Dumating ako sa punto na ayoko na magmahal. 'Yung iiyak ako sa gabi sa sobrang sakit. 'Yung habang inaalala mo yung masasayang alaala niyo, naiiyak ka na lang kasi parang binalewala niya lahat.
Ganon kami ni Bill, siguro kung gaano 'yung pinapakita ni Sir Benj sa'kin ngayon, doble pa 'yung pinakita niya. Sobrang sweet, close sa kapatid ko, close kay mama kahit na hindi ko masyadong close mama ko. Hatid sundo pa'ko 'non sa school.
Tuwing monthsarry namen, hindi pwedeng hindi niya ako ilalabas. Kailangan may pupuntahan talaga kami, akala ko palaging mamahalin o sa malalayo pero ang totoo sa gilid gilid lang, kakain, magtatawanan.
Pinakita niya talaga at pinaramdam kung gaano maging masaya ang katulad kong umiibig sa kapwa lalaki pero sa sobrang taas ng pagmamahal ko sa kanya, ang sakit ng bagsak ko nung iniwan niya ako sa ere.
Ilang buwan ko rin sinabi sa sarili ko na ayoko ng mainlove. Ayoko na kasi sa tingin ko hindi naman tumatagal ang mga same s*x relationships. Na ang buhay ay para sa lalaki at babae lamang.
Pero mukhang nasisira at kinakain ko na lahat ng sinasabi ko dahil kay Sir Benjamin. Ang taong hindi ko maintindihan kung bakit ko kinikilig ng bigla bigla. Yung taong hindi siya aware na nakakakilig siya or dahil naturan na 'yon sa kanya.
Hinihintay ko lang sabihin niya sa'kin yung tamang salita. Pero sa ngayon, uunti untiin ko muna yung pag pasok niya sa buhay ko. Ayoko kasing ma-Bill zoned. So far kasi, medyo lumulutang na ako sa pinapakita ni Sir Benj at feeling ko kung palagi siyang ganon, baka lumipad na naman ako ng mataas. At kung sakaling iiwan niya ako, baka mas lalo ko ng hindi kayanin.
+
Pumunta kaming dalawa ni Butchok sa mall para mamili ng pagkain ni B.E, yung binigay na aso ni Sir Benj.
Sa totoo lang, sobra talaga akong natutuwa sa aso, lalo na sa binigay ni Sir Benj, may breed kasi at sobrang cute.
"Dalian na natin Kuya. Natutulog si B.E ng mag isa sa bahay!" paalala ni Butchok.
"Oo na po" nakita ko naman na hawak niya yung cellphone ko.
"Kuya, anong di'ba nasa Robinson Galleria tayo?" tanong niya.
"Oo oo... Ano bang gusto mong dinner? Gusto mo ba bumili tayo ng ice cream?" tanong ko pero hindi niya ako sinasagot. Mukhang busy siya sa paglalaro sa phone ko kaya ako na yung namili ng groceries namen.
Maya maya, may kumalabit sa likod ko at pag lingon ko, nakita ko si Sir Benj!
"Ang bilis mo naman po Kuya Pogi!" naring kong sabi ni Butchok. Binuhat ni Sir Benj si Butchok.
"Nasa kabilang mall kasi ako kaya pumunta na ako rito" sabi naman niya. Tumingin siya sa'kin at parang nagpapa cute.
"Ehhh paano mo nalaman na nandito kami?"
"Magkatext kami ni Butchok kanina pa. Ayaw mo naman kasi akong itext!" medyo padramang sabi ni Sir Benj.
Binaba niya si Butchok at may binulong, saka naman umalis si Butchok at wala akong idea kung saan siya pupunta.
"Huy, saan pupunta 'yon?" tanong ko.
"Sabi ko kumuha siya ng kahit anong gusto niya eh, ako ng bahala" kinuha niya yung cart na dala namen at siya na yung nagtulak.
Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay niya rin sa hawakan ng cart at sabay kaming naglakad ng mabagal.
"Bakit hindi mo naman ako sinama rito? Sabado naman ah? Wala rin akong pasok" sabi niya. Medyo nagddrama talaga 'yung boses niya.
"Kailangan pa ba 'yon? Kaya naman namen ni Butchok."
"Eh baby nating dalawa 'yon di'ba? Baka magalit si B.E sa daddy niya kapag nalaman niyang hindi ko sinamahan mommy niya"
Fvck! Sobrang cute ng sinabi niya to the point na napaiwas ako ng tingin at ngumiti ng sobra! Mommy? Ako? Tapos siya 'yung daddy?
"Nag search ako sa internet, milk lang pala pwedeng inumin ng mga puppies. Dalhin natin siya sa center bukas ha?" paalala niya pa.
"Sige po, Sir Benj."
"Ako pa rin si Sir Benj? Call me daddy or honey. Bawal 'yung iba!"
"Ano ba, marinig ka ni Butchok!"
"Haha pasensiya na. Pero ano ba gusto mong endearment?"
"Bakit kailangan pa 'non? Ikaw si Sir Benj ko tapos ako si Ethan mo"
"So technically, you're mine now?"
"No! Hindi ako easy to get" medyo natawa ako sa sinabi ko pero nahalikan na niya ako pero hindi pa kami. Ayun pala 'yung hindi easy to get.
Buti na lang dumating na si Butchok at mukhang maraming dalang junk foods. Hindi ko naman siya pinagbabawalan doon.
"Bakit ang dami naman ata niyan?" tanong ko.
"Ehh babaunin ko po sa school, para bibigyan ko new friends ko"
Muntik ko ng makalimutan yung school niya. Nagpaparamdam talaga si Butchok, at kahit may go signal na galing doctor, parang natatakot pa rin ako.
"Ohh? Papasok ka na Butchok?" tanong ni Sir Benj.
"Opo. Tinulungan po kami ni Kuya Boss. Dinala niya ako sa hospital at pina check up tapos po ang sabi okay daw po na pumasok ako!"
"Kuya Boss??"
"Ah. Si Sir Jack" sabi ko.
"I know." medyo malamig na naman si Sir Benj ngayon. Akala ko tapos na siya sa ganyang attitude, hindi pa pala. Hindi na siya nagtanong kay Butchok at naglakad na kami papuntang cashier.
Tahimik lang uli si Sir Benj at mukhang 'di nagustuhan 'yung narinig niya about kay Sir Jack. Hanggang sa makauwi kami ng bahay, hindi ako tinext ni Sir Benj.
Moody pa rin pala siya. Kailangan ko na talagang masanay lalo na sa sitwasyon namen ngayon.
Kinausap ko muna si B.E, kahit alam kong hindi siya sasagot, binebaby talk ko siya.
"Napaka moody ng daddy mo!"
"Oo, B.E. moody! 'Pag laki mo, 'wag kang gagaya sa kanya ah?"
"Behave lang palagi!"
Medyo natatawa ako sa ginagawa ko pero at the same time, natutuwa. Sa tuwing makikita ko kasi si B.E, si Sir Benj naaalala ko eh.
Tinignan ko phone ko, pero wala pa ring text. Kaya hinayaan ko na muna siya.
Bigla naman akong tinawag ni Butchok at sinabing may naghahanap sa'kin sa labas. Akala ko naman si Sir Benj na 'yung nandoon pero hindi pala. Si Jaycee.
Sobrang gulat ko ng makita kong napakaraming pasa ng mukha niya at mukhang hindi rin siya makatayo ng maayos. May sugat din siya sa may labi niya at yung suot niya, mukhang nung isang araw pa.
"Bes!!!" napasigaw ako at niyakap ko siya. Naalala ko nung isang araw na nakita ko siya, nahihirapan siya maglakad at lalo na ngayon.
Hindi siya nagsalita hanggang sa makaupo siya.
"Bes, anong nangyari?!" tanong ko pero hindi siya sumagot at umiyak lang sa'kin sabay yakap.
Ilang linggo ko siyang hindi nakita at nakasap ng matino, tapos may ganito pala siyang issue.
"Bes.... Ano na?" pangungulit ko pa.
Hinintay ko muna siya maging okay. At maya maya, nagkwento na siya.
"Nalaman na ni Papa na bakla ako. Nagulat ako ng hampasin niya ako ng upuan sa mukha. Kaya may pasa ako. Hindi pa siya nakuntento, yung sinturon niyang bakal, pinaghahampas niya sa likuran ko. Bes... Ang sakit na..."
Nakakagigil!! Sobra akong naaawa kay Jaycee at the same time naiiyak din ako sa kwento niya. Nararamdaman ko kasi yung sakit niya.
"Halika sa kwarto dali...." binuhat ko siya at sumama sa'kin paakyat. Maya maya, dala na ni Butchok yung hiningi kong tubig at panggamot.
Hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Jaycee hanggang sa makahiga sa kama ko.
Nung hinubad ko yung damit niya mas lalo akong naawa sa kanya, halos manlumo pa ako. Ang daming bakas ng hampas. Mas lamang yung kulay pula at kulay violet sa katawan niya dahil sa mga hampas.
Pinilit kong maging matapang para kay Jaycee at dahan dahan kong pinunasan 'yon. Sobra naman siyang naiyak. Naiiyak din ako! Sobra. Never kong naisip na may ganito siyang problema.
Nung hinubad ko yung short niya, napansin ko rin na parang nalapnos yung balat niya at mukhang nabuhusan ng mainit na tubig or something.
"Bes, hindi ko kaya. Dalhin na kita sa ospital!"sabi ko pa.
"Kahit saan bes basta malayo sa tatay ko." tanginaa, nakakaiyak talaga ng sobra. Nagpatawag kaagad ako ng ambulansiya at pumunta kami sa ospital.
+
Ilang oras na ring tulog si Jaycee at halos nakatulog na rin ako. Kinalabit niya lang ako para malaman kong gising na siya.
Sobrang nakaaawa pero this time, nakangiti na siya kahit papano.
"Bes.... Sorry... Hindi ko alam.." panimula ko.
"Gaga ka, ano ba, ako 'yung nagmaganda kaya kasalanan ko 'to. Sana sinabi ko na lang sa'yo imbis na tarayan ka nung nakaraan"
"Nung niyaya kita ng lunch? Matagal na 'yon ah! Simula 'non, binubugbog ka na?!"
Hindi siya nakasagot at mukhang naiiyak na naman siya. Ayoko na siyang tanungin tungkol dito kaya niyakap ko na lang siya.
"Leche ka bes, 'wag mo kong daganan!" sabi niya sa'kin. Natawa na lang ako kahit papano.
Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng lakas makapunta sa bahay, sobrang nakakaawa talaga itsura niya ngayon eh. Kaya sinubuan ko na lang siya sa dala kong pagkain.
"Hindi ko akalain na ikaw 'yung nandito sa'kin matapos kitang awayin." sabi niya.
"Loko, hindi ko naman kasi alam kung bakit ka galit. Pero ngayong alam ko na, naiintindihan kita. Hindi kita iiwan dito" sabi ko pa.
"Salamat bes... Pero.."
"Pero ano?"
"Wala ba si Stephen or si Sir Jack? Pampa goodvibes lang oh"
"Haha loko ka talaga!"
"Slight serious ako bes. Dali na. Baka sakaling gumaling ako kaagad."
Inabot niya sa'kin yung phone ko at talagang pinapatext niya sa'kin si Sir Jack at Stephen kaya ayon naman yung ginawa ko.
Napansin ko ring may text si Sir Benj sa'kin.
"Ethan, I'm sorry about kaninang umaga. Kailangan ko ng magbago ng ugali kong ganito. I'm really sorry, can we talk? Call me asap."
Gusto ko sanang tawagan si Sir Benj kaso siguro makakapaghintay naman siya. Mas gusto ko kasi na mag focus muna kay Jaycee, palagi kasing si Sir Benj kinekwento ko sa kanya, at isa 'to sa dahilan kung bakit hindi nakapag open up sa'kin si Jaycee kaya pinili kong makipagkwentuhan tungkol sa ibang bagay about kay Jaycee.
++
Naramdaman kong parang may gumigising sa'kin at sa 'di inaasahan, si Sir Jack 'yon!
"Nandito na ako." mahina niyang sabi. Napansin kong tulog pa si Jaycee.
"Hala, bakit ka nandito?" bulong ko.
"Akala ko ba pumunta ako? Eto na ako oh."
"I mean, joke lang naman 'yon! Hindi ko naman inaasahan na pupunta ka?"
"Haha sabi ko naman sa'yo seryoso ako pagdating sa'yo eh!" sabi niya pa sabay kindat. Maya maya, bumukas uli yung pinto at may nagsisisigaw.
Si Stephen!
Nakita kong nagising si Jaycee at nagulat ng makita si Sir Jack at si Stephen. May dalang lobo at pagkain si Stephen nung mga oras na 'yon.
"Patay na ba ako?" tanong ni Jaycee.
"Haha, ayan oh. Nandito na sila. Malay ko bang tototohanin nila na pupunta sila" sabi ko.
"Bes please. Moment ko 'to, lumabas ka muna!" pinipilit niya akong palabasin at sumunod na lang ako para na rin sa kanya.
'Pag labas ko, tinawagan ko kaagad si Manang at sinabing bantayan si Butchok. 'Pag tapos 'non, tinawagan ko naman si Sir Benj.
"Hay.... Akala ko hindi mo na ako tatawagan" bungad ng tawag niya.
"Sorry... Nasa ospital kasi ako ngayon."
"Ha?! Anong nangyari sa'yo?! Nasaan ka, pupuntahan kita!"
"Adik, hindi ako. Si Jaycee... Ayun lang, bugbog sarado kasi ng tatay eh."
"Ahhh... Okay naman siya? Gusto mong puntahan kita?"
Ayoko naman kasing maging tungkol na naman sa'kin 'to, baka kasi nauumay na si Jaycee sa kwento ko kay Sir Benj kaya hindi ko na siya pinapunta.
"Ganon ba? Sige, diyan ka na muna sa bestfriend mo."
"Okay."
"So... Bati na po ba tayo?" tanong niya.
"Ehh... Hindi naman ako galit sa'yo eh"
"Sorry talaga sa ugali ko. Kahit ako, hindi ko maintindihan eh"
"Hehe, sasanayin ko na lang siguro sarili ko"
"Haha, nasayang yung oras na dapat masaya tayo kahapon. Sorry talaga. Kumain ka na diyan ha,"
"Yes boss."
"No, you're my boss."
"Hehe, okay na. Sige na."
"Yung baby natin iniwan mo."
"Kasama ni Butchok!"
"Ayokong lumalaking walang kasamang magulang yung baby natin kaya pupuntahan ko na lang siya sainyo!"
"Hala Sir, 'wag na!"
"Oops, too late. Bumangon na ako at pababa. At isa pa, tinawag mo na naman kong Sir, so pupunta na ako!"
"Sir..."
"Dalhan ko na lang ng food si Butchok hehe. Ingat diyan, honey. Bye!" binaba na niya 'yung tawag at mukhang wala na siyang balak sagutin yung tawag ko.
Hinayaan ko na rin para may kasamang iba si Butchok sa bahay.
+
Matagal din na naiwan si Sir Jack at Stephen sa loob, ng biglang lumabas si Sir Jack na nakatawa.
"Ang funny ng bestfriend mo 'no? Haha kanina pa kami tawa ng tawa sa loob!"
"Ganon talaga 'yon, ewan ko ba. Kaya nga ako naiiyak kanina sa napaka masayahin niyang tao na 'yan eh tapos ganyan lang mangyayari sa kanya."
Naupo kami sa may upuan sa labas ng kwarto ni Jaycee.
"Sa totoo lang, naiintindihan ko naman siya" sabi pa ni Sir Jack.
"Oh... Ganyan din yung nangyari sa'yo?"
"Syempre nung bata ako. Haha malaki na ako ngayon eh."
"Pero... Binubugbog ka rin?"
"Yeah, sometimes. And also they're controlling my life. I force to take business management para maghandle ng company namen. Palagi rin akong napagsasabihan sa mga palpak na ginagawa ko. Hehe, ewan ko ba, mas okay na siguro yung physical pain kaysa sa emotional pain na binibigay sa'kin ng parents ko"
Other side of Sir Jack na hindi ko alam.
"Kaya ganito ako eh, gusto ko nakukuha ko lahat ng gusto ko, competitive, kasi I never had the chance to do what I really love"
"If given a chance, ano bang gusto mo?" tanong ko.
"Gusto ko maging pulis"
"Really? Parang ang layo...."
"I know, ang layo sa personality di'ba? Haha pero ayun talaga gusto ko. Maybe I'll be more than happy if nangyari 'yon."
Napaka seryoso ni Sir Jack at sa tingin ko kailangan niya lang ng yakap kaya niyakap ko siya. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap sa'kin.
"Wala akong pinagsabihan neto maliban sa'yo." sabi niya pa.
"Well, thank you for telling me." sabi ko pa. Maya maya, sumilip si Stephen sa'min at pinapapasok si Sir Jack sa loob, mukhang mag aasaran pa sila kaya pumasok na uli si Sir Jack.
"Kaya pala ayaw mo kong pumunta rito kasi nandito na si Zachary?" kilala ko yung boses na 'yon at pag lingon ko, nakita ko si Sir Benj na may dalang pagkain.
"Uy... Bakit ka nandito?"
"Tinanong ko kay Butchok kung saang ospital kayo, kaya pala ayaw mong sabihin kasi may kasama ka ng iba."
"Ano ba, hindi 'yon...."
"Hindi Ethan, ayun 'yon! Mas gusto mong kasama si Zachary kesa sa'kin. Mas gusto mong kasama siya sa mga ganitong panahon sa buhay mo."
"Ang kulit mo naman eh, hindi nga ganon 'yon!"
"Sana hindi ko na lang sinabi sa'yo yung nararamdaman ko, hindi naman pala mutual yung feelings natin!"
Napaka immature ng lalaking 'to at hindi ko malaman kung bakit, pero ngayon, naiinis ako sa pinapakita niyang ugali.
"Gusto ko lang naman na makasama ka kasi nag aalala rin ko sa'yo!" pahabol pa niya. Nung lumapit ako sa kanya, umatras siya ng kaunti.
"Bahala ka na ngayon, Ethan." hindi na niya ako pinasagot at umalis na siya kaagad.