May hatid na dilaw na liwanag ang mga poste ng ilaw na nadadaanan namin habang patungo ang aming sasakyan sa direkyon ng parking lot ng aming school. Pagkatapos na mai-park ni Patrick ang kanyang sasakyan ay tinulungan pa niya akong hubarin ang aking suot na seatbelt. “Nandito na tayo,” he uttered. Kumunot na naman ang aking noo. “Bakit dito tayo nagpunta sa school?” tanong ko sa kanya. “Malalaman mo rin mamaya. Tara na baba na tayo, ihahatid na kita papunta roon. Baka naiinip na 'yun,” he requested. Ilang saglit pa ay tinatahak na naming dalawa ni Patrick ang daanan papuntang football field ng aming dating school. Sobrang dilim ng buong paligid ng football field sa mga oras na iyon. Nakakabingi rin ang katahimikan. Hindi ko naman makita si Marco sa paligid. Pinagti-tripan lang ba ako

