May naka-schedule na team building activity ang Cher Hotel sa September 7-8 sa Caliraya Resort Club at Lumban, Laguna. Dahil dalawang araw ito ay sa Martes ng gabi na ang balik namin ng Maynila. Kahit na nakapagpasa na ako ng resignation obligado pa rin na pumunta ako sa team building activity upang i-assist ko iyong mga staff ko sa Administration Department. Buong weekend kaming magkasama ni Terrence sa condo ko. Invited din ang mga taga-Praxis Engineering Firm sa team building activity ng Cher Hotel dahil na rin sa ginagawang proyekto na Cher Hotel 2 Project. Nalaman ko na pupunta rin daw si Marco at iyong ibang mga taga-Engineering at Planning and Design Department ng Praxis. Hindi pa rin nagagawang kausapin ni Terrence ang daddy ni Cher kaya nagpaalam siya sa akin kung maari na kay C

