Part 11

2103 Words
"Liligawan ka niya pag dating niya ng 24? Ganon na ganon talaga sinabi niya?" "Oo bes! Malinaw, ewan ko ba. Napaka paasa ng mga salita niya eh" "Pero deep inside bet na bet mo naman 'di ba?" Nakatambay kaming dalawa ni Jaycee sa kwarto ko at nagkekwentuhan sa nangyari sa amin ni Sir Benj kagabi.   Nilabas niya laptop ko at mukhang may sinesearch. "Okay, so technically may 1 year and 6 months ka, February 14 Birthday niya, at 22 years old pa lang siya ngayon." "Ang bilis mo naman makita!" "Stalker ako bes, so ayun, kung totoo man yung sinabi niya, may 1 year and 6 months ka pa nga!" "Straight 'yon bes, straight. Ibig sabihin, hindi siya papatol sa lalaki" "Eh malay mo naman kasi natamaan na ng kamandag mo! Pak, aarte ka pa ba?" "Eeeeeehhhh bes...." "Huwag ka ngang pa virgin, alam ko naman pinagnanasaan mo 'yan si Benjamin!" "Hindi naman 'yon yung iniisip ko eh"   "Eh ano ba kasi iniisip mo?" "Eh...." hind ako makapagsalita, hindi ko rin kasi alam naiisip ko, ang baliw ko. "Oh My Gulay!! Don't tell me inlove ka na kay Sir Benj mo?!"       "Ha? No! Hindi...." "Hay nako!! Ayan na nga ba sinasabi ko! Nadadala ka lang sa sweet words niyan. Hindi 'yan totoo!" "Teka bes, ano ba talaga? Bakit kanina gusto mo maging kami tapos ngayon ayaw mo na?" "Akala ko kasi wala ka pang feelings, eh mukhang meron na! Jusko!" "Mahirap kaya pigilan bes!" "Alam ko mahirap, pero nag aalala lang ako sa'yo, baka masaktan ka lang sa huli" Siguro hindi ko pa naman mahal si Sir Benj, kumbaga, mga 40% pa lang, tapos yung 60% ko, nasa denial stage pa. "Bes, tigil na nga muna saken, kumusta yung pag aapply mo?" tanong ko kay Jaycee na busy na sa paglalaptop. "Okay na, contract signing na" "Agad agad?! Ilang araw lang?" "Eh isang araw lang naman hiring nila, pumasa ako kaagad, alam mo na, maganda kasi. Inaabangan ko lang yung boss ko kung gwapo eh" "Leche, haha." "Basta bes, paalala lang ha? Kapag straight, ang hanap ng mga 'yan, kepyas, may hiwa, yung nadidilaan hindi yung nasusubo!" "Ano ba 'yang sinasabi mo!" "Just sayin', habang maaga pa, pigilan mo na ano?" Kailangan ko talagang pigilan sarili ko na mainlove sa taong imposible namang mainlove sa akin. Nung natahimik kami pareho, narinig kong tumutunog yung cellphone ko at tumatawag si Sir Jack. "Tignan mo 'yang isang 'yan! Paasa rin 'yan eh! Tatawag tawag pa! 'Yang Sir Jack mo ang totoong fuckboi! 'Wag mong sagutin 'yan!" Pero huli na, nasagot ko na yung tawag bago niya masabi 'yon. "Hello, Sir Jack?" "Hey Ethan, are you ready?" "Ready po saan?" "To our date! Remember? Saturday? 'Di ka kasi pwede ng Friday night so saturday kita niyaya, and you said yes. Remember?" Fvck!!! Nawala sa isip ko 'to! Pero totoo nga, nagsabi akong aalis kaming dalawa. "Uhm, about that sir, I'm not feeling well kasi eh" sabi ko na lang. "Oh, you want me to come over?" Sht! "Ah, hindi na po hehe. Magpapahinga lang ako" "No, dalhan kita ng pagkain, gusto mo?" Tinakpan ko yung mic ng phone at kinausap ko si Jaycee. "Anong gagawin ko? Pupunta raw siya!" Hindi na siya sumagot at hinablot niya kaagad yung phone ko at kinausap si Sir Jack. "Stop calling my boyfriend! We're having s*x right now!" malaki yung boses ni Jaycee nung sinabi niya 'yon. At pagkatapos nung ginawa niya, binaba niya agad yung tawag. "Shet bes!!!! Bakit naman ganon yung sinabi mo!!!" "Nag panic ako! Tignan mo, hindi na 'yan tatawag!" Mukhang effective nga yung sinabi ni Jaycee at hindi na tumawag si Sir Jack. Pero nahihiya pa rin ako! "Bakit kasi s*x kaagad sinabi mo? Pwede mo naman sabihin binabantayan mo ko!" "Nagpanic nga!" Maya maya, nagtext naman kaagad si Sir Jack. "Hey, I'm sorry, I didn't know. Hope your okay, eat plenty of fruits para na rin mas gumaling ka. Sorry again" "Oh tignan mo!" sabi ni Jaycee "mga salitaan ng fuckboi 'yan! Fuckboi starter pack 'yang boss mo!" "Ewan ko...." "Sus, alam mo! Nako, gwapo nga, fuckboi naman." "Galit na galit ka ata bes haha" "Nanggagalaiti talaga ako ng galit sa mga 'yan! Oo yummy siya pero dapat hindi mo ginagamit sa masama 'yon!" "Easy lang bes, wala siya rito. Kalma. Kalma!" sabi ko, natawa na lang siya at nagpatuloy sa paglalaptop. +++ Hindi ko alam kung bakit excited na ako mag monday, parang gusto ko na kasi makita si Sir Benj kaagad. Parang nakaka excite lang. Naiisip ko rin minsan kung paano pa kami magpapanggap na dalawa, gusto ko kasi yung idea na boyfriend ko siya kahit fake lang. Tinignan ko yung cellphone ko, 5PM na! Tutal, linggo naman ngayon, malapit ko ng makita si Sir Benj! Konting oras na lang. Pero habang nagmumuni muni ako sa kwarto ko, bigla namang pumasok si Butchok. "Kuya, nasa baba po si papa" Parang naglaho yung ngiti sa akin nung marinig ko 'yon. Anong ginagawa ng tatay ko rito? Naalala ko na naman nung bata pa ako, sa tuwing pupunta siya sa amin, palaging saglit lang at yung tipong isang beses sa isang buwan lang. Yung mas mahal niya yung isa niyang pamilya kaysa sa amin. Pero ngayon, anong ginagawa niya rito?! "May dala siyang pagkain kuya, tara na!" natutuwa naman si Butchok sa presensiya ni papa, syempre, bata pa siya kahit papano at hindi pa niya nauunawaan ang lahat. Hindi ko naman alam kung paano ko haharapin si papa, alam ko kasi sa sarili ko na galit ako sa kanya at ayaw na ayaw ko siyang makita! "Anak..." sabi ni papa nung nakita niya ako, hindi pa rin nagbabago itsura niya pero parang mas pumayat lang siya ngayon ng kaunti at parang may problema siya.   "Bakit kayo nandito?" "Dumadalaw lang ako anak" parang casual lang sa kanya ang lahat. Parang hindi pa rin ako makapag adjust. Hindi rin naman siya aware na galit ako sa kanya, pero siguro naman ramdam niya 'yon. "Wala si mama, 'di ko alam kung saan nagpunta" sabi ko. "Hindi naman si mama ang hanap ko eh, kayo" "Bakit nga?" "Gusto ko lang kayo makita." Bakit nagiging emosyonal ako ngayon? Parang kanina lang ang saya saya ko, pero ngayon.... Ewan ko, hindi ko mapaliwanag nararamdaman ko. "Ethan...." "Pa, aalis pala ako. Sige na, kayo na muna bahala rito kung hindi pa kayo aalis" hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. ++ Napadpad ako sa BGC, sa may office. Sa dinami rami naman ng pwede kong puntahan, dito pa, pero dito ako dinala ng isip ko eh. Siguro dahil deep inside, gusto ko rin magkaroon ng ama, yung lalaki akong may tatay. Kaya nung nakita ko siya kanina, hindi ko alam kung galit o lungkot yung nararamdaman ko. Naupo ako dun sa pwesto namen ni Sir Benj nung isang gabi pero this time mag isa na lang ako. Itetext ko sana si Jaycee kaso nakita kong may text sa akin si Sir Benj. "Wru?" Ewan ko, pero sa simpleng text niya na 'yon napangiti ako kahit papano. "Sa pwesto natin nung isang gabi" "Bakit ka nasa office?" "Hindi... Wala lang..."   "May problema ka ba?" "Wala po" "I can feel na may problema ka. You wang me to come over?" Oo Sir Benj! Oo! Pero hindi ito oras ng paglandi, mas gusto ko lang talagang mapag isa ngayon at mag muni muni Pumayag naman si Sir Benj at hindi na rin siya nagreply kasi 'yon ang sabi ko. Sana mawala na 'tong nararamdaman kong lungkot kay papa. Sana. ++++ Mukhang nadala ko kinabukasan sa office yung lungkot ko tungkol kay papa at talagang hindi ako makangiti. Pag dating ko naman sa table ko, nakakita ako ng prutas na nakalagay sa basket at may note "Hope you're okay! Kainin mo lahat 'yan ah? -Jack" Galing kay Sir Jack!! Mukhang napansin naman ni Laura 'yon at kinantyawan niya ako. "Uyyy, may manliligaw siya! Kanino 'yan galing?" tanong niya. Inosente si Laura at hindi niya alam na galing 'to sa dine date niya ngayon! "Ahh, walang nakalagay eh" sabi ko na lang. "Hehe, sana bigyan din ako ni Jack ng ganyan hihi" "Ay, kumusta pala? Umalis ba kayo nung weekend?" tanong ko. "Dapat nextweek pa kami aalis eh, kaso nag cancel daw yung dapat niyang kasama nung sabado kaya kami na lang umalis" Sht. Mukhang prepared na prepared siya sa lakad nameng dalawa at si Laura na lang yung sinama niya. "Ethan, nag kiss na kami ni Jack" kilig na kilig na sabi ni Laura. Pero totoo ngang fuckboy si Sir Jack. Nakakainis lang, tapos si Laura pa ang biktima niya. "Agad agad?" "Eh hindi ako nakatimpi, ang cute ng smile niya tapos nagkatitigan kami, tapos ayun, kiniss niya ako. Ang lambot ng labi niya, Ethan!" may pagpisil pa sa braso ko si Laura sa sobrang kilig.   Gusto ko sana sabihin sa kanya yung tungkol kay Sir Jack kaso baka masaktan lang siya. Mukhang malakas na yung tama niya eh. Kailangan ko lang makagawa ng paraan para malaman ni Laura ang lahat. Maya maya, pinatawag ako ni Sir Benj sa office niya, at pag pasok ko, nasa serious mode siya. "Yung papers na ginagawa mo, malapit na bang matapos?" tanong niya, maayos naman at hindi galit, pero seryoso. "Konti na lang Sir Benj" "Ok good, I need that before lunch kaya tapusin mo na ah?" "Yes sir" Hindi na siya sumagot at lumabas na ako para tapusin yung pinapagawa niya. Sakto naman 11:45 ko natapos 'yon at inabot ko sa kanya sa office. "Good, now, sit down and tell me what's your problem" sabi niya. "Sir?" "I'm your fake boyfriend now, umupo ka Ethan, pag usapan natin 'yan" sabi pa niya. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang titigan ako! Oo, naapektuhan ako sa titig niya kaya naging sunud sunuran ako sa mga sinasabi niya. Nilapit niya yung upuan niya at tumabi siya sa akin, ngayon, harap harapan na talaga kaming dalawa. "The way you texted me yesterday really bothered me. Parang something is wrong" "Too personal Sir" "Hindi ka ba komportable sa akin? I thought okay na tayo. I mean, I ate streetfoods with you, hindi ba counted 'yon para maging close friend mo?" Natawa naman ako sa sinabi niya at nung tumawa siya, mas naapektuhan ako ng todo. Ang ganda ng ngiti niya, parehas sila ni Sir Jack pero yung kanya, may kasamang tingin na parang tumatagos sa buong kaluluwa ko. "And nag kiss na tayo di'ba? Hindi ka pa rin komportable?"   Natawa ako at nahiya at the same time.     "Okay sorry, but really, what is it?"   Napilit naman niya akong ikwento yung problema ko kay papa. Nakinig naman siya sa akin. "I have daddy issues too you know hehe so I feel you" "Anong nangyari Sir?" "Oops, too personal" "Ang daya, ako nagkwento eh!" "I'm your boss, right?" "Akala ko boyfriend kita ngayon?" "I am your boyfriend. But I'm still the boss" ngumiti uli siya pero mas nakangiti ako dahil sa sinabi niyang 'I'm your boyfriend!' jusko. Natahimik kaming dalawa sandali at bigla siyang nagsalita. "Let's drink later, 'wag kana mag overtime okay? Akong bahala!" Hindi ko alam isasagot ko pero gusto ko rin. "Kasama nga lang friends ko, don't worry hindi kita iOOP doon" "Ay hindi na Sir, nakakahiya" "Ano ba, kilala ka naman nila eh. Nakekwento kita sa kanila" "Akala ko ba wala kang close friends?" "Hmmm... Close kami, kaso kasi team Sophie sila eh kaya ayun. Hehe, ano?" "Next time na lang siguro" "Please? Siguradong gigisahin na naman nila ako mamaya kay Sophie lalo na't nandito siya sa Manila" "Ehhh gagawin mo lang akong shield doon eh" "Dali naaaa. Akala ko ba boyfriend mo ko? Di'ba kapag boyfriend pinagbibigyan dapat yung gusto?" Pucha!!!! Ang cute niya grabe!!! Yung nakanguso pa siya na nagmamakaawa!! Grabe talaga!!! "Honey, dali na. At saka hindi kita iiwan doon promise. Sasamahan kita, hindi ako aalis sa tabi mo" pakiusap niya pa. Hinawakan niya ako sa kamay ko at nagmamakaawa. Shet, ang cute talaga grabe. "Osige na nga" sabi ko pa na medyo pabebe pero deep iniside kinikilig ako. "Yes!!!! Okay, so mamay ha?" sabi niya   Nako, pasalamat ka talaga at cute ka! "Opo" sagot ko na lang. +++  Pumunta kami sa bar, maingay yung tugtog, maraming nagsasayawan sa gitna at kahit ganon, ramdam mo yung saya sa bar na 'to. Kahit ako napapasayaw eh. Nakaakbay siya sa'kin habang naglalakad at lumapit kami sa dalawang nakaupo sa table. Isang lalaki at isang babae. Nung pagkakita ko sakanila, shet. Napakaganda at napakagwapo. Yung babae, inosente yung itsura pero maganda! Ang ganda pa pumorma, at yung kutis, pang mayaman. Yung lalaki naman, chinito at mestiso. Ang tangkad at ang laki ng katawan, kita mo kasi naka sando lang siya pero kahit ganon, mukhang mayaman pa rin dating niya. "There's our workaholic friend!!" sabi nung lalaki kay Sir Benj at nagyakapan sila. Nakipag beso naman siya sa babae. "Sorry, traffic. Guys, this is Ethan, my boyfriend" "Ohhh, so you're the fake boyfriend? Hi! I'm Kaye!" nakipagkamay ako sa kanya, ang aliwalas din ng dating niya at mukhang mabait. "Hey dude, I'm Stephen!" nakipagkamay naman saken yung chinito sabay ngiti sa akin. Medyo kinakabahan ako pero nung umakbay sakin si Sir Benj, nawala lahat. "Order ka lang ng kahit ano, akong bahala" bulong niya sa tenga ko. Hindi inalis ni Sir Benj pagkaka akbay saken nung gabing 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD