“Si Chloe na naman ba 'yang tumatawag sa iyo Baby?” tanong ko kay Marco sabay irap sa kanya. “Oo, huwag ka nang magselos may tinatanong lang naman sa akin iyong tao tungkol sa trabaho. Remember ako ang trainor niya sa Praxis.” Sabay balibag ko sa kanya ng throw pillow na nasa may sala nina Gwen. “Oo alam ko at alam ko rin na kamuntik mo na siyang ligawan dati.” Mag-iisang taon na ang tagal ng relasyon namin ni Marco. October 17 last year no’ng naging kami, iyong araw ng kasal ni Tricia, araw rin ng kasal nina Terrence at Cher. May dahilan ang mga pagsubok na dumarating sa bawat magkaka-relasyon, minsan para subukan tayo kung gaano ba natin kamahal iyong taong karelasyon natin. Kagaya ng nangyari sa aming pag-iibigan ni Marco natutunan ko na dapat, kapag magmamahal ka hindi ka mapapag

