Ang dami ng nangyari sa nakalipas na walong buwan. Nagpalakas si Butchok dumaan sa napakaraming gamutan para tuluyan na talaga siyang gumaling. Wala akong balita kay Sir Benj at wala akong balak alamin kung ano ng nangyayari sa buhay niya. Umattend kami ng kasal ni Bill at Fiancè niya, syempre ang kasama ko, si Sir Jack. Si Jaycee naman, ganon pa rin yung status niya kay Stephen. Wala na rin akong balita kay Blue, siguro binasted siya ni Jaycee. Basta ang alam ko, patuloy lang si Jaycee at Stephen sa ginagawa nila. Si mama naman, cancer free na! Nakakatuwa dahil daw hindi na siya stress kaya mas madaling umeepekto yung treatment niya. Ako naman, eto, hindi pa rin ako ready mainlove. Pero si Sir Jack, iba. Palagi niyang pinapakita sa'kin na karapat dapat akong mahalin. Talagang tinatan

