Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko sa mga oras na ito. Wala na akong magagawa, mahihirapan na akong makahanap ng iba pang engineering firm dahil kapos na ako sa oras. Makaraan ang isang buwan ay kailangan ko na namang bumalik sa Paris upang ipagpatuloy ang huling taon ng aking pag-aaral. Si Daddy na muna ang pamamahalain ko sa konstruksyon ng aking bahay habang wala ako sa Pilipinas. “Sige po, I'll just wait for your call engineer,” ang naging tugon ko kay Engr. Capistrano. Naging abala silang dalawa ni Marco sa pag-uusap tungkol sa nakalatag na blue print sa lamesa. Ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa pagkain ng apple pie na nasa aking platito. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanilang dalawa. Hindi sinasadyang nagtama na naman ang paningin naming dalawa ni Marco, agad

