiga ako sa higaan ko at nag isip. Anong nangyari? Bakit biglang ganon? Totoo ba talaga yung sinabi niya? Ang sabi niya totoo pero.... Straight siya. Ibig sabihin ba hindi siya straight? Hinalikan niya ako, gusto ko pa ng isa pero straight siya. Ano ba talaga Ethan? Ano ba 'tong pinasok mo? Maya maya, pumasok si Butchok sa kwarto ko at mukhang bumangon lang siya para mag CR, tumabi siya sa'kin at yumakap.   Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niya na 'siya' na lang. Sobra akong naguguluhan. Kailangan kong makausap si Jaycee, siguradong siya lang makakaintindi sa'kin pero mukhang galit siya sa'kin, ilang araw na rin kaming hindi nag uusap na dalawa. Sinubukan ko muna siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Argh, gusto ko ng kausap! Para na akong mababaliw. Halos isang oras na rin ako nakahiga at nag iisip. Bumangon muna ako para magpahangin sa labas. Bigla namang tumawag si Sir Benj sa'kin. Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi, pero mas namutawi yung kalandian ko kaya ko sinagot yung tawag.   "Nasa condo na po ako" sabi niya. Shet, yung 'po' niya yung nagdala. "Oh, bakit inaupdate mo pa ako?"   "Wala lang, gusto ko lang...." Tahimik.... Tahimik.... "Miss na po kita kaagad" sabi niya pa. "Sir Benj... Hindi pa po nagsisink in sa'kin yung nangyari. Pwede po bang... Hinay hinay muna?" "Hehe, sige po." "At ikaw ang boss ko, kaya dapat ako yung nag po po." "I always treat my partner as my boss. Maybe I'm your boss sa office but in real life, ikaw ang boss." Tanginaaaa. Ayoko na. Nasayang yung pag iwas ko sa kanya ng ilang linggo kasi bumalik lahat, hindi lang bumalik, nadagdagan pa. Umaasa na naman ako. Sino ba naman kasing hindi aasa sa ganitong boss? "Uhm. Sir, matutulog na ako" "Okay, sige sige po. Ako rin, sabay na tayo?" Ganyan na ganyan si Bill sa'kin noon. At ganyan ang trato ng isang tao sa taong mahal niya. Nakakainis naman kasi si Sir Benj eh! "Goodnight" "Goodnight, honey" sagot niya. Napangiti niya ako sa huling pagkakataon at umakyat na ako sa kwarto ko uli. Siguro, kailangan ko lang enjoyin lahat ng 'to. Nung nakahiga na ako uli, nagtext pa siya sa'kin ng napakahabang text. "I know it's so sudden but what I told you today, all of it, it comes from my heart. Totoo 'yon at walang ibang dahilan. I don't wanna sound malandi or what, pero sana hindi pa kayo ni Zachary para may chance pa ako sa'yo. Again, Goodnight honey. I miss your lips, hope to taste it again tomorrow. " Sa sinabi niyang 'yon, parang willing na akong magpakatanga. Willing na ako mag risk. Willing ako para sa kanya. Para kay Sir Benj. +++ "Gising ka na?" ayan ang unang text na nabasa ko pag gising ko galing kay Sir Benj.   "Kakagising lang." sagot ko.  "GoodMorning honey " Fvck, ang gwapo niya sa sinend niyang picture!! Bagong gising pero ang gwapo gwapo! "Hala bakit may picture? " tanong ko. "Haha, pag tingin ko kasi sa salamin kanina parang iba yung aura ko, naalala ko pala na hinalikan kita kagabi tapos ayun, kaya siguro maganda gising ko " "Hehe, ewan ko sa'yo " feeling ko ang pabebe ko sa part na 'yon. "Sige na, mag aasikaso na ako. See you today boss " reply niya pa. Nalunod na ako sa katangahan ko at pagpapakilig niya at wala akong paki roon. Hindi ko na siya nireplayan noon at nag asikaso na rin ako. ++ 'Pag pasok ko ng office, pasimple akong sumilip sa opisina ni Sir Benj kung nandon na siya pero ang sabi ni Laura, lumabas daw siya. "Ikaw ha! Hinahanap hanap mo na si Sir Benj!" bulong ni Laura sa'kin. Sasabihin ko ba yung totoo? Siguro mas okay na na kay Jaycee ko unang sabihin.     "May ibibigay lang ako sa kanya hehe. Eh ikaw? Kumusta kayo ni Sir Jack?" iniba ko kaagad yung topic. Napatingin siya sa paligid namen at may binulong siya sa'kin. "Wala akong balak pagsabihan neto, Ethan pero ikaw lang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat" mukhang excited na siyang sabihin sa'kin. "Sige, ano ba 'yon?" "May nangyari na sa'min kagabi!"     Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Grabe, ang bilis talaga ni Sir Jack! At doon ko rin napatunayan na talagang straight siya at biro biro lang yung sa'ming dalawa. "Nice." ayun na lang nasabi ko.   "Nakaka excite nga na nakakatakot eh" aba mukhang balak pa idiscuss kung paano nila ginawa.     "Masakit di'ba? Haha" ewan ko bakit gusto ko rin makipagkwentuhan ng ganito kay Laura. "Nung una oo, eh ang laki kasi Ethan. First time ko makakita ng ganon! Nung una maliit lang pero grabe lumaki!"   Nakakatuwa yung pagka inosente ni Laura at kung paano niya sabihin sa'kin 'yon. "Haha, talaga?" "Oo Ethan. At grabe... Nag enjoy talaga ako haha. Shhhh ka lang ha? Wala akong sinabihan kahit kanino, sa'yo pa lang." "Hehe sure. 'Wag kang mag alala" sabi ko pa. Pagkatapos ng kwentuhan namen, natrabaho na uli kaming dalawa.   + Lunch na pero hindi pa rin bumabalik si Sir Benj! Tinawaga naman ako ni Stephen at sinabi niyang mag lunch daw kaming dalawa. Pumayag namn ako kasi gusto ko rin makipagkwentuhan tungkol kay Sir Benj. Asusual, sa Mozu kami kumain, simple lang suot niya, white shirt at maiksing short.   "Sorry, kakatapos ko lang mag gym!" sabi niya.     "Ayos lang. Oh bakit mo pala ako tinawagan? Pwede naman si Sir Jack"   "Eeehhhhh puro babae lang naman pag uusapan nameng dalawa. Ikaw na lang, feeling ko kasi may mapipiga ako sa'yo eh haha" "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Sus Ethan, alam mo!" ngumiti siya na parang may alam. Siguro nakwento na kaagad ni Sir Benjamin yung ginawa niya. "Alam mo na? Hala. Medyo nakakahiya nga eh. Hindi ko naman alam na magtatapat siya ng ganon" "Oh sht. So, sinabi niyang may gusto siya sa'yo?!" "Akala ko ba alam mo na?"   "No haha! Sabi ko na nga ba may masasagap akong chismis sa'yo eh haha"   Sht. Nakakahiya. Nahuli na naman ako dahil sa bungangang 'to.   "Details, please?" sabi niya pa.   "Napaka chismoso mo pala 'no?" "Haha, not really. I'm really interested with your story kasi. And I know, sasabihin na sa'kin ni Benjamin 'yan mamaya so might as well, ikaw na magkwento" "Ayoko, ikaw na lang magtanong!" "Okay, sasabihin ko sa kanyang sinabi mo sa'kin. You keep bragging and bragging haha"   "What? No! 'Wag!" "Either ikaw magsasalita o ako magsasalita. Haha, Ethan, hindi ka mananalo sa'kin! So ikaw na magkwento!" Nakakainis din 'tong si Stephen eh pero wala akong nagawa at kinwento ko sa kanya yung nangyari kagabi. "Holymaderpak! Haha, that's cheesy tho!" "Huwag mo naman sabihin please?"   "Ofcourse I won't, but tell me, nag enjoy ka ba? I mean.... You really like him?" 'Di ako nakasagot kasi guilty ako. At napangiti na lang ako.   "Look at you. Sobrang kinikilig ka haha. Sayang, type pa naman kita ng konti pero sige, okay din naman si Benjamin"     Dafaq, totoo ba yung narinig ko? "Where's Benj pala? Hindi ko siya macontact eh" sabi pa ni Stephen.   "Lumabas daw. Hindi pa nga bumabalik eh" "So... Hindi pa kayo nagkikita today?"   "Hindi pa," "Good. 'Wag mong sabihin na nakipagkita ako sa'yo ah?"   "Bakit naman?" "Basta hehe." Fvckboy din datingan netong si Stephen eh. Mana kay Sir Jack, pero si Sir Benj siguro medyo lang. +    Wala pa rin talaga si Sir Benj, malapit na akong mag out pero hindi pa rin siya bumabalik. Ni hindi nga nagtetext eh. Nakkainis, bakit ako umaasa sa text niya? Pero bakit nga ba kahit isang text hindi niya nagawa. Naiinis ako na nalulungkot pero hello, hindi naman kami. Pero nakkagalit. Ewan ko. Parang pinapaasa niya ako. Pero baka busy lang kaya ganon. Pero isang text lang? Bakit hindi magawa? Iniisip ko pa rin siya paglabas ko ng office at nakita ko si Sir Jack at Laura na magkasama. Nakaakbay si Sir Jack habang nakayakap si Laura. Nung makita ako ni Sir Jack, kinindatan niya lang ako. Isa pa talaga 'to, leader ng fvckboys.   Hanggang sa pag punta ko ng parking lot, wala pa ring text o paramdam. Hindi ko na napigilan sarili ko at tinext ko na siya. "Bakit ba hindi ka nagtetext? Kanina ka pa wala ah?" sabay send. Bigla akong nabwisit sa sarili ko bakit ganon yung text ko?! Parang jowa na yung dating ko.   Hinagis ko na yung phone ko sa likod ng sasakyan at nag drive pauwi.   Paglabas ko lang ng parking lot, nakita ko si Jaycee at mukhang nag aabang ng sasakyan, nagmadali akong magpark sa harap niya. "Bes!" sabi ko. Napangiti lang siya pero hindi siya sumakay sa sasakyan ko.   "Umuwi ka na bes, may pupuntahan pa ako" sabi niya. "May problema ka ba? Baka gusto mong ishare sa'kin?"   "Nope, I'm good." alam ko may mali at talagang ayaw niya lang magkwento. "Bes....." "Oops, sorry bes, nandito na sundo ko" may pumaradang sasakyan sa tabi ko at lumapit si Jaycee roon at sumakay. Napansin ko rin na parang hirap siyang maglakad. Ano kayang nangyayari sa kanya? Gusto ko sana sundan yung sasakyan pero ang bilis magpatakbo eh kaya nauna na lang akong umuwi sa bahay. Alasais ako nakauwi ng bahay at dumiretso kaagad ako sa kwarto, naglaptop at napagpasyahan kong manuod ng movie. Kaso naiwan kong nakabukas yung sss ko at nung tumawag si Sir Jack sa'kin sa sss via video call, sinagot ko naman kaagad. "Hi babe" sabi niya. Fvck, nakahubad lang si Sir Jack at naka boxer shorts! Hindi ko alam kung may underwear siya pero bakit wala siyang damit!! "Babe ka diyan!" "Haha umaayaw ka pa rin ah. Kailan ba magiging totoo na babe kita?" Hindi ako sumagot at tumawa lang. "Haha, so here's the thing. Gusto ko na makipaghiwalay kay Laura" sabi niya. "What? Agad agad? Matapos mong makuha yung gusto mo sa kanya hihiwalayan mo na?!" "Oh. So alam mo pala?"   "Nakwento niya...." "Haha no, I'm not that bad. Ayoko na kasi. After that s*x sobrang clingy niya, to the point na.... Argh, I don't know, something's wrong and I really don't know what that is"   Gwapo nga, yummy nga, pero s*x lang naman habol, wala rin. "Masaya lang yung babae kaya ganon." "I know naman, kahit naman siguro sinong makatikim sa'kin, magiging masaya di'ba?"   "Woah, ang hangin!" "Haha, kidding aside, nabanggit niya kasi yung word na "kasal", at napaisip ako, I'm not yet ready at walang walang walang wala pa sa vocabulary ko 'yon."   "Baka naman nagbibiro lang?" "Biro or not, hindi ko nagustuhan 'yon. Casual lang naman kami at wala akong balak makipag relasyon!"   "Hindi ba kayo?"   "Well as far as I know hindi haha. Pero siya lang naman dine date ko kaya gusto ko ng tapusin 'yon!" "Please, 'wag? I mean, may chance naman eh. Nabotherd ka lang sa sinabi niya kaya mo nararamdaman 'yan. Pero kung sasabihin mo sa kanya na ayaw mo ng ganong biro, mas magiging okay kayo."   "Alam mo Ethan, siguro kung naging babae ka, matagal na kitang pinakasalan haha."   "Focus. 'Wag kang ganon, Jack. Hindi sa lahat ng oras kukuha ka ng bulaklak tapos itatapon mo lang kapag bulok na sa paningin mo" "Whatdafaq Ethan haha. That's deep but I understand. Napapaisip tuloy ako haha, thanks!" sabi niya. "No problem" sabi ko sabay ngiti. "Ang tagal mo naman maghubad. Maghubad ka na rin, ready na ako oh" bigla siyang nag flex sa cam at aaminin ko, na arouse ako ng slight. Sobrang hot naman kasi talaga ni Sir Jack "Ewan ko sa'yo haha"   "Haha, ako ang boss mo kaya sumunod ka haha" Boss. Naalala ko si Sir Benj! Hinanap ko kaagad phone ko at naalala ko nasa sasakyan pa pala. Nagmadali na akong nagpaalam kay Sir Jack at bumaba para kunin yung phone ko.   Pero nagulat ako ng may makita akong tuta na nilalaro ni Butchok! Sobrang cute at pati ako natuwa! Sobra talaga akong napangiti.    "Butchok! Ano 'yan? Saan mo nakuha 'yan?" medyo nagalala ako. "Kay Kuya Pogi po!" Kuya Pogi? Si Sir benj?   Biglang pumasok si Sir Benj at may kulungan at tali. "Ethan!" sabi ni Sir Benj. Naka office attire pa rin siya ngayon.     "Sir Benj, anong ginagawa niyo...."   "I'm calling you pero hindi ka sumasagot." Naexcite si Butchok sa aso. Kinuha niya yug kulungan at tinabi.   "Ayoko po na ikulong, dito na lang po siya sa loob ng bahay palagi!" sabi pa ni Butchok. "Osige, ikaw bahala!" sagot naman ni Sir Benj. Napatingin siya sa'kin at sumenyas na kausapin niya ako sa labas. Sumama naman ako. "Galit ka ba?" tanong niya.   "Ha? Hindi ah"     "Eh bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" "Ehhh naiwan ko kasi sa sasakyan phone ko." "Ahh.. Sorry din kasi meeting 'yon eh. Ako pinapunta ni Zachary kasi may gagawin daw siya."   "Ahhh...." medyo awkward yung silence pagkatapos. "Ayon na yung dog mo. Nagustuhan mo ba?"   "Sobra! Corgi 'yon di'ba? Sobrang cute!!" sabi ko. "Sino mas cute sa'min?" "Syempre si Corgi!" "Ahhh so Corgi ipapangalan mo?"   "Hindi. May naisip ako na maganda!" sabi ko.   "Osige, ano 'yon?"   "Benjie!"   "Bakit pangalan ko pa?" "Eh kasi ikaw nagbigay eh!" "Ay edi sa tuwing hahalikan mo si Benjie, ako na rin hinahalikan mo? Haha ikaw honey ah, willing naman ako na gamitin mo labi ko 24/7 ehhh ginamit mo pa yung aso para magparamdam. Tsk." "Hoy hindi ah!!"   "Haha 'wag ka na magpaliwanag haha alam ko naman ehh" 'Di ako nakasagot kasi kinikilig ako sa kanya at feeling ko kitang kita niya na namumula ako.   "Gusto kong pangalan niya hmmm... B.E"   "B.E?"   "Baby natin 'yan eh, short for Benjamin Ethan. B.E" Fvck naman!  "Pero sorry talaga. Ni hindi ako nagtext sa'yo, feeling ko tuloy galit ka. Nabasa ko pa yung text mo na parang galit." "Hala. Hindi talaga.... Okay lang." "Sayang, mas gusto ko ngang galit ka para susuyuin kita eh"   "Sir Benj naman...." "Why? Hindi ka pa rin ba sanay?" Umoo ako. "I understand, gagawa ako ng paraan para mawala yang awkwardness mo"   Hindi uli ako nakasagot. "Kanina sa meeting naiisip kita, kung anong ginagawa mo, kung ano suot mo, kung kumain ka na ba. Nakakainis, akala ko kasi sandali lang, naiwan ko pa yung phone ko" "Okay nga lang." "Okay po.... Alagaan mo baby natin ah?" naramdaman kong humihimas kamay niya sa braso ko pababa sa kamay ko at hinawakan niya 'yon.     Dapat tatanggalin ko 'yon pero gusto ko, gustong gusto. "Pwede ba kitang halikan?" bulong niya.   "Hala, baka may makakita." "Okay lang naman sa'kin" bulong niya uli. "Sa susunod na lang po, Sir" "Sa susunod dapat marami at matagal na." "Bahala po kayo" ay grabe! Parang ang pamigay ko sa part na 'yon! "Haha kawawa ka sa'kin sa susunod!" at bago ako makasagot, lumabas si Butchok kasama yung puppy. Binitawan ko kaagad si Sir Benj.   "Kuya, maglalakad lakad lang kami ha? Ano po bang pangalan niya?" tanong niya. Napatingin si Sir Benj sa'kin at hinihintay yung sagot ko. "B.E" sabi ko. Ngumiti naman si Sir Benj.   "B.E? Ang cool po hehe. Sige po lalabas po muna kami ni B.E!" sabi niya.   "Butchok, puntahan mo si Krisha, nandon yung kapatid ni B.E!" sabi ni Sir Benj. "Talaga po? Okay lang ba Kuya?" "Sige! Pupuntahan kita doon mamaya ah?!" "Sige Kuya!" nagmadali si Butchok habang buhat buhat si B.E "So..... Akala ko ba Benjie pangalan niya?" tanong niya. "B.E sounds good." sabi ko. "Yeap. And being with you tonight, sounds even better" Naupo kami at hinawakan niya uli kamay ko. Hndi naman kami nakikita ng tao sa labas kaya okay lang. "Sobra kitang na miss ngayon kaya babawi ako ngayong gabi" bulong niya sa'kin at ninakawan niya ako ng halik sa pisngi ko ng mabilis.   Hindi ko alam kung eto ang dapat kong gawin pero ang alam ko, eto ang gusto ko at magpapasaya sa'kin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD