Part 48

2540 Words

"Oh.... Anong nangyari? Bakit nakatulala 'to?" biglang sabi ni bwisit man pagpasok niya. Kanina pa ako nakatulala sa may sala habang busy naman si Benj sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit nangyayari 'to? "Ewan ko diyan, sinigaw sigawan ako paglabas mo. Ineenglish pa ako, tapos kung ano ano sinasabi. Nakaka inis"   "Uyy, Ethan... Ayos ka lang ba? Bakit mo siya sinigawan?" "Ahhh... Hindi. Akala ko kasi..." "Tol, pasensiya. Nakakainis talaga haha, aalis na muna ako. Ikaw na muna bahala rito" sabi naman ni Benj. Lumabas siya ng bahay at kita ko ngang inis na inis siya. "Bakit mo naman ginawa yon tol? May nagawa bang masama sa'yo si Benjie?" Hindi pa rin ako makasagot sa tanong niya. "Pasensiya na, kailangan ko na umalis. Next time na lang natin gawin 'to, okay ba?" sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD