Part 43

2360 Words

Ilang oras na kami sa labas ng kwarto ni Butchok pero wala pa ring balita sa kung anong nangyayari sa kanya. Maya maya, lumabas yung doctor. Nagtanggal siya ng mask pero hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin niya. "Your brother is safe now." Sa lahat ng nangyari sa'kin, eto talaga ang nagpagaan ng loob ko. Parang lumipad ako sa saya. Ayun lang naman gusto kong mangyari. Mawala na lahat ng tao sa mundo ko, huwag lang yung kapatid ko. "Pwede ng pumasok kaso family lang muna bago namen ayusin yung kwarto niya. Okay?" hindi ko napigilang yakapin yung doctor at si Sir Jack sa tabi ko. Nagmadali naman akong pumasok para makita siya. Ang himbing ng tulog niya pero maayos yung paghinga. Sobrang sarap niya pagmasdan at dahil sa operasyon na 'to, sigurado akong magiging okay na siya. +++

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD