Napagpasyahan ko uli na umalis kami nila Butchok at BE ngayong sabado, hindi na sumama si mama kasi magpapahinga raw siya.
Bago pa kami makalayo, nakita kong palapit na si Blue sa'min habang nasa tabi niya si Fifi, yung magandang aso niya.
"Ethan!" nagmamadali siyang lumapit sa'kin.
"Hello Kuya Blue!" bati ni Butchok.
"Hi!" ngumiti siya kay Butchok at ako kaagad yung kinausap niya. "Ethan, may itatanong ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Kailan pupunta si Jaycee diyan sainyo? Sabi niya sa'kin palagi raw kayong magkasama tapos palagi siyang nakatambay"
"Huh???"
"Ohh... Sorry.... Gusto ko siyang ligawan!"
"HA?!!" ang bilis naman ng pangyayari. Kakakita ko lang sa kanya tapos manliligaw kaagad!
"Sabi ko manliligaw ako kay Jaycee, di'ba..... Gay siya?" tanong niya.
"Teka, bakla ka rin ba?"
"Hahaha not really, nagkagirlfriend na rin ako haha"
"Teka, pinagttripan mo ba ako?"
"What? Hindi haha. Grabe ka naman sa'ken!"
"Eh bakit mo liligawan?"
"Uhm. Kasi I find him funny? At isa pa, I really got a thing sa mga bottom. Haha, ang cute kaya nila!"
"Wait, ang bilis ng pangyayari. Pakiulit nga lahat! In slow mo."
Napangiti lang siya sa'kin.
"Kilala ko na siya noon pa, and nagkakausap na kami lately at isa pa, single naman siya di'ba? Tropa niya lang naman yung kasama niya sa condo di'ba?"
Hindi ko alam kung nanloloko o nang eewan 'to pero hindi ko naman alam kung anong isasagot niya.
"Uy, Ethan. I'm serious. Will you help me?" pakiusap pa niya.
Napansin ko naman na wala na si Butchok sa tabi ko at nakikipaglaro kasama si Fifi at BE.
"Sige, subukan ko."
"Kausapin mo ha? Hehe. Looking forward ako!" sabi niya pa, maya maya kinuha na niya si Fifi at umalis na.
Maya maya, umuwi na rin kami ni Butchok at napansin kong nandoon yung sasakyan ni Sir Benj sa labas. Naexcite tuloy akong umuwi para makita siya.
Pag pasok namen, sinalubong kaagad siya ni BE. Ang cute ng mga aso kapag nakikita nila yung amo nila, sobrang excited. Parang ako, excited akong makita si Sir Benj. Tumingin lang siya sa'kin at ngumiti, inuna pa rin niya si Butchok at BE kaysa sa'kin pero okay lang, mas gusto ko nga 'yon.
Pero may napansin ako kay Sir Benj, parang ang lungkot ng dating niya. Kaya sumenyas ako sa kanya na sumunod sa'kin sa taas, sa kwarto ko.
Humiga siya sa kama at huminga ng malalim. Pinatabi niya ako sa kanya at yumakap naman ako.
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.
Wala siyang sinabi, basta niyakap niya lang ako ng mahigpit sa kama ko. Nararamdaman kong inaamoy niya ako, medyo nahiya ako kasi hindi pa ako naliligo.
"Huwag mong amuyin! Ang baho ko pa!" pilit ako kumakawala pero mas humihigpit yung yakap niya.
"Ang bango bango nga eh, Palmolive pink! Ikaw na ikaw"
"Ehhhh...."
"Huwag ka ng maarte diyan. Dito ka lang" niyakap pa niya ako ng mahigpit na mahigpit. Pinalupot niya yung binti niya sa'kin!
"Ni lock mo ba yung pinto?" tanong ko.
Pero bago pa siya makasagot, biglang pumasok si Butchok sa kwarto habang hawak si BE! Medyo nagulat siya sa pwesto namen ni Sir Benj.
"Ano pong ginagawa niyo?" tanong niya.
"Ahhh... Nagpapractice lang kaming dalawa!" sagot ni Sir Benj.
"Practice ng ano po?"
"Kung paano susundan si BE" bulong niya sa'kin. Tumayo ako kaagad at pinalapit ko siya sa'min.
"Ayaw po kasi kumain ni BE, baka may sakit siya"
"Ahhh... Painumin mo lang muna ng gatas" sabi ni Sir Benj.
"Sige po, mukhang ayaw niyo rin po na nandito ako sa kwarto"
Bigla naman siyang hinila ni Sir Benj at nakipagharutan, kasama rin si BE. Sumali na rin ako sa harutan nila.
+++
Lumabas na si Butchok at naiwan na lang uli kami ni Sir Benj sa kwarto, nakayakap na uli ako sa kanya inaamoy amoy na niya ako uli.
"Ano nangang problema? Nararamdaman ko kasi eh" sabi ko.
"Nakakainis kasi si papa, ewan ko ba, pinipilit akong mapalapit sa kanya!"
"Oh? Ano naman masama don?" ayun sana sasabihin ko sa kanya pero sarili ko ngang tatay, hindi ko hinahayaan na mapalapit sa'kin, kaya hindi na lang ako sumagot.
"Sila mama naman, gusto rin ako makipagusap pero, may masama akong feeling eh. Hindi ko mapaliwanag kaya ayoko talaga."
Asusual, hindi na naman ako makasagot.
"Naiistress na ako sa kanila, kaya gusto ko na lang dito sa tabi mo!" hinalikan niya ako sa ulo ko.
"Ganyan din ako kay papa eh, lumalapit pero lumalayo ako" sabi ko.
"Narinig ko naman lahat ng sinabi niya nung nasa ospital tayo kaya hindi rin kita masisisi"
"Pero naiisip ko rin minsan, kailangan kong harapin yun kasi darating yung panahon na magiging okay ang lahat...."
"Yeah, me too. Kaso next time na muna. Ayoko muna problemahin yon." sabi niya na lang. At hinayaan ko na lang yung tahimik sa'ming dalawa. Mas okay kasi na nararamdaman ko siya sa tabi ko ngayon.
"Ay, nga pala! Naalala mo si Blue?" tanong ko sakanya.
"Yung may birthday party na aso? Anong meron doon?!" medyo naginh suplado yung boses niya.
"Haha, ayon, ehhh nakita ko siya kanina tapos sabi niya, gusto raw niyang ligawan si Jaycee!"
"Ha? Akala ko ba sila na ni Stephen?"
"Stephen?! Eh di'ba, wala naman namamagitan sakanila?"
"Siguro nga wala pero lately palagi na lang si Jaycee kinekwento niya, akala ko nga kung ano na status nila eh."
"Wala naman sinasabi si Jaycee."
"Ehhh hayaan mo sila. Problemahin nila yon, pero basta ako, masaya ako na nagagawa ko sa'yo to ngayon!" niyakap niya ako uli ng mahigpit.
"Masaya ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Oo naman! Bakit naman ganyan tanong mo?"
"Wala lang. Naisip ko lang, nasira yung friendship niyo ni Sir Jack..."
"Hehe, magiging okay din kami niyan, huwag lang ngayon at saka marerealizen niya na tayo talaga sa isa't isa"
"Paano si Sophie?"
Natahimik siya bigla.
Hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa tanong ko.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong niya.
"Wala, ewan ko.... Uhm... Change topic na hehe"
"No, bothered ka pa ba kay Sophie?" tanong niya.
"Ha? Hindi..... Medyo..."
"Ano bang gusto mong gawin ko para mawala yung pag alala mo?"
"Wala. Wala. Okay lang ako, natanong ko lang talaga"
"Sinasabi ko naman sa'yo lahat ah?"
"Uyyy... Wag ka naman magalit...."
"Hindi ako nagagalit, sana magkaroon ka naman ng tiwala kasi ginagawa ko naman lahat mapasaya ka lang."
Tinanggal niya yung pagkakayakap sa'kin at naupo siya sa kama.
"Sorry.... Hindi ko sinasadya. Wala akong intensyon na maging ganyan ka" inaamo ko siya pero parang disppointed talaga siya sa tanong kong 'yon.
"That's okay. Maybe I'll try harder na lang para mapasaya ka"
"Ano ba, napapasaya mo ako! Sorry na talaga"
"That's okay" ngumiti lang siya ng pilit at alam kong nagtatampo siya sa'kin ngayon. Bakit ko pa kasi natanong 'yon eh!
++
Pagkatapos ng shift ko sa office, pinuntahan ko muna si Jaycee sa condo niya. Dumiretso ako sa kwarto nila at pinagbuksan naman ako ni Stephen. Umiinom siya ng beer habang nakaubad, nakasuot lang siya ng boxer short.
"Uy, nasaan si Jaycee?" tanong ko.
"Wala. Umalis." ang cold din ng pagsagot niya.
"Ahh... Akala ko nandito... Sige, una na ako"
"Ethan, wait!" hinawakan niya kamay ko at pinigilan sa pag alis.
"Ohh bakit?"
"Pwede ka bang pumasok sa loob? May sasabihin lang ako" sabi niya. Pumayag naman ako at inabutan niya ako ng beer pagkaupo ko.
"No, baka magalit si Sir Benj" sabi ko.
"Hehe, oo nga pala!" kinuha niya yung beer at siya na yung uminom.
"Oh may sasabihin ka ba?"
"Si Jaycee ba?....."
"Anong meron kay Jaycee?"
"Uhm.... Ano nasasabi niya tungkol sa'kin?"
"Anong ibig mong sabihin?" mukhang alam ko na kung saan papunta tong kwentuhang to.
"I mean... Cute ba ako sa paningin niya? Nag eenjoy ba siya? Nakwento ba niya yung ginawa kong dinner sa kanya kahapon?"
"Hehe, easy lang. Wala pa siyang nakekwento sa'kin"
"Talaga? Wala? Kahit ano?"
"Wala, maliban lang sa.... Alam mo na,,,, ginagawa niyo."
"s*x lang? Walang iba?"
"Bakit ba? May gusto ka na ba sakanya?!"
"Huy ano ba, wala ah! Tinatanong ko lang naman!"
"Oh? Alam mo ba kung bakit ako nandito?"
"Hindi. Bakit ba?"
Bago ako makasagot, biglang nagtext sa'kin si Jaycee na kasama raw niya si Blue at mamaya pa raw siya uuwi at nagdidinner daw sila sa Mozu.
"Lumapit sa'kin si Blue, manliligaw daw siya kay Jaycee"
"HA?! Sinong may sabing pwede siyang ligawan?!" natawa ako sa reaksyon niya, para siyang mananapak.
"Nasa Mozu nga sila ngayon, nagdidinner" sabi ko pa.
"ANO?!" natatawa talaga ako sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang lumabas ng condo niya at dumiretso sa elevator, nagmadali naman akong sumunod kasi naka boxer lang siya at mukhang wala siyang suot na underwear!
Hindi ko siya mapigilan hanggang sa pagbaba hanggang sa tumakbo siya papuntang Mozu! Hindi ko siya maabutan kasi nakayapak siya, ako naman naka black shoes kaya sigaw lang ako ng sigaw.
Pinagtitinginan naman siya ng mga tao, yung iba natutuwa yung iba natatakot pero ako sumusunod pa rin ako sa kanya.
Pagkarating namen sa Mozu, nakita kong nasa labas na si Blue at Jaycee at mukhang tapos na magdinner.
"Hoy!!" sigaw ni Stephen kay Jaycee. Nagulat naman sila sa itsura ni Stephen.
"Uy, ano ba yan bakit ganyan lang suot mo!" sagot ni Jaycee.
Hinatak niya lang si Jaycee pauwi pero pinigilan siya ni Blue.
"Nasasaktan si Jaycee, pre!"
"Oh? Ano naman sa'yo? Uuwi na siya! Sa'min siya nakatira!"
"Ano ba Stephen!" sigaw ni Jaycee.
"Bakit ka ba nakikipag date sa kanya?!"
"Dinner lang, nakipag date kaagad?!"
"Nagluto ako sa bahay! Hinihintay lang kita!"
"Dahil lang diyan kaya ka sumugod?!"
Natahimik naman si Stephen at binitawan na niya si Jaycee.
"May sasabihin ka ba?" tanong ni Jaycee. Mukhang may gusto lang siyang marinig kay Stephen pero hindi niya sinabi yung akala kong sasabihin niya.
"Huwag ka lang mag pagabi. Hindi ko na lang ilolock yung kwarto" sabi ni Stephen at umalis na siya na parang nalulumo. Nararamdaman ko naman na parang may gusto na siya kay Jaycee pero may pumipigil sa kanya. Hahabulin ko sana si Stephen kaso pinigilan ako ni Jaycee.
"Hayaan mo na siya bes, kagabi pa yan ganyan eh!"
"Wait," singit ni Blue. "Di'ba, friend mo 'yon, Ethan?" bigla niyang sabi.
Yung tinuturo pala niya eh si Sir Benj! Naglalakad siya sa may tapat ng office pero tumatawa siya, bigla na lang may sumulpot na babae na katawanan niya.
Hindi nakatingin si Sir Benj dito kaya sigurado akong hindi niya ako nakikita pero ako, kitang kita ko sila. Nagtatawanan at ang saya saya. Ang ganda ng babae, sobrang ganda ng babae! As in!
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero may kurot sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Paano kung siya si Sophie?
Kakatapos ko lang mapanuod yung drama nila Stephen at Jaycee, at eto naman sa panibago na naman.
"Bes, kalma." sabi ni Jaycee.
"Hindi. Nag usap na kami nung isang araw, sasabihin niya rin sa'kin yan"
"Hindi mo ba lalapitan?"
"Hindi na. Baka kabusiness meeting lang."
"Uhm... Bes, alasyete na. Nagtatawanan, ang ganda nung babae...."
"Bes, may tiwala ako. Sabi niya magtiwala ako kaya magtitiwala ako" sabi ko pa.
Parang ayaw maniwala ni Jaycee pero hindi na lang siya nagsalita. Hinintay ko na lang na tumawag sa'kin si Sir Benj at sabihin yung tungkol doon.
Pagkauwi ko, hindi pa rin ako mapakali. Kanina ko pa iniisip yung nakita ko. Gusto kong alisin sa isip ko pero hindi ko magawa. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad.
Sakto naman, biglang nag ring phone ko at kaagad kong sinagot.
"Hello!" sabi ko kaagad.
"Uhm, hello, Ethan?" hindi to boses ni Sir Benj, kay Sir Jack 'to!
"Ay, Sir Jack"
"Oh you're expecting Benjamin,I guess hehe."
"Ahm, medyo po"
"I just want you to know na nagkita kami ni Sophie kanina, nagkwentuhan and she's also interested sa US plan ko hehe"
"Ahhh... Nagkita po kayo so nasa office siya kanina?"
"Yeah, sa office ko. Well, ang sabi niya naman hindi raw siya makikipagkita kay Benjamin kaya huwag kang mag alala"
"Ahhh.... Ano bang itsura ni Sophie?" tanong ko.
"Ohh sudden interest huh? Haha, well sobrang ganda niya. That's all I can say"
Fvck, parehas pa kami ng description! Mas lalo kong nagdadalawang isip.
"Uhm, sige po salamat Sir Jack!"
"Hey, ayaw mo na ba akong kausap?"
"Ahhh... Si Sir Benj po kasi"
"Magagalit? Sige, I see. I understand. I'm still hoping for you, just so you know. Goodnight" binaba na niya kaagad yung tawag. At ako naman, mamamatay na kakaisip kung sino yung kasama niya.
+++
"Pinapatawag mo raw ako?" tanong ko kay Sir Benj, malapit na mag lunch break pero pinatawag na niya ako kaagad.
"Oo, kain na tayo, halika" may nakahain na nga sa lamesa niya.
"Ahhh. Mamaya na..."
"Ang taray mo naman! Meron ka ba ngayon? Halika nga rito," parang ang ganda ganda ng mood niya ngayon!
"Mamaya na po, Sir Benj"
"Honey ko, halika na. Huwag ka ng pabebe diyan" tumayo na siya at hinila ako palapit sakanya.
"Ohh tikman mo 'to" sinubuan niya ako at medyo natuwa na ako, ang bilis ko lang naman mapangiti eh.
"Masarap?" tanong niya.
"Uhm... Oo!"
"Anong masarap, ayan o ako?"
"Eto!"
"We? Tikman mo nga ako uli haha" nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi.
"Ano? Sino mas masarap?" tanong niya uli.
"Hala Sir Benj!!"
"Haha sino masarap? Baka gusto mo halikan kita uli?"
"Sige po ikaw na masarap!" sabi ko.
Bigla niya ulit akong hinalikan sa labi.
"Napilitan ka lang eh. Sino uli masarap?" grabe si Sir Benj, ang cute cute niya ngayon.
"Ang. Sarap. Mo. Po." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Ayan, good good!" nagtawanan na lang kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain, tinanong ko naman yung kagabi ko pang pinag iisipan.
"Anong oras ka pala umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya.
"Ohh... Hindi ba kita natext kagabi? Mga 10 po. Sorry, hindi ba kita natext?"
"Ahhh hindi ehhh.."
"Ohh... Sorry, wala po akong ginawang kagabi kundi ang magtrabaho ng magtrabaho! Sorry, nakalimutan ko"
Hindi ko alam mararamdaman ko, nagsisinungaling siya ngayon sa'kin.
"Bakit? Nasa office lang po ako magdamag" sabi niya pa.
Pinilit ko na lang ngumiti.
"Okay, hehe."
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Ahh... Opo"
"Love mo ko?"
Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Love po" sagot ko.
Sinunggaban niya ako uli ng halik sa labi.
"I love you too" sabi niya at nagpatuloy na kami sa pagkain.