Pagkababa ko ng bahay para pumasok, naaamoy ko na kaagad yung luto ni manang. Excited na ako kumain kaso nakita kong si papa pala yung nagluluto.
"Oh, gising ka na pala anak. Wow, ang gwapo mo naman pala! Palagi ka bang naka formal attire kapag pumapasok?"
Ano naman ginagawa niya rito? Bakit siya yung nagluluto.
"Manang!!!!" sigaw ko sa bahay.
"Wala si Manang mo, namalengke siya. Pinabili ko ng lulutuin ko para mamaya"
"Bakit? Anong meron?" malamig kong sagot.
"Wala lang, gusto ko lang kayong paglutuan ni Butchok, pati na rin ng mama mo"
Si mama. Parang ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ganun na ba talaga ako kamanhid na pati mga magulang ko hindi ako aware sa nangyayari sa buhay nila?
"Oh, kumain ka na muna anak bago ka pumasok" may nakahain na kanin, hotdog at itlog. Gutom na sana ako eh, nakakagutom kasi kapag galing kang inuman kagabi tapos pag gising mo parang tatlong araw kang hindi kumain.
"Ah, late na ako eh, sa office na lang ako kakain" sabi ko.
"Ah ganun ba? Sige, pagbabaunan na lang kita..."
"Hindi na pa, late na ako"
"Matatapos kong pagbaunan ka bago mo pa malabas yang sasakyan mo" nagmadali siyang maghugas ng baunan at ako naman nagmadali ng makalabas.
Pero bago ako makaalis, inabot ni papa yung pagkain ko.
"Oh, kumain ka ng marami ha? Parang pumapayat ka kasi eh"
Bwisit naman. Bakit ako naiiyak sa ganito?
"Salamat po" ayun na lang sabi ko.
"I love you anak"
Parang hindi ko na kinaya, ang tagal kong hindi narinig yung salitang 'yon galing sa kanya at ngayon, parang tumagos sa puso ko.
Hindi na ako nagsalita at pinaandar ko na yung sasakyan ko papuntang office.
+++
Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako umakyat. Kinalma ko dahil sa tatay ko, at kinalma ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Benj ngayon eh.
Pagpasok ko ng office, unang bumungad si Laura sa akin na mukhang masayang masaya. Syempre, sinama siya ni Sir Jack sa mga friends niya.
"Bakit bigla ka namang umalis kagabi?" tanong niya.
"Wala, nahilo na kasi ako eh"
"Nako, alam mo bang umiyak si Sir Benj kagabi? Sobrang lasing eh. Nabanggit ni Kaye at Stephen si Sophie eh, ayun nagdrama"
"Bumalik pa ba si Stephen?"
"Oo, inutusan kasi ni Sir Benj si Stephen na ihatid ka kasi nga raw nagmamadali ka"
So si Sir Benj pala nagsabi.
"Eh kayo? Kumusta kayo ni Sir Jack?" tanong ko.
"Okay naman. Nakakakilig siya kausap, promise. Ang cute niya ngumiti. Tapos ang funny pa."
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ganyan din siya sa akin pero baka assuming lang ako at iba yung pakikitungo ni Sir Jack sa kanya.
"Mukha naman eh" sabi ko na lang.
"Niyayaya nga niya ako sa condo niya eh. Natatakot ako baka mamaya may mangyari na kaagad sa amin"
Ang nakakatuwa lang kay Laura, wala talaga siyang kaalam alam sa mga ganitong bagay. Sigurado naman akong virgin pa 'tong babaeng 'to.
"Edi 'wag ka munang pumayag."
"Oo, hindi ako papayag na may mangyari samin ng ganun ganun na lang no'!"
"I mean, na sumama sa condo niya"
"Ahhh... Hehe, okay.... Uyym salamat pala ah? May nakekwentuhan ako ng kilig ko. Parang nakakahiya kasing ikwento sa iba na dine date ko yung may ari ng company eh"
"Hehe sure, kasabayan mo naman ako so tayo talagang dalawa yung magkakasundo rito"
Hindi pa siya nakakasagot, biglang pumasok si Sir Benj sa office, asusual looking good, hot and yummy siya.
Iiwas na sana ako ng tingin pero nagkatinginan na kaming dalawa, lumapit naman na kaagad siya sa akin.
"Office, now." sabi niya at dumiretso na siya sa opisina niya.
Nakakakaba talaga, na nakakahiya.
Pag pasok ko ng office niya, nakaupo siya sa upuan niya at pinagmasdan niya akong pumasok.
"Bakit, Sir?" tanong ko.
"Upo ka Ethan" malambing yung boses niya ngayon.
Siya lang talaga yung kilala kong magaling magbago bago ng pananalita.
"Ano pong meron?" sabi ko.
"About kagabi. May problema ba tayo?"
Tayo? Ano ba talaga!!!!!
"Wala naman po"
"I mean, bakit sa tingin mo pinagsasamantalahan ko yung kahinaan mo? Ganon ba nararamdaman mo?"
Ano ba Sir Benj?! Bakit ang malumanay ng boses mo? Nakakainis. Ang inosente mo pakinggan!
"Lasing lang po ata ako hehe" sabi ko pa.
"Hindi nga? Ganon ba nararamdaman mo? Ayaw mo ba na sweet ako sa'yo?"
"Hindi ko po alam kung ayaw ko o gusto ko eh pero kasi ayoko pong lumalim yung feelings ko. Nadadala na kasi ako minsan eh, lalo na kagabi, sobrang sweet niyo po eh wala naman tayong dahilan para maging sweet sa isa't isa."
"Baka lang kasi may makakita saten na kakilala ni Sir Miggy at Cielo, syempre, kailangan stick tayo sa pagiging mag boyfriend"
Ahhh... So ayun pala 'yon! Mabuti na lang pinaliwanag niya ng maayos. Hindi pala talaga totoo lahat ng 'yon.
"Mabuti na lang po at sinabi niyo. Atleast alam ko na."
"Hey, bakit ganyan ka magsalita? Are you mad?"
"Sa totoo lang po, medyo. Kasi syempre, deep inside po nag eenjoy ako sa ginagawa natin. Alam mo naman na may problema ako sa ex ko, tapos sa tatay ko, tapos pinapasaya mo ko. Ayoko lang sa huli na pag nakuha mo na yung gusto mong mangyari eh magbago ka. Tapos ako naman, nasanay sa pinapakita mong sweetness. Ayoko lang po masaktan sa huli" paliwanag ko pa.
Hindi naman siya nagsalita at parang nag isip saglit.
"Well, okay. Thanks for letting me know" sabi niya.
Moment of silence.
Nakatingin ako sa gilid, pero siya naman nakatingin sa akin.
"So you want to end our aggreement?"
"I know how much you want this, Sir. Pero sana bawas bawasan mo yung sweetness kapag hindi naman dapat. Kaya ko naman magpanggap eh, pamukha mo lang saken na nagpapanggap lang talaga tayo para hindi ako umaasa"
Hindi uli siya nagsalita at nag isip muna.
"Okay, sorry kung ganun yung nararamdaman mo. Don't worry, wala lang lahat ng 'yon."
Nung sinabi niya 'yon, malumanay pa rin boses niya tapos ako naman, nasaktan. Parang ang sakit din pala nung sinabi niya 'yon.
"Ayun lang po ba?" tanong ko.
"Oo, you can go back to work na"
Hindi na ako sumagot at lumabas na ako ng kwarto niya.
+++
Napansin kong hindi na ako pinatawag ni Sir Benj maghapon at nung umuwi siya, dumaan lang siya sa harapan ko, ni hindi man lang niya ako tinignan.
Mas okay na rin 'to para hindi ako umaasa.
Pagka time out ko, naghintay muna ako sa Mozu para makipagkita kay Jaycee.
Pero hindi siya yung nakita ko, kundi si Stephen, oo si Stephen!!
Naka sando lang siya, shorts at running shoes, mukhang pawis na pawis din siya. Ang hot din pala niya, malaki kasi yung biceps niya at fit din katawan niya. Hindi ko lang siya masyadong napansin sa bar kagabi dahil kay Sir Benj.
"Ethan!" napansin niya na ako.
"Uy!"
"Out na?"
"Oo, may hinihintay lang hehe. Nag jogging ka?"
"Oo, dami kong nainom kagabi eh, tapos dami pang nakain hehe"
Body concious pala siya.
"Si Benjamin ba hinihintay mo?" tanong niya.
Pero bago ako makasagot, bigla ng sumulpot si Jaycee sa likuran ko.
"Bes gutom na ako!" bungad niya. Hindi niya napansin si Stephen na kausap ko.
"Bes, si Stephen"pakilala ko. At sa inaasahan ko, nagulat si Jaycee. At ramdam ko rin na nagwapuhan siya kay Stephen.
"Hi" bati niya sabay nakipagkamay.
"Hello" pabebeng sagot ni Jaycee.
"Hehe, sige na Ethan. I'll go ahead. Tatakbo pa ako uli hehe. Ingat kayong dalawa" sabi niya at ngumiti na lang ako.
Halos mapiga naman ako sa pisil ni Jaycee sa braso ko!
"Bes, masakit!"
"Pak bes, sino naman 'yon?! Bakit ang sarap?!!"
"Ahh, si Stephen, tropa ni Sir Benj 'yon"
"Pucha, sabi ko sa'yo bes yung mga tropa nun siguradong masasarap din eh!"
"Tigilan mo, mabait 'yon bes"
"Willing akong maging santo kung ganun ang kalakaran ngayon!"
"Haha, eh straight 'yon ehh"
"Hay nako, check natin. f*******:? Alam mo?"
"Hindi ehh."
"Pero pangalan niya Stephen, siguradong mutual friend niya si Sir Benj mo!"
Pumasok kaagad kami sa Mozu at umorder ng pagkain. Saka nagcheck ng f*******:.
"Eto siya!!!" halos sumigaw na si Jaycee non.
"Stephen Troy Lacson...."

"Oh bes, panalo!!! Chinito, yummy!! Photos!!"
"Ang HOT talaga bes!!!!!" halos panggigilan ako ni Jaycee nung makita niya yung pictures ni Stephen.

"Bes, feeling ko buntis na ako sa titig niya"
"Tigilan mo nga ako bes!"
"Please, kung may lakad kayong dalawa, isama mo ako!! Please bes? Please?!"
"Bakit naman kaming lalabas na dalawa? 'Di naman kami ganun ka close?"
Kakasabi ko pa lang non bigla naman may tumawag saken na unknown number. Sinagot ko kaagad.
"Hello?"
"Ethan?"
"Yes? Sino sila?"
"Uy, si Stephen 'to"
Anong meron? Pinag uusapan pa lang namen si Stephen tapos biglang tumawag na siya.
"Kinuha ko kay Benjamin yung number mo kung okay lang, hehe pa save na lang ah?" sabi niya.
"Ahh... Sure, sure..."
"Okay, Salamat!" binaba na niya kaagad yung tawag.
"Oh, sino 'yon bes?" tanong ni Jaycee habang busy pa rin sa pagbrowse ng pictures ni Stephen.
"Si Stephen"
"Si Stephen?!!!! Pucha bes ano? Bakit 'di mo sinabi?!!! Anong sabi sa'yo?"
"Pwede ba kumalma ka, wala. Save ko raw number niya."
"Bes masasampal na kita. Ang ganda mo rin eh no? Ano bang meron sa'yo? Anong shampoo mo ng magamit ko rin"
"Palmolive pink"
"Sige, simula bukas ayan na gagamitin ko"
"Haha bwisit ka! Wala lang 'tong mga 'to. Straight, at pahapyaw lang sila sa buhay ko."
"Ang dami mong alam, leche ka! Kumain na nga tayo ng mabilaukan ka naman. Ang ganda mo eh!"
"Haha ewan ko sa'yo bes!"
Hindi ko pinansin mga sinabi ni Jaycee saken. Ayoko talagang isipin na may gusto silang lahat saken, ayoko lang umasa.
+++
Kinabukasan, hindi pa rin ako pinapansin ni Sir Benj. Parang hindi niya ako kilala, parang nagbago talaga siya. Alam ko naman ganito hiningi ko, pero nakakapanibago rin pala.
Hanggang sa mag uwian, hindi ako pinansin ni Sir Benj. Wala, kahit isang hi, isang tingin. Wala talaga.
Hanggang sa makasalubong ko siya sa parking, hindi pa rin niya ako pinapansin. Grabe, suplado na uli siya at parang hindi niya ako kilala.
Bigla naman tumawag si Stephen sa akin na hindi ko naman inaasahan.
"Uy, out ka na?" sabi niya.
"Ahh, oo palabas na ako ng parking lot"
"Oh, mamaya na. Hehe, punta ka rito sa Mozu, dinner tayo"
"Ha?"
Naguguluhan ako, anong meron.
"May favor kasi sana ako, please please please?" bakit ang cute niya rin magsalita. Bakit bakit bakit.
"Sige, nandiyan ka na ba?"
"Yeap, kakatapos ko lang mag jog! Hehe pawis na pawis pa ako, hehe. Hurry"
Lumabas na muna ako ng sasakyan para puntahan si Stephen. Hindi ko naman alam kung bakit biglaan, pero baka dahil kay Sir Benj 'to. Baka kinausap na naman niya para kausapin ako.
Pag dating ko naman sa Mozu, nakita ko siyang nakaupo doon, suot ang kulay green na sando at short. Shet, ang hot nga talaga ni Stephen!!!!
"Uy, Ethan!" sinalubong na niya ako.
"Oh? Bakit bigla kang napatawag?"
"Ehh kasi si Benjamin wala sa mood, kahapon pa, hindi ko makausap ng maayos. Si Jack naman hindi ko rin makausap, kaya ikaw na lang!"
"Ay, option ako" biro ko.
"Haha humugot ka pa ah! Hehe, ehhh kasi..... About sa babae problema ko"
Confirmed, straight nga talaga.
"Bakit hindi ka kay Kaye humingi ng tulong?"
"Eh walang sasabihing matino yung babaeng 'yon haha. Ano?game ka ba?" tanong niya.
"Paano ba ako makakatulong?"
"Nice!!! Flowers and chocolates lang, ikaw sana magbigay hehe. Tapos sabihin mo pinapabigay ko tapos bigla akong susulpot. Ayun lang!"
"Jusko, ang dali lang naman pala"
"Oh talaga? Edi papayag ka?"
"Oo, basta ganun lang"
"Nice! Sabihin ko sa'yo details ha?"
"Sure."
Ngumiti lang siya saken ng malaki. Ang cute niya, nawawala mata niya kapag ngumingiti. Ang cute ng pagka chinito niya.
"Akala ko naman kaya mo ko tinatawagan dahil kay Sir Benj" sabi ko pa
"Ah? Hindi ah. Hindi ko talaga makausap 'yon! Mukhang may problema ata, may alam ka ba?"
"Wala eh. Bigla na lang din akong hindi pinapansin"
"Ah baka tungkol kay Sophie. Nako talaga yung tropa kong 'yon oh!"
"Hehe yaan mo na siya, magiging okay din siya"
"Sana hehe. Maraming salamat Ethan, halika, libre na kita ng dinner!" sabi niya pa.
"Hindi, uuwi na lang ako. Okay na ako"
"Sure ka?"
"Yeap."
"Sige, pasensiya na sa abala ha? Salamat din!" sabi niya at saka nag jogging na uli siya palayo, ako naman bumalik ng parking lot at umuwi na.
+++++
Kinabukasan sa opisina, sinalubong kaagad ako ni Laura na parang takot na takot.
"Ethan, kanina ka pa hinahanap ni Sir Benj, galit na galit! Pumunta ka na kaagad!"
"Bakit naman?"
"Ewan ko, nakakatakot siya kanina. Sige na, dalian mo na!" medyo natakot ako, ganito rin kasi yung nangyari nung isang linggo, galit din siya na pinatawag ako sa office niya.
Pagpasok ko ng office, may nakatambak na papel sa desk niya, at nung makita ko siya, nakasimangot siya at talagang alam mong wala siya sa mood.
"Ethan, tapusin mo 'to hanggang bukas! Pag na process mo na lahat, meron pa rito! Kailangan kong matapos 'yan ng sabado!"
Medyo pasigaw yung pagkakasabi niya non.
"Hala sir... Ang dami po niyan, hindi ko po matatapos 'yan!"
"Edi mag over time ka. Iuwi mo! Bahala ka, basta tapusin mo!"
Hindi ko talaga maintindihan 'tong lalaking 'to! Sobrang nakakainis siya.
"K" sabi ko na lang
"Aba, ayaw mo ba?!"
"Hindi po"
"Good. Akala ko magrereklamo ka pa eh,"
Nagmimic ako ng boses niya sa sobrang inis. Pero narinig niya pala.
"Ano 'yon? May sinasabi ka diyan?"
"Wala po Sir" binuhat ko na yung papel, sobrang dami talaga. Hindi ko alam kung paano ko matatapos 'to.
"Tapusin mo 'yan! 'Wag kang maglakwatsa at makipagkita kay Stephen!"
Natahimik ako, paano niya nalaman 'yon? Sinabi kaya ni Stephen?
"Oh, nagulat ka di'ba? Nakita ko kayo kagabi! Magkasama kayo!"
So kaya siya galit sa akin dahil don?
"Kaya pala ayaw mo ng sweet ako sa'yo, kasi gusto mo si Stephen na gumagawa non sa'yo? Sabagay, gwapo naman talaga tropa ko! Sige hayaan mo, ilalakad pa kita!"
"Teka, sir ano bang...."
"Hindi ko sinabing sumagot ka, tapusin mo 'yang pinapagawa ko sa'yo, hindi ka rin makikipagkita kay Stephen!"
Wait, sa tono ng boses niya, sa inaasal niya at sa mga sinasabi niya....
Nagseselos ba si Sir Benj?
"Bakit nandito ka pa? Tapusin mo na sabi 'yan!" tumayo siya at lumabas ng opisina niya. Narinig ko siyang sumigaw sa lahat ng tao don na magtrabaho!
Galit nga talaga siya, pero parang nagseselos siya.
Nagseselos siya kay Stephen? Bakit naman siya magseselos?