Parang ayoko pang maniwala sa nalaman ko pero nanggaling na kay mama ang lahat. Magkapatid nga kami ni bwisit man. "Paanong nangyari yon, Ma?" tanong ko. Hindi naman sumagot si bwisit man at hinayaan niyang mag explain si mama. "Sorry pero matagal ko na silang hinahanap. Huling hiling kasi ng papa mo saken na magkakilala kayo." paliwanag ni mama. Pero..... Wala talaga akong masabi. Parang ang bilis ng mga nangyayari. "Ohhh??? Ano na? Bakit hindi kayo nag uusap?" tanong ni mama. Si Butchok naman kasi walang paki sa nangyayari, baka nga hindi niya narinig yung pinag usapan namen dito dahil busy siya sa tab. "Wala po akong masabi, tita. Magkakilala na kasi kami neto." sabi ni bwisit man. "Well, bakit hindi kayo mag usap ng masinsinan? Mukhang hindi okay pagkakakilala niyo e

