Bandang 1:30 AM na ako naihatid ni Marco sa aking condo. Naghiwalay kaming dalawa ng walang pangakong iniwanan sa isa't isa. Hanapin ko ang aking sarili, iyon ang mensaheng naiwanan niya sa akin matapos ang aming pagkikita no’ng gabing 'yon. Laking gulat ko nang pagkauwi ko sa aking condo ay nakabukas ang aking TV, sa harap nito ay nanonood si Terrence na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. May isang baso at bote ng alak na nakalapag sa may coffee table. Agad kong nakuha ang atensyon niya pagkapasok ko sa pintuan ng aking condo. He tilted his head in order to face my direction. “Saan ka nanggaling?” ang matapang niyang tanong. “I went out.” His eyebrows were meeting halfway when he looked straight to my eyes. “With whom?” Tumayo siya upang harapin ako. Dumiretso ako ng upo s

