"Okay ka lang, hindi ka naman nabobored?" tanong ni Sir Benj sa akin. Nakailang shot pa lang naman ako at nag eenjoy din ako sa usapan nilang tatlo, mukhang close na close talaga sila.
"Okay lang, dami ko ngang nalalaman tungkol sa'yo eh haha" biro ko pa.
"Sus, biro biro lang 'yon lahat. Walang totoo dun!"
"Wala?!" singit ni Stephen "...may mga pictures akong patunay, Ethan! Gusto mong makita?"
"Tigilan mo pre! Haha diyan ka lang, off limits ka sa boyfriend ko!" sabi niya pa sa akin sabay akbay.
Sobrang dalang dala na talaga ako dito sa set up nameng dalawa. Minsan naiisip ko na baka seryoso na siya sa ginagawa namen pero kapag maiisip kong straight siya, nawawala agad yung naiisip kong 'yon!
"Ethan, mag CR lang ako, dito ka lang ha? 'Wag kang maniniwala sa kahit anong sasabihin ng dalawang 'yan!" sabi ni Sir Benj sabay tayo at alis.
Dali dali namang lumapit sa akin si Stephen at Kaye, pinagitnaan nila akong dalawa.
Bigla silang nagsalitang dalawa ng palitan. Nauna si Kaye tapos si Stephen, silang dalawa lang nag uusap at nasa gitna nila ako.
"Bakit nagpapanggap kayong dalawa? Para ba pagselosin si Sophie?"
"Baliw ka ba Kaye, hindi 'yan! Lalaki 'to paano magseselos 'yon?"
"Eh bakit sila nagpapanggap?"
"Eh baka naging bakla na si Benjamin simulan ung naghiwalay sila"
"Imposible, naalala mo ba yung baklang dumikit dikit sa kanya noon, sinapak niya ng malakas. Ayun na ospital"
"Ay gagi oo nga pala haha pero bakit nga ba Ethan?"
Akala ko pa naman alam nila kung bakit namen ginagawa 'to. Bakit kaya hindi sinabi ni Sir Benj? Eh hindi naman 'yon katago tago.
Bago pa ako makasagot, dumating na si Sir Benj at pinaalis yung dalawa sa tabi ko.
"Aba, aba. Saglit lang akong nawala, tinorture niyo na yung honey ko!"
"Tangna pre, bakit ba kasi kayo nagpapanggap? Sa trabaho ba talaga 'yan? Eh bakit parang totoo na kayong dalawa?"
"Oo nga Benj! Tanggap ka naman namen kahit maging ganyan ka eh"sabi naman ni Kaye.
"Haha bahala kayo sa gusto niyong isipin, basta kung anong meron sa amin ni Ethan, sa aming dalawa na lang 'yon"
Shet talaga. Bakit ba ganito magsalita si Sir Benj!! Mas lalo tuloy akong naaapektuhan sa mga sinasabi niya!
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag inom, biglang may tumawag kay Kaye kaya siya napatayo at umalis.
Tumabi naman si Stephen sa tabi ko, kaya pinapagitnaan nila ako ni Sir Benj.
"Ethan, bakit ayaw mong uminom ng hard?" tanong niya. Inabutan niya ako ng shotglass na may laman na hard na inumin.
"Hindi siya pwede niyan!" sabi ni Sir Benj sa gilid ko.
"Ang korny mo naman Benjamin!"
"Eh, may problema nga 'to eh kaya ko siya sinama rito tapos lalasingin mo?"
"May problema pala eh, bakit hindi mo paglabasin ng sama ng loob?"
"Honey, ano? Magkekwento ka ba sa kanila?" tanong sa akin ni Sir Benj. Nakakainis talaga na nakakakilig yung pag honey niya sa akin.
"Ahhh.... Hindi pa, mamaya na" sabi ko.
"Oh, dali na Ethan! Come on! Magaling akong makinig promise" aakbayan sana ako ni Stephen kaso biglang tinanggal ni Sir Benj yung kamay niya.
"Hey, he's mine, ako lang aakbay kay Ethan!"
Bakit ramdam na ramdam ko yung pagkakasabi niya non? Bakit parang sobrang affected ako? Bakit parang natuwa yung puso ko.
"Geez, sorry! Okay, bakod na bakod ah?"
"No, pwede naman. Basta 'wag lang kahit kailan!"
"Pwede pero 'Wag lang kahit kailan? Yung totoo Benj?"
Natawa rin ako sa sinabi ni Sir Benj pero parang wala lang din sakanya yung ginagawa niyang pagpapakilig sa akin, umiinom lang siya ng beer.
Maya maya, dumating na si Kaye at malaki yung ngiti niya.
"Guess who's coming?"
"Who? Don't tell me si Sophie?" sabi ni Stephen.
"I'm not that stupid. Of course not!"
Hindi ko na nakita reaksyon ni Sir Benj, basta naghihintay lang din siya ng sagot.
"So sino nga, Kaye?"
"Si Zachary!"
Zachary? Si Sir Jack?!
"Oh, nice! Libre na talaga tayo today! Sagot na sigurado ni Zach 'to!"
"Okay lang ba Benj?"
"Oo naman! Si Jack lang naman eh"
"Good!"
Hindi ko alam kung totoong okay lang kay Sir Benj pero mukhang hindi naman issue.
+++
Maya maya, dumating na rin si Sir Jack at kasama niya rin si Laura. Magkahawak kamay pa silang dalawa.
"Akalain mo nga naman, si Laura pala" sabi ni Sir Benj sa gilid ko.
"Nakarami na ba kayo?" tanong ni Sir Jack at nakipagkamay siya kina Sir Benj at Stephen tapos nagbeso siya kay Kaye. Ganun din ginawa ni Laura sa kanila pero saken, niyakap niya ako
"Nandito ka rin!" sabi ni Laura.
"Oo, kasama ko si Sir Benj"
"Yung totoo? May something?"
"Haha, wala nga eh. Hahaha joke" sabi ko pa. Hindi naman narinig ni Sir Benj 'yon kasi nakatayo pa siya at nakikipagkwentuhan kay Sir Jack.
"Well, kanina pa kayo?" tanong niya.
"Medyo, medyo..."
Maya maya, sumigaw si Sir Benj at tinawag ako.
"Honey ko, halika rito!"
Akala ko hindi siya magiging ganito kasi nandito si Laura pero mali ako, ganun pa rin siya ka clingy.
Nagulat naman si Laura pero wala na rin siyang nasabi. Lumapit na uli ako kay Sir Benj at naupo na kaming lahat at nagsimula ng mag inuman.
Medyo awkward lang ng kaunti kasi si Sir Jack, tumitingin tingin sa akin tapos biglang ngingiti. Hindi ko alam kung nang aasar o ano eh.
"Zachary, bago na naman ah?"sabi ni Stephen.
"Haha loko ka! Mamaya maniwala si Laura ah!"
"Ay hindi naman ako nagbibiro haha!"
"Loko, lasing ka na penpen!"
Tumingin uli si Sir Jack sa akin at ngumiti. Punyeta naman, ultimate fuckboy ng taon 'tong lalaking 'to eh.
Uminom naman ako ng beer, naka straight na tungga ako sa bote.
"Oh, mamaya lasing kang umuwi. May pasok pa bukas ha" bulong naman ni Sir Benj.
"Okay lang po hehe, gusto ko rin kasi talagang uminom" sabi ko pa.
"Talaga? Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi ah?"
"Opo, pero maya maya hehe konti pa lang naiinom natin eh"
"Haha, sige Ethan!"
Pagkatapos namen mag usap, napansin kong nakatingin silang lahat sa aming dalawa ni Sir Benj.
"Mamaya nakikita na lang namen na naghahalikan kayong dalawa diyan ah?" sabi ni Kaye!
"Loko! Hindi nga magaling humalik 'tong si Ethan eh!" sabi ni Sir Benj, sa sobrang hiya ko, nahampas ko siya sa braso. Bakit niya pa kailangang sabihin 'yon?!
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Sir Benj!
"So.... Nag kiss na kayo?!" sabi bigla ni Stephen.
Sa sobrang hiya ko talaga, nagpaalam muna ako na mag CCR. Dumiretso kaagad ako sa CR at nung makita ko yung itsura ko, pulang pula sa kahihiyan.
Nakakainis, bakit ba ganun si Sir Benj ngayon?! Hindi ko kinakaya yung sweetness niya at yung inaakto niya ngayon. Parang gusto ko na tuloy umuwi, kasi parang konti pa, bibigay na talaga ako kay Sir Benj.
Naghilamos lang ako saglit at maya maya, biglang may pumasok.
Si Sir Jack.
"Uy, nandito ka rin!" sabi niya.
Kahit sinabi kong pupunta akong CR?
"Opo, hehe medyo nahihilo na po ako eh"pagsisinungaling ko na lang, pero medyo ramdam ko na rin yung alak sa katawan ko.
"So, totoo? Nag kiss kayo ni Benjamin?" diretso niyang tanong.
Shet, tinakbuhan ko nga yung topic pero sinundan naman ako ni Sir Jack!
"Aksidente lang po"
"Aksidenteng lumapat labi niya sa labi mo, ganon?"
Aba, bakit parang galit si Sir Jack?
"Hindi po..."
"Well, okay. Sino ba naman ako di'ba?"
Isa ka pa Sir Jack!!! Bakit ganyan ka!!
"Ahhh, sige Sir... Una na po ako" paalam ko pa.
Pero pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso at nagkatitigan kami sandali.
Kaming dalawa lang yung tao doon! At hindi ko alam kung anong susunod na gagawin ni Sir Jack!
Pero biglang pumasok si Sir Benj sa CR at nakita niyang nakahawak sa akin si Sir Jack.
"Anong meron, Jack?" tanong ni Sir Benj sabay hawak sa akin ni Sir Benj para kunin ko kay Sir Jack.
"We're just talking about that kiss"
"Yeah, it happened"
"I see."
"May problema ba?"
Nag aaway ba sila dahil sa akin? Teka, ang ganda ko ata.
"Wala naman. I just thought na you're faking this whole scene right here, bakit parang seryoso na?" medyo maangas dating ni Sir Jack.
"I don't know, maybe nagugustuhan ko na rin 'to"
Hindi ako makapagsalita. Napapagitnaan ako ng dalawang gwapo at yummy na mga boss ko.
"I just don't like the idea na masasaktan si Ethan sa huli. Nag aalala lang ako" sabi pa ni Sir Jack.
"Well, nasa labas si Laura, siya problemahin mo, I heard kasi na gusto na niya umuwi"
"Okay, let me talk to Ethan first."sabay hawak ni Sir Jack sa kamay ko.
"No" sabay hila naman ni Sir Benj.
"He's not yours"
"He's also not yours!"
"May label kami"
"Yeah, and it's fake!"
Literal na pinag aagawan nila ako! Hilahan talaga sila at hindi na ako natutuwa!
"Pwede ba?! Parehas lang naman kayong dalawa eh! Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo pero sana sa huli, hindi niyo sinasamantala yung sekswalidad ko!"
Hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon! Pero umalis ako sa CR at lumabas na muna ng bar.
Nakalimutan ko pala yung sasakyan ko sa office, nakakainis. Magpapara na sana ako ng taxi pero nakita kong sumunod palabas si Stephen!
"Hey Ethan! Wait!" tawag niya.
"Hi, sorry. Uuwi na ako"
"I know, sorry, chismoso ko, narinig ko kasi yung pinag uusapan niyo sa CR hehe"
"Ahh ganun ba" ayun na lang nasagot ko.
"Hey, gusto mo ako na lang maghatid sa'yo? Okay lang naman."
"No, sorry, okay lang ako. Mag cab na lang ako"
"Naka motor naman ako eh, and isa pa, gusto rin kita makausap eh. Yung seryoso" sabi niya pa.
May something sa chinito niyang mata na nakapagpapayag sa akin. Napansin ko rin na lumabas si Sir Benj at Sir Jack para habulin ako pero nagmadali na akong sumakay kay Stephen sa motor niya at umalis na kaming dalawa.
++++
Nasa loob kaming dalawa ni Stephen sa sasakyan ko.
"Salamat sa pag hatid" sabi ko.
"Walang anuman hehe"
"Ano pala yung gusto mong pag usapan natin?"
"Ahhh, wala naman. Gusto ko lang kasi sabihin sa'yo na ngayon ko lang uli nakitang ngumiti si Benj ng ganon. Yung masaya talaga. At dahil 'yon sa'yo!"
Hindi ko alam isasagot ko sa sinabi niya.
"Ever since naghiwalay sila ni Sophie, parang nasira na yung mundo niya. Engaged na kasi sila eh pero Sophie chose her career over him"
"Ahh nakwento na niya 'yon sa akin"
"I know, pero hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit siya umalis"
Nung sinabi 'yon ni Stephen, naisip ko baka may iba or what. Naghihintay naman ko ng sasabihin niya pero hindi na niya tinuloy.
"Sa amin na lang ni Sophie 'yon. Pero it's good to know na ngumingiti na uli si Benjamin"
Gusto kong malaman yung dahilan!!!
"Straight si Sir Benj, wala kaming chance" sabi ko.
"Wala naman akong nabalitaan noon na pumatol si Benjamin sa lalaki pero ang alam ko, first time niyang maging close sa isang lalaki katulad ng pagiging close niya sa'yo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"At alam mo kung ano yung weird?" sabi pa niya.
"Ano?"
"Kung paano niya tignan si Sophie, kung paano siya maging ka protective si Sophie noon, ganun na ganun siya sa'yo ngayon! Promise, ganun na ganun!"
Sa kinekwento ni Stephen, mas tumataas yung tingin ko sa sarili ko, hindi lang 'yon, tumataas din yung chance ko na umasa.
"Well, I wanna hear your problem pa sana kaso I wanna hear it when we're sober hehe. Medyo hilo na rin ako eh" sabi niya pa.
"Sure, sure. Salamat ah?"sabi ko.
"No worries," kinuha niya yung phone ko at sinave yung number niya. Ganun din ginawa ko sa phone niya.
"I'll keep in touch. Let's hang out soon again okay?" sabi pa niya.
"Sige, Salamat uli!"
"Okay, don't be surprise na maraming nagkakagusto sa'yo. You're cute, Ethan!" ngumiti pa si Stephen bago siya lumabas ng sasakyan ko.