"Nagsisinungaling si Sir Benj! Magising ka nga bes!" sigaw sa'kin ni Jaycee, magkasama kami sa Mozu ngayon. "Ayoko naman isipin...," "Alam mo bes, ayan ang mahirap sa'yo eh. Tanga ka masyado sa pag ibig. Masyado kang nagpapakain sa sistema ng pagmamahal. Hindi one sided ang love, bes. Kailangan dalawa kayong loyal at hindi lang ikaw!" "Malay mo naman kasi may dahilan siya...." "Ang bullshht naman kasi ng dahilan kung ano pa 'yon! At isa pa, kitang kita mo, nagtatawanan. Malayo sila, kitang kita mo na si Sir Benj 'yon at hindi ibang tao! Huwag ka ngang tanga bes!" "Naka dalawang tanga ka na ha!" "Eh kasi totoo naman. Nung kay Bill pa lang, alam mo na sa sarili mong niloloko ka pero sige ka pa rin. Oh, anong nangyari? Niloloko ka nga di'ba?!" "Bes, ang sakit na ah" Tumawa lang siya

