Magkahawak kamay kami ni Marco na naglalakad sa loob ng isang mall. Excited kasi kaming mamili ng mga damit para sa magiging anak namin dahil nalaman na namin kahapon ang gender niya. It's a boy! Kaya naman hindi na magkandaugaga itong si Marco sa pag-iisip kagabi bago kami matulog ng magiging pangalan ng unang anak namin. “Kyle is definitely good baby,” saad ko kay Marco habang naglalakad kami sa gitnang pasilyo ng mall. Nakasuot ako ng kulay pink na maternity dress samantalang si Marco ay nakasuot ng kulay khaki na shorts at puting polo shirt. “Ayaw mo ba talaga ng Marco Vergara Sarmiento Jr?” tanong na naman niya sa akin. Napaisip na naman ako ng malalim. Napakunot ang aking noo. Iniisip ko kasi na kapag galit ako kay Marco ay hindi ko yata ma-take na pangalan ng anak namin ang itata

